“Hindi ko maintindihan. Linawin mo ang sinasabi mo, Natalie.”Kalmadong-kalmado si Natalie, pero kitang-kita niya ang pagkuyon ng mga kamao sa gilid ng katawan nito. Tila may kung anong mabigat na pasan-pasan, unti-unti siyang binabalot, nanakal at hindi niya matakasan.Nagdilim ang mga mata ni Mateo habang pinagmamasdan siya. Bago pa man ito makasagot, humakbang siya ng papalapit, hindi na napigilan ang bumangong inis sa kanyang dibdib.“Mahal na mahal mo si Irene—bakit hindi niyo subukan muli? Subukan mong kumbinsihin si lolo na tanggapin ang babaeng mahal mo ng hindi na tayo kailangan maipit sa ganitong kasunduan.” Ang totoo, pinilit niyang ipakitang hindi siya apektado. Pero sa huli, hindi pa rin siya nakapaghanda.Hindi kaya ni Natalie na basta na lang magpakasal sa ganitong paraan.Bumigat ang hangin sa pagitan nila at sa isang iglap, hinigpitan ni Mateo ang pagkakayakap sa bewang niya. Dahilan para mapasinghap si Natalie at napangiwi dahil sa biglaang pagpisil. Napalingon siya
Terakhir Diperbarui : 2025-06-06 Baca selengkapnya