Umiling si Nadine. “Hindi dahil doon.” “Eh, ano?” tanong ni Nessa, kunot-noo. Napangisi si Nadine, mapakla ang ngiti. “Si Selena. Tinawagan siya ng Dad mo, pinapapunta rito para bisitahin daw tayo. Pero ang totoo, gusto niyang makilala ang asawa ni Selena… para hingan din ng pera.” “Pumayag ba ang babaeng ’yon?” tanong ni Nessa, taas-kilay at bahagyang napapadyak sa inis. “Huh. Syempre hindi. Kaya nga nanggagalaiti ang dad mo kanina,” sagot ni Nadine, naiiritang napailing. Si Nessa naman ang napangisi sa pagkakataong ito. “‘Yon lang ba dahilan ng pagtatalo ninyo ni dad? Napakasimple lang ng solusyon diyan, mom.” Tumaas ang kilay ni Nadine, nagtataka. “Simple? Sa ‘yo simple pero sa dad mo at sa akin, big deal ‘yon. Kung hindi mababayaran ang mga utang na kinuha ng dad ko sa mga lending company, posibleng pati ikaw madamay,” labis ang pangamba ni Nadine na baka madamay ang anak. Umikot ang mata ni Nessa. “Kung nagawa nating utuin noon si Selena, magagawa natin ulit ’yon.”
Terakhir Diperbarui : 2025-06-11 Baca selengkapnya