Pagpasok nila sa silid, agad silang sinalubong ng malumanay na amoy ng lavender. Si Marcela ay nakaupo sa yoga mat, nakapikit, at ginagabayan ng nurse na tila sanay na sa ganitong routine. Maaliwalas ang mukha ni Marcela—banayad ang hinga, payapa ang ekspresyon.Nang maramdaman niyang may pumasok, dahan-dahan siyang nagmulat ng mata. "Ah," ngiti niya, "naparito kayo."Kaagad lumapit si Fae at yumuko sa tabi ng ina. "Mama, buti na lang maayos ka na," sabi niya, at agad na niyakap ang kanyang ina nang mahigpit.Napangiti si Marcela at marahang tinapik ang likod ni Fae. "Hindi mo ako kailangang alalahanin, anak. Matatag pa ako kaysa sa iniisip mo."Tumawa si Bernard, "Oho, 'yan ang nanay ni Fae! Mas matibay pa sa bakal!""Mas matibay pa nga kaysa sa tuhod mo, Lolo," biro ni Kevin, dahilan para mapatili sa tawa si Fae at mapailing si Richard."Hoy!" singhal ni Bernard sabay hampas ng baston sa hangin. "Isa pa, ikaw ang ipapa-meditate ko nang tatlong araw nang walang kain!"Nagkaroon sila
Huling Na-update : 2025-10-04 Magbasa pa