Samantala sa tunay na Ana.Sa isang tahimik na kwarto ng mamahaling condo sa Ortigas, nakaupo si Vanessa sa harap ng laptop habang pinapanood ang isang amateur na video—kuhang cellphone. Sa screen, kitang-kita ang kasimplehan ni Sara: pawisan, masigla, at punung-puno ng buhay habang nag-aayos ng mga kahon ng alimango, hipon, at tilapia sa palengke ng Malolos.Makalipas ang ilang sandali, tumawid ang kuha sa isang pag-deliver ng seafood sa Crystal Clear Resort. Lalo pang lumiwanag ang screen nang bumungad si Sara—nakangiti, abala, at... hinawakan ni Adrian ang buhok niya, sabay tawag ng, “Babe.”Tumigil sa paghinga si Vanessa.Nag-init ang kanyang sikmura. Halos mabasag ang wine glass sa lakas ng pagkakapisil niya rito. Naglakad siya pabalik ng kusina, tulala, ngunit may ngiting unti-unting umuusbong sa mga labi.“From palengke to resort queen, huh?” bulong niya. “Hindi pwedeng ikaw ang maging reyna, Sara. Lalo na sa mundo na ako ang dapat namumuno. Hindi mo siya naaalala, diba? Hindi
Terakhir Diperbarui : 2025-05-14 Baca selengkapnya