“Nagawa niyo ba?”“Pasensya na, Mr. El Greco. Tumawag sila ng mga pulis kaya hindi namin sila nagawang dalhin—”Hindi na niya ito pinatapos.“Hayaan mo na,” malamig ang tono. “Marami pang susunod na pagkakataon. Bumalik na kayo agad. Siguraduhing hindi kayo mahuhuli ng mga awtoridad.”Walang ibang sinabi, binaba niya agad ang tawag. Muli siyang tumahimik, saka dahan-dahang nilagok ang laman ng kanyang baso.Sa ilaw ng sasakyan, lalo pang lumutang ang mala-rehente niyang postura, elegante, misteryoso, at walang bahid ng kaba.Malamig ang kanyang tinig nang muling magsalita tila wala siyang kausap kundi ang sarili. “Hindi habangbuhay makakatakas ka sa ‘kin, Wisteria.”Samantala, sa kabilang banda ng kalsada, nakahinga na nang maluwag sina Tyler, Barry, at Selena. Para silang binunutan ng tinik sa dibdib. Akala nila'y katapusan na nila at wala nang ibang pagpipilian kundi sumuko.Lumapag ang helicopter sa gilid ng kalsada, at isa-isang bumaba ang mga pasahero, armado at mukhang mga train
Last Updated : 2025-08-07 Read more