Pagsapit ng alas-sais ng gabi, natapos na rin ni Natalie na asikasuhin ang lahat ng pasyente niya. Limitado lang ang konsultasyon na ginagawa ni Doctor Norman Tolentino--may takdang bilang lang ng pasyente kada araw dahil hindi lang siya basta doktor sa ospital na iyon, direktor din siya at head ng research department. Kung tutuusin, hindi na dapat kumukuha ng shift ang doktor pero ipinagpilitan ito mismo ni Norman.Matapos maghugas ng kamay at magpalit ng damit, nakita niyang pumasok si Alex sa opisina niya. “Pasensya ka na, Alex. Maghapon ka ng naghihintay. Pwede na tayong umalis.”Ngumiti lang si Alex at nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. “Okay lang. Trabaho ko ‘yon. Tsaka, walang nagmamadali, Nat. Paparating na rin si sir dito.”“Ano kamo?” Saglit na natigilan si Natalie. At nang maunawaan ang sinabi ni Alex, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Paparating siya dito?”“Oo, ‘yon ang sabi niya.”Umupo siyang muli, banayad at magaan ang boses niya. “Kung ganoon,
Last Updated : 2025-06-17 Read more