Semua Bab The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5): Bab 11 - Bab 20
75 Bab
The Forbidden Desires 11
(TFD) Chapter 11Humina ang signal kaya nawala ang mga kausap niya. Tumayo si Neth at itinaas kung saan-saan ang hawak na phone para lang makasagap ng signal.Tumigil ang duyan na kinauupuan ko dahil si Neth ang nagtutulak nito kanina. Pwede ko naman itulak, kaya lang nahihiya naman akong gumalaw dahil nasa gilid ko si Silas."What have you been studying online?"Itinukod ko ang aking dalawang kamay sa magkabilang gilid ng inuupuan kong duyan na bakal. Pagilid kong sinulyapan ang ginagawa niya. Bigla na lang kasi siyang nagtanong. May naganap na pagtatalo sa pagitan namin pero kung magtanong siya ngayon, parang hindi nangyari iyon.Pinitik niya sa malayong parte ng lupa ang upos ng sigarilyo na mayroon pang baga. Umikot pa iyon bago tuluyang bumagsak sa lupa. Pinagmasdan niya ang ibinato niya na upos at hindi ako agaran na nilingon. Gilid lang ng panlalaking itsura niya ang kita ko. Natatamaan siya ng ilaw ng poste na nasa itaas kung saan siya nakasandal.His lips were red and wet. Ka
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 12
(TFD) Chapter 12I sat comfortably in the front seat. Nasa labas pa si Silas at nagpapaalam ng maayos sa mga Lolo at Lola niya. Si Neth nasa dating pwesto niya sa backseat ng sasakyan, tulog na naman.Pabalik na kami sa Manila at mahabang biyahe ang tatahakin. Napa-iwas ako ng tingin sa pagyayakapan nina Silas at Elle. That's fine. They are friends, right? What? If they are more than friends, that's fine too.Yumapos ang babae sa kanya. Umikot ang mga kamay nito at pumulupot sa bewang ni Silas papunta sa likod. Wala sa sariling humigpit ang hawak ko sa seatbelt lalo na nang makita ko ang pagbaba ng labi ni Silas para sa malambing na halik sa tuktok ng buhok ni Elle bilang pamamaalam.May kung anong namuo sa tiyan ko at pinanlamigan ako ng sikmura.I see, he has a soft spot for her. Mas malambing pa siya rito kaysa sa mga kapatid niya. May pagkakatulad ang ugali nila ni Laura kaya hindi niya malalambing ng ganito. At si Neth naman ay pinakabunso kaya takot sa kanya.I don't know. They
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 13
(TFD) Chapter 13Mabilis kaming nakauwi sa bahay nila dahil sa bilis ng patakbo ni Silas. Walang nagsalita kahit nang makababa na kami sa sasakyan at makapasok sa mga kwarto namin.Sandali akong natulala sa dingding ng kwarto. Hindi ako nagpalit ng damit o naglinis ng katawan. Masiyado akong tinatamad na kumilos ngayon. Hindi naman din kasi ako nanlalagkit dahil nakaligo ako kanina bago kami bumiyahe pauwi.Nagising ako kinabukasan sa isang katok. Nasilip ko ang bintana, hindi pa tirik ang araw pero maliwanag na. Ginamit kong panuklay sa buhok ang mga daliri at tumayo para makita kung sino ang nasa labas.Napagbuksan ko ang nakatayo na si Silas at bihis na bihis. Amoy din ang panlalaking shower gel niya at basa pa ang buhok."Mag-ayos ka na. Ihahatid na kita."Iyon lang ang sinabi niya pagkasilip ko at umalis kaagad sa aking harapan. Hindi ko pa kaagad isinara ang pinto, tiningnan ko pa ang likod niya na papalayo. Nagbuntong-hininga ako at pumasok na sa loob para makapag-ayos katulad
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 14
(TFD) Chapter 14Hindi siya bumaba sa tanghalian. Wala pa sila Lolo at Lola dahil nagpaiwan. Si Neth naman, nag-enroll din. Tinanghali siya ng gising kaya ngayon lang siya makakapunta sa school. Kung maaga siya sana naisabay na namin siya kanina. Pwede naman siyang gisingin ni Silas gaya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginawa."Wala kang gana?" Si Laura.Kaming dalawa lang ang nasa hapag. Hindi ko napansin na pinaglalaruan ko na pala ang pagkain na nasa pinggan."Hindi naman... May...gana naman..."Hindi ko alam kung paano sasagot. Maliit na lang akong ngumiti kay Laura at nagpatuloy sa pagkain. Nakakahiya kung iiwan ko siya sa hapag at sasabihin na wala akong gana. Nakikitira na nga lang ako mag-iinarte pa ba ako sa pagkain? Sa tuwing susubo ako, napapatingin ako sa pintuan ng kusina. Inaabangan ko kung papasok ba si Silas kahit wala naman akong naririnig na bumababa sa hagdan."Nakapag-enroll ka na?"Uminom ako ng tubig at tumango, napapasulyap pa rin sa pintuan ng hapa
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 15
(TFD) Chapters 15"Nasaan ang Kuya mo?"Kaliligo ko lang at pababa sa hagdan nang pumasok si Penny. Ang mabilis na takbo ko sa hagdan ay naging mabagal. She's holding a blue tupperware. Pagkain siguro dahil maayos ang pagkakahawak niya at nag-i-ingat na hindi matapon."Nasa kwarto niya si kuya. Ano 'yang dala mo?"Naninimbang ang tingin ko kay Neth nang lumapit siya para makiusyuso sa dala nito. Pagkabukas niya, nalaman ko na ulam nga ang laman. Malayo pa kasi ako, amoy na.Bakit kailangan pa niyang magdala? Eh may pagkain naman dito?Nagpresinta pa naman akong magluto kanina ng pang-hapunan. Umakyat lang ako para maligo pero naibasta ko na ang mga sangkap ng lulutuin ko sa kusina kanina pa. Hindi na pwedeng hindi ko lutuin iyon."Kuya! Nagdala si Penny ng ulam!" Sabay dala ni Neth sa kusina nang pagkain na hawak na niya.I tilted my neck to see Silas, he is behind me. Nagkatinginan kami pagkatingala ko. Pababa rin siya sa hagdan. Humarap ako sa hagdan at naghintay sa dulo hanggang sa
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 16
(TFD) Chapter 16"Kumain na tayo. Nakapagluto na ako," pinasadahan niya ng tingin ang manipis na dress na pantulog ko. "May mga bisita ako sa ibaba. Huwag kang bababa na ganyan ang suot mo."Ibinagsak ko ang tingin sa aking pantulog. Kagigising ko lang nang kumatok siya. Kahit madalas akong tanghaliin, wala siyang reklamo. Siya ang sumusundo sa akin sa agahan, tanghalian, merienda, at sa gabi'y ako naman ang madalas na magluto. Pagkatapos ng hapunan, sabay kaming naglilinis ng pinggan."Sige. Maliligo muna ako..."Tinitigan niya ako. Tumango siya at saka niya isinara ang pinto. Hindi ako kaagad bumaba dahil nakakahiyang humarap sa ibang tao na kagigising lang. Nagawa ko pang maligo ng mabilisan at nagbihis ng maayos na damit para hindi mapagalitan ni Silas.Pababa pa lang ako sa hagdan nakakarinig na ako ng mga tawanan at usapan. Maingay sila. Marahan ang hakbang ko habang nakikita ang mga tao na nasa kusina."Si Michelle lang naman ang panggulo rito!" Natatawa ang isang lalaki at iti
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 17
(TFD) Chapter 17I smiled when I heard him laughed. I wonder how a piece of banana made us reconcile. Simula kasi nang araw na asarin niya ako naging maayos na ang pakikitungo niya. O siguro rin nagsimula noong unang beses na biniro niya akong nanunuod ako ng bold. We're okay as long as I don't touch him and that's totally fine with me.Sa araw na ito, nasa sala kaming lahat. Nasa madalas niyang pwesto si Silas. Ako, si Neth, at Laura ay nasa mahaba na sofa. Nakahiga si Neth at nasa hita ko ang ulo niya. Ang mga paa niya naman ay na kay Laura. We were watching a comedy show. Nanunuod kami pero hindi ako sa pinapanuod nangingiti kung hindi sa malakas na tawa ni Silas."Totoo bang bakla iyan, Kuya?" Si Neth na natatawa rin. Ang likot niya habang nakahiga sa sofa."No. He's just acting."Siya ang pinapanuod ko imbis na ang tv. Abala siya sa panunuod subalit sa tuwing nararamdaman ang titig ko'y nililingon niya ako. Sa pagbaling niya, iyon ring pagbaling ko sa tv para hindi ako mahuli.He
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 18
(TFD) Chapter 18"Ate Laura!"Patakbo akong lumapit. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa pagtawag ko. Nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang kailangan ko."Athena! May kailangan ka?" Nakangiti na tanong niya.Hawak ko ang isang litrato. Dalawang babae at isang lalaki ang nandoon."Kuya mo ba siya?" Turo ko sa lalaki na nasa litrato.Inagaw niya iyon sa aking kamay at tiningnan. Napangisi siya at napatingin sa paligid. Tumigil ang tingin niya sa madilim na parte ng mansion at ibinalik ang tingin sa akin."Oo. Gusto mo siyang makilala?""Sana... Kaya lang palagi siyang wala rito!" Nakalabi na reklamo ko at pinaglaruan ang ribbon sa suot ko na puting dress.Gusto kong makilala ang lahat ng kamag-anak namin at gusto ko ring maging malapit sa kanila. Isa na lang ang hindi ko nakikilala. Kilala ko siya sa mga litrato at kwento pero hindi ko pa siya kilala dahil hindi pa kami nagkikita sa personal."Kasama namin siya kapag nagpupunta rito. Pinapalapit siya sa 'yo ng mga matatanda pero ay
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 19
(TFD) Chapter 19Nagising ako na madilim ang kwarto. Mayroon nakabukas na ilaw at kaonti lang ang ibinibigay na liwanag. Hindi ako kaagad bumangon. Pinagmasdan ko muna ang kisame sa madilim ko na kwarto. Panaginip ba iyon? Parang totoong totoo.May pitik pa sa ulo ko pero hindi na masakit hindi katulad noong kanina. Kumunot ang aking noo. Kanina? Kanina, nasa banyo ako ngunit nasa kama na ako ngayon. Naiwan sa panaginig ang isip ko nang itinukod ko ang aking isang braso sa kama at inikot ang paningin sa paligid. Ina-adjust ko ang paningin sa dilim at pinaliit ang mga mata para matitigan ng mabuti ang nakahiga sa sahig ng kwarto ko.Nakatihaya siya ng higa. Walang unan kung hindi ang isang malinis na puting sapin lang na hinihigaan niya. Malamig ang sahig ng aking kwarto at matigas dahil wala naman carpet na sapin. Wala ring sofa na pwedeng mahigaan. Study table lang ang nandito. Isang swivel chair, cabinet, dresser, at malaking kama.Si Silas, tulog at nakaunan sa isang braso niya. An
Baca selengkapnya
The Forbidden Desires 20
(TFD) Chapter 20After we talked that night, we became casual with each other and mutually agreed not to talk about it again. Hindi na ako nagpupumilit sa atensyon niya. Samantalang bumalik naman siya sa malamig na pakikitungo sa akin. Nagkaroon ng hindi nakikitang barikada sa aming gitna at hindi namin iyon pwedeng tawirin. Hindi lahat ng nararamdaman, sinusuklian. Hindi lahat ng nararamdaman, dapat bigyan ng pansin. Para akong nabatukan at nagising mula sa isang bangungot pagkatapos kong managinip.Imagining myself falling in love with him was a nightmare. I won't let that happen. That thought is wrong and disgusting in any ways. I know he did agreed about it without voicing it out. Alam niya rin na mali at nakakadiri. Kasi kung hindi, bakit niya pipigilan noon ang sarili niya? Halatang may gusto siya sa akin noon pa...o wala? Maaari ring isa na naman ito sa maraming sariling assumption ko.Hindi kami nag-uusap ng madalas pero naiisip ko lang na baka pareho kami ng naiisip. Kaya nga
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
8
DMCA.com Protection Status