Share

Chapter Eighty One

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-06-11 23:09:03
Umiling si Nadine. “Hindi dahil doon.”

“Eh, ano?” tanong ni Nessa, kunot-noo.

Napangisi si Nadine, mapakla ang ngiti. “Si Selena. Tinawagan siya ng Dad mo, pinapapunta rito para bisitahin daw tayo. Pero ang totoo, gusto niyang makilala ang asawa ni Selena… para hingan din ng pera.”

“Pumayag ba ang babaeng ’yon?” tanong ni Nessa, taas-kilay at bahagyang napapadyak sa inis.

“Huh. Syempre hindi. Kaya nga nanggagalaiti ang dad mo kanina,” sagot ni Nadine, naiiritang napailing.

Si Nessa naman ang napangisi sa pagkakataong ito. “‘Yon lang ba dahilan ng pagtatalo ninyo ni dad? Napakasimple lang ng solusyon diyan, mom.”

Tumaas ang kilay ni Nadine, nagtataka. “Simple? Sa ‘yo simple pero sa dad mo at sa akin, big deal ‘yon. Kung hindi mababayaran ang mga utang na kinuha ng dad ko sa mga lending company, posibleng pati ikaw madamay,” labis ang pangamba ni Nadine na baka madamay ang anak.

Umikot ang mata ni Nessa. “Kung nagawa nating utuin noon si Selena, magagawa natin ulit ’yon.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
FourStars
Nasa instense scene nanaman tayo mga lalabs ko!~ hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Four

    Ito mismo ang naging pangunahing dahilan kung bakit pinili ni Enzo Dalmacio na makipag-collaborate sa Ascend Robotics. Para sa kanya, hindi lang basta teknolohiya ang hatid ng proyekto, kundi kapayapaan ng isip at proteksiyon sa tahanan.Hindi maikakaila na pinag-isipan, pinaghandaan, at pinagbuti ng Ascend Robotics ang bawat detalye ng kanilang produkto. Hindi sila tulad ng ibang kompanyang nagpaparami lang ng produksiyon para kumita agad; sa halip, inuuna nila ang kalidad.At kahit mataas ang presyo ng mga produkto ng AR, naniniwala si Enzo na sulit ito — dahil bawat function at feature ay dinisenyo nang may layunin at katalinuhan.Matapos ang halos isang oras na pag-uusap tungkol sa proyekto, iniabot ni Russell kay Selena ang folder na naglalaman ng kontrata. Maingat naman itong tinanggap ni Selena at iniabot kay Enzo.Tahimik na sinuri ni Enzo ang bawat pahina, ang mga mata’y seryosong gumagalaw sa bawat linya ng dokumento. Ilang minuto lamang ay kinuha niya ang ballpen sa tabi at

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Three

    Maingat na inayos ni Selena ang mga dokumento at kagamitan sa ibabaw ng mesa bago tumayo, dala ang kanyang bag. Kasunod niya si Russell nang lumabas sila ng opisina at tumungo sa lobby sa ground floor. Sa labas ng gusali, naghihintay na si Barry sa itim na kotse upang ihatid siya sa restaurant kung saan nakatakda ang meeting kay Enzo Dalmacio.Tahimik ang biyahe. Habang nasa loob ng sasakyan, tiningnan ni Selena ang oras sa kanyang relo, sinigurong hindi siya mahuhuli. Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang one-star Michelin restaurant — elegante ngunit hindi labis na marangya. Bumaba siya, kasabay si Russell, at agad silang sinalubong ng isang waiter na naghatid sa kanila sa isang private room na ni-reserve ni Russell para sa meeting.Pagbukas ng pinto, dalawang lalaki ang bumungad sa kanila.Ang una ay isang lalaking may gold-rimmed glasses at blond hair — mukhang foreigner at may aura ng karanasang negosyante. Sa likuran nito ay isang mas batang lalaki, marahil an

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Two

    Tinitigan niya nang mariin si Klyde, tsaka bahagyang tumikwas ang dila niya sa pisngi—senyales ng pagpipigil sa inis.“Ganoon ka rin sana, Klyde. Inaasahan kong pagbubutihin mo ang trabaho mo dahil ipinagkatiwala sa’yo ni Axel ang pagiging COO ng Strathmore Group. Huwag na huwag mo siyang bibiguin.”Matapos sabihin iyon, agad siyang naglakad pabalik sa kanyang opisina nang hindi na hinihintay pa ang magiging reaksyon ni Klyde. Tahimik namang sumunod si Russell sa likuran niya.Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Klyde. Napalitan iyon ng malamig at nakakatakot na titig habang pinapanood ang papaalis na si Selena.Pagbalik sa opisina, agad bumalik si Selena sa pagbabasa ng mga dokumentong hindi pa niya natatapos. Huminto lamang siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa kanyang bag at binuksan ang mensaheng natanggap mula kay Silas.Naningkit ang kanyang mga mata habang binabasa ang laman ng mensahe. Ilang segundo pa siya nag-isip bago ibinaba ang telepono at b

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty One

    Sumunod na araw, maagang nagising si Selena para mag-agahan at pumasok sa opisina. Pagkatapos kumain ng agahan ay lumabas na siya ng mansyon.Sa labas, nakaabang na sa kanya si Barry upang ipagmaneho siya. Ilang minuto lamang ang naging biyahe hanggang sa makarating na sila sa office building ng Strathmore Group. Ibinaba siya ni Barry sa tapat ng main entrance at agad na umalis, babalik na lamang upang sunduin siya kapag oras na ng kanyang pag-uwi.Pagpasok niya sa loob ng gusali, bumungad agad sa kanya ang sunod-sunod na pagyuko at pagbati ng mga empleyadong maagang nagsidating. Ang kanilang mga tingin ay hindi maitago ang paghanga at paggalang sa bagong CEO.Matangkad ang postura, matatag ang bawat hakbang ni Selena habang tinatahak niya ang direksyon papunta sa private elevator. Mabilis niyang pinindot ang button at diretsong umakyat ito sa top floor kung saan naroroon ang opisina ng CEO.Nagbukas ang pinto ng elevator at mag-isa siyang lumabas, tangan ang kanyang eleganteng presen

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty

    Nagpalakpakan muli ang mga tao matapos niya magsalita.Matapos ang kanyang speech, iniabot niya ang mikropono pabalik sa emcee. Nagpasalamat bago bumaba ng entablado.Pagbaba ng entablado, sinalubong siya ng mga negosyante at empleyado na mula sa iba’t ibang kumpanya. Mga taong nagmula sa malalaki at kilalang kumpanya sa Regenshire.Kagaya kanina, nakipagkamay rin siya sa mga ito. Nakangiti at propesyonal.Nang makaramdam ng pagod sa patuloy na pakikipag-usap at halubilo, nagpaalam siya na magpapahinga na muna. Kaya naman agad siyang inakay ng magkapatid na Russell at River sa pahabang lamesa.Mesa kung saan nakaupo ang mga miyembro ng Board of Directors. Naroon din sa lamesa sina Atticus at Alaric na parehong nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi.Naupo siya sa pagitan ni Atticus at Alaric.Pagkaupo niya ay narinig niya ang boses ni Atticus.“Selena, inaasahan kita at ng buong Strathmore Group. Huwag mo kaming bibiguin.”“Huwag ka mag-alala, Lolo. Hindi man ako kasing husay ni Axe

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Nine

    “Sino ‘yang kasabay mong pumasok, Mr. Strathmore?”Isa sa mga empleyado ang naglakas-loob na magtanong, tila kinain ng kuryosidad. Paano ba naman, sa paglakad pa lang ni Selena ay para siyang babaeng nagmula sa isang marangal at mataas na estado ng pamilya. Ang bawat hakbang ay may dalang halo ng pagiging elegante at sopistikado.Napangisi si Klyde, kunot-kilay pero halatang nag-e-enjoy sa eksena. “Mukha ngang hinihintay ninyo ang pagdating ko,” aniya na may biro sa tinig. “Pagpasok ko pa lang, nag-uusisa na agad kayo. Pero sana iwasan ang may halong malisya…” bahagya siyang tumingin kay Selena “…lalo’t nasa harapan ninyo ang bagong CEO.”Sabay-sabay na napa-“Huh?” ang lahat. Napanganga sa kanilang narinig.Bumilis ang pagsulak ng usapan at nagkandarapang lumapit ang mga empleyado. Ang iba ay muntik pang matapilok dahil sa pagmamadaling makalapit.Tumindig sila sa harap ni Selena at sabay-sabay na yumuko.“Magandang gabi sa inyo, Mrs. Strathmore!”“Ikinagagalak ka naming makita at mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status