All Chapters of NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO : Chapter 51 - Chapter 60
87 Chapters
WHO COULD BE?
“HON, NAIPAGTABI mo ba si Tori nong ginawa mong salad? Paborito niya’yon ‘di ba,”Tumigil sa ginagawang paglalagay ng dagdag ng mga plato si Cynthia nang marinig niya ang tanong na iyon ng asawa niyang si Raymond. Karga nito ang anak nilang si Kathleen na dalawang linggo pa lamang.Birthday ni Raymond kaya naghanda sila ng kaunti at isinabay na rin nila ang pasasalamat dahil maayos na nailuwal ni Cynthia ang anak nilang si Kathleen. Bukod sa mga kamag-anak ay imbitado rin ang ilang malalapit na kaibigan ng mag-asawa at mga ka-opisina. Isa kasing municipal engeneer si Raymond.“Oo naman, no,” aniyang muling itinuloy ang ginagawa. “Iyon pa ba naman ang makakalimutan ko, eh, ‘yong salad ko kaagad ang itinanong nong nag-usap kami nang nakaraang gabi.” malawak ang ngiti sa mga labi na aniya. Natutuwa si Cynthia na nagustuhan ni Tori ang patsambang salad na dinala niya minsan sa opisina nila. Ilang araw bago ang kanyang maternity leave ay naisipan niyang gumawa ng salad na pinaghalong pruta
Read more
THE OTHER GUY
Nakauwi na ang ibang bisita ng mag-asawang Cynthia at Raymond. Ang tanging natira na lamang ay ilang mga kamag-anak at ka-opisina ng mag-asawa na nag-iinuman at nagkakantahan.“Hon, darating pa ba si Tori?” tanong ni Raymomd kay Cynthia na kaagad namang tumango.“Oo, baka nga andito na iyon mamayang kaunti.”“Ano raw ba ang sabi? Nasaan na raw ba siya?” tanong na rin ni Oxygen. Alam niyang hinihintay ni Taj ang pagdating ng babae pero ayaw lang nitong magsalita kaya siya na ang nagtanong. “Ang huling sabi niya sa akin, eh, nasa pier na raw sila at kanina pa ‘yon.” “Sila?” hindi nakatiis at nagtatakang tanong ni Taj. “Ah, oo, Sir,” sagot ni Cynthia habang isinasayaw ang anak nitong tulog na tulog. “pero saglit lang daw rito. Idadaan lang daw niya ang anak niya sa bahay nila then tutuloy na sila rito.” dugtong niya.“Ay, kasama ni Tori ang anak niya…excited akong makita ang bata.” ani ni Sandra.“Hindi mo ba narinig?” sikmat ni Troy sa babae. “idadaan nga raw niya ang anka niya sa ba
Read more
I THINK, I'M LOST
PABABA NA SA DALA niyang sasakyan si Taj nang matanaw niya sa kabilang bahagi ng parking lot si Tori. Kaagad na umasim ang mukha niya nang makilala niya ang lalaking kasama nito pagkuwa’y dumako ang mga mata niya sa batang nakatalikod na inaalalayan ni Tori na maka-akyat sa kotse nito. Hindi alam ni Taj kung saan nanggaling ang kabang bigla na lamang sumalakay sa kanya. May bahagi ng pagkatao niya na gustong humakbang palapit sa bata, isang bagay na hindi niya maintindihan.“Hon, what’s wrong?” Napapitlag si Taj nang marinig niya ang boses ni Kara. Muntik na niyang makalimutan na kasama nga pala niya ang babae. Kasalukuyan silang nasa Kainan sa Manggahan, isang restaurant na nagse-serve ng mga authentic filipino foods. Kilala ang restaurant sa buong Guimaras, magiging sa Iloilo kung saan mayroon nang branch ang Kainan sa Manggahan.“Oh, nothing,” sagot niya kay Kara bago siya umikot patungo sa kabilang bahagi ng sasakyan para pagbuksan ng pinto ang babae. “let’s go…” aniya rito pagka
Read more
LET'S TALK!
KUMUYOM ANG MGA PALAD ni Taj habang nagkikislutan ang mga bagang na tinitigan niya si Tori na blangko naman ang anyo na nakatingin sa kanya. Wala siyang makitang kahit na anong emosyon sa mukha nito at hindi rin niya mabigyan ng pangalan ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Is it fear? Parang hindi naman kung pagbabasehan niya ang malamig nitong anyo. Galit ba ito? Pero bakit? Hindi ba't siya itong dapat na magalit dahil sa ginawa nitong pagtago sa anak nila.Damn it, pero araw-arawr silang magkasama sa opisina pero ni hindi nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. All this time...Shit! Ano ba talaga ang nangyari noon? Kung gayon ay hindi ito nagsi-sinungaling nang sabihin nito sa lahat na hindi si Sid ang ama ng anak nito. All this time, isa palang Consunji-Sebastian ang bata!Ilang taon siyang nagmukhang tanga? Ni katiting ideya ay wala siyang alam na mayroon pala silang anak. Sa medya ba talaga itinatago ni Tori ang anak nila o sa kanya? But why? And how
Read more
ALL THESE YEARS
PAGKATAPOS NA HILAHIN ni Taj nang walang sali-salita si Tori ay dinala niya ang babae sa bahay niya kung saan sila p’wedeng mag-usap na walang ibang makakarinig. Pina-alis din niya ang mga taong nadatnan niya roon maging ang kapatid niyang si Giorgia na nagulat pa nang makitang hila-hila niya ay walang imik na si Tori.“Everybody, out!” dumadagundong ang boses na sigaw ni Taj sa lahat. “At walang babalik dito hangga’t wala akong sinasabi. Now, out!” pag-ulit niya bago muling hinila si Tori patungo sa study room na nasa ikalawang palapag ng bahay.“Ano ba ang nangyayari, Kuya?” naguguluhang tanong ni Giorgia bago habang nakasunod ang tingin sa nakakatandang kapatid. “Ano na naman ba ang ginawa ng babaeng ‘yan?” pahabol niyang tanong na nakatutok ang masamang tingin kay Tori.“Just get the hell out, Giorgia!” sigaw ni Taj sa kapatid.Damn it pero wala siyang sapat na pasensiya ngayon. Wala siyang pakialam kung sino ang maputukan ng galit niya basta ang alam niya ay gusto niyang ilabas a
Read more
IT'S GOING TO BE ALRIGHT
“NASAAN na ang apo ko?” kaagad na bungad ni Alyssa Consunji-Lopez nang makarating ito sa bahay ni Taj.Pasado alas-tres na ng hapon at abala ang lahat para sa gaganaping party para sa kaarawan ni Taj. Half day rin ang pasok sa opisina ng Sebastian Plantation kaya maagang umuwi ang mga empleyado samantalang ang iba naman ay nagpresentang tumulong sa pag-aayos ng malawak na solar sa harapan ng tatlong palapag na bahay ni Taj.Tatlong taon na rin ang nakakalipas simula nang pumanaw ang kanyang Lolo Damian kaya silang dalawa na lamang ng kapatid niyang si Giorgia ang nakatira roon kasama ang dalawang kasambahay.“Mom,” salubong ni Claudia sa bagong dating na ina. Hindi nito kasama ang asawang si Victor Lopez dahil kasalukuyang nasa Macau ang nnegosyante para sa isang malaking transaction na tiyak na makikinabang na naman ang Metropol casino, na pag-aari ng lalaki.“Nasaan na ang Kuya mo?” tanong ni Alyssa sa anak habang umiikot ang mga mata sa paligid at nang hindi makita ang hinahanap ay
Read more
I'M GONNA FIGHT FOR YOU
MAGKASUNOD NA TUMIGIL sa harapan ng ancestral house ng mga Herrera ang kotseng sinasakyan ng ina ni Taj na si Alyssa kasama si Kara at ang pick-up truck na minamaneho ni Landon kung saan nakalulan sina Claudia at Oxygen. Halos magkasunod din silang bumaba mula roon.“Mom, itigil mo ito, ano ba!?” pigil ni Claudia sa ina na tila wala namang narinig. Mabilis ang mga hakbang na naglakad ito papasok sa bakuran ng mga Herrera.Bukas ang maliit na gate kaya malayang nakapasok ang babae kasunod si Kara na kalmadong-kalmado ang anyo ngunit sa loob ay lihim siyang nagbubunyi. Kapag kasi nakuha ng ina ni Taj ang anak ni Tori ay wala nang dahilan para muling magkalapit ang dalawa.Eksaktong nakapasok na sila sa loob ng bakuran nang sabay silang mapatingin sa kalsada. Dinig kasi nila ang tunog ng paparating na sasakyan at sa bilis ng takbo niyon ay walang kalaban-labang nagliparan sa hangin ang mga alikabok. “Oh, thank goodness!” bulalas ni Claudia nang makilala niya ang kulay pulang Land Rover n
Read more
MESS
NANG MARINIG ni Tori ang mga ingay na nagmumula sa labas ng bahay nila ay kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Hajie saka niya ito binuhat. Bago siya tuluyang umakyat sa hagdan ay tiningnan niya si Wanji at tinanguan. Mabilis namang nakaunawa ang lalaki dahil tumango lang ito bilang tugon bago tumalikod at naglakad patungo sa main door.“Let’s go to our room first, love,” mahina ang boses na sabi ni Tori sa anak. Tumango naman ang apat na taong si Hajie bago nito ipinulupot ang maliliit na mga braso sa leeg ng ina.“Okay, Mama.” ani ng bata saka isinandal ang ulo sa kanyang balikat habang hawak sa isang kamay ang laruang robot.Walang pagmamadaling umakyat sa hagdan si Tori habang karga ang anak. Mukha wala siyang na siyang choice kundi ipakilala na si Taj kay Hajie sa mismong araw na iyon. Ayaw niyang maipit ang anak niya sa iringan nilang dalawa ng dating asawa. At tila balak pang dumagdag sa sakit ng ulo niya ang ina ng lalaki kung pagbabasehan niya ang pagsugod nito sa bahay nila.
Read more
HELLO, YOUNG MAN
ILANG MINUTO rin ang lumipas bago nakarinig si Taj ng magagaang yabag ng paa na pababa ng hagdan. Tumingala siya at nang makita niya si Tori ay nakahinga siya nang maluwag ngunit kaagad ding natigilan nang dumako ang mga mata niya sa mga kamay nito. Napalunok si Taj nang makita niya ang maliit na transparent plastic box na may lamang first aid kit sa kaliwa nitonng kamay habang sa kanan naman ay isang pares ng damit. Tumagal ang mga mata niya sa damit na hawak nito dahil pamilyar ang mga iyon sa kanya.“Linisin muna natin ang sugat mo then you can take a bath there,” ani ni Tori kay Taj sabay nguso sa gawi ng kusina kung saan mayroong common bathroom.Hindi kaagad nakapagsalita si Taj lalo na nang iabot sa kanya ng dati ng dating asawa ang hawak nitong mga damit. Napalunok siya nang makilala ang mga iyon. Kaya pala pamilyar dahil damit niya pa iyon dati na sinadya niyang iwanan doon nang minsang magpalipas siya ng gabi sa silid nito. Hindi niya inaasahan na nakatabi pa rin iyon sa pag
Read more
THE PAIN THAT I HAVE TO ENDURE
“WHAT IS HE DOING HERE, MAMA?” bakas ang pagkalito sa anyo na untag ni Hajie sa ina.Gumuhit ang isang malapad na ngiti mula sa magkabilang sulok ng ga labi ni Tori. Lumuhod siya sa harapan ng anak para magpantay sila. Katulad ng madalas niyang gawin ay inayos niya ang buhok nito na muling nagulo. Tinitigan niya si Hajie saka niya hinawakan ang magkabila nitong kamay.“Uhm, love, he is here because,” simula ni Tori na sandali pang tumigil para tumikhim. Nilingon din niya si Taj na nakatayo pa rin malapit sa pinto. Nginitian niya ito nang mapansin niya ang pangamba sa anyo nito saka siya muling tumingin kay Hajie. “sweet cake, he is your father.” deretsong turan niya sa anak. Hindi niya inalis ang mga mata rito dahil gusto niyang makita ang magiging reaction ni Hajie.Umiral sa loob ng apat ng sulok ng silid ang katahimikan. Hawak pa rin ni Tori ang maliliit na kamay ni Hajie habang si Taj naman ay nabitin yata ang paghinga. Pakiramdam niya ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status