Zephyr POV Hindi siya makatulog. Lahat ng sinabi ng kanyang kaibigang doktor noong nakaraang araw, lahat ng narinig niyang pangalan ni Ariana, lahat ng nabanggit na buntis ito—paulit-ulit sa isip niya. “Bakit, Ariana? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Pinikit niya ang mga mata, pilit nilalabanan ang pag-aalala, ang galit, at ang matinding sakit na bumabalot sa puso niya. “Kay Alex? Bakit kay Alex pa?” Habang kumukulog sa labas at walang humpay ang pagbuhos ng ulan, nasa silid lang si Zephyr, nakatingin sa kisame. Hindi niya namalayan, sa pagod at bigat ng damdamin, nakatulog din siya. --- Kinabukasan Mag-a-alas siyete ng umaga. Isang malakas na katok ang gumising kay Zephyr mula sa mababaw na tulog. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon. "Sir Zephyr! Sir Zephyr!" sigaw ni Yaya Felecidad mula sa labas ng silid, halos naghuhukahog sa kaba. Agad niyang binuksan ang pinto. "Ano 'yon, Yaya?" bakas sa boses niya ang iritasyon at pagod. "Si... si Ariana, Sir! Nasa labas... wala
Last Updated : 2025-06-09 Read more