Si Axel naman ay tahimik na naglakad, nilagpasan ang dalawa, at nagtuloy sa pintuan ng private ward ni Selena. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ngunit nakasara, kaya kumatok na lamang siya.Ilang saglit pa, bumukas ang pinto at si Selena ang bumungad.“R-river?” maingat na tawag ni Selena, dahan-dahang binuksan ang pinto, tila sinisigurado kung kilala niya ang kumatok.“Bakit ikaw ang nagbukas ng pinto? Asan si River?” agad na tanong ni Axel, nakakunot ang noo, halatang nagtataka.“Axel?” bahagyang nagulat si Selena nang makita siya. “Nakabalik ka na…”Bago pa siya muling makapagsalita, pumasok na si Axel sa loob ng silid, kasunod sina Russell at Neera.Sandali silang lumingon sa paligid, waring sinusuri ang sitwasyon.“Mrs. Strathmore, yung kapatid ko?” agad na tanong ni Russell, halatang nag-aalala kung nasaan si River.“Ang sabi, may gagawin lang daw siya saglit,” mahinahong sagot ni Selena, kahit may bahid ng pagtataka ang kanyang tinig.Ibinuka na ni Axel ang bibig para mags
Last Updated : 2025-08-21 Read more