Paglampas nila ng Pangasinan, nagpasya si Rafael na huminto muna sa isang view deck. Lumabas sila, huminga ng sariwang hangin, at sabay na minasdan ang tanawing puno ng kabundukan. “Ang ganda, no?” ani Bella habang nakahawak sa railing. “Oo,” sagot ni Rafael, pero hindi sa tanawin siya nakatingin kay Bella. Pero agad niyang iniwas ang tingin, kunwari’y tiningnan ang sasakyan. “Tara na, baka ma-late tayo sa check-in.” “Okay, bossing!” sagot ni Bella, habang pumapadyak sa malamig na simento. At habang muli silang sumakay sa sasakyan at tinuloy ang biyahe paakyat sa Baguio, sa ilalim ng kalangitan at ihip ng hangin, nagsisimula nang isulat ang bagong pahina ng kwento nila, hindi sa awit, kundi sa mismong tahimik na espasyo sa pagitan ng mga salita, ng mga tanong, at ng mga titig na ayaw umamin. Pagkababa nila ng sasakyan sa may gilid ng Session Road, unang bumungad sa kanila ang amoy ng bagong lutong strawberry taho, roasted corn, at mainit-init na ukoy. Si Bella, parang batang nak
Last Updated : 2025-04-19 Read more