JILLIAN SANTILLAN POV "Don't worry, Tita, kahit na galos, wala noon si Jillian. Kaya nga po as compensation, gusto ko po sanang ngayun na lang kami babiyahe pabalik ng Carissa Villarama Resort kaya lang, ayaw na ni Jillian. Mukhan wala na kaming madadatnan kasi nasa yate yata sila Russell ngayun." muling wika ni Ralph. Tahimik lang ako sa tabi nito habang nakasalikop ang dalawa kong mga palad. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa matinding pag-aalala. Sana all na lang talaga, ang galing gumawa ng palusot. Ako kasi, hirap magsinungaling eh! "Yes, Tita, hwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala kay Jillian. Opo, thank you po, Tita." nakangiting sambit ni Ralph at pagkatapos noon, muli nitong ibinigay ang cellphone sa akin "Mom? "Iha, mag enjoy ka lang ha? Haysst, parang nagi-guilty tuloy ako na hindi ka nakasama sa vacation trip naming ito." wika ni Mommy sa akin "Naku, ayos lang, Mom. Tsaka nandito naman si Kuya eh. Hindi niya naman po ako pinapabayaan.:"
Read more