NIMFA’S POVTatlong araw na mula nang maaksidente si Xantina pero hindi pa rin ito nagkakamalay. Araw-araw din akong dumadalaw dito para bantayan siya.Pinapayagan namang pumasok sa loob ng ICU pero limitadong oras lang kaya madalas ay sa labas lang ako. Pero kahit na nakaupo lang ako sa labas, hindi ako umaalis. Umaasang bigla na lang siyang magigising.“X, gumising ka na,” pagkausap ko sa kaniya habang pinipigilan kong bumagsak ang luha ko “Pangako, kapag gumising ka. Hindi na ako magagalit. Hindi ko na ako makikialam sa iyo, okay lang kahit na makipag-date ka pa kay Yohan. Hindi na ako magagalit. Kaya please… gumising ka na… Babawi si Mama. Magiging magkakampi na ulit tayo, makikinig na ako sa iyo. Hindi na ako magiging unfair… Magbabago na ako, basta gumising ka lang…”Hinawakan ko ang kamay ni Xantina na may nakatusok na karayom. Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko sa kaniya.Hindi ko pala kayang mawala siya sa akin. Hindi man ako ang nagsilang sa kaniya, anak ko pa rin siy
Dernière mise à jour : 2025-10-06 Read More