Share

Chapter six

Penulis: LanaCross
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-01 17:50:30

Habang nasa byahe na si Abigail pabalik sa Cavite, hindi niya maiwasan na hindi mapahinga ng malalim.

Hindi siya makapaniwala na mabilis na tangapin ng kanyang mga magulang si Hazel.

At si Hazel, napakagaling talaga nitong ibaliktad ang lahat, noon pa man magaling na itong gumawa ng kwento.

Naging kaibigan niya ito dahil siya lang ang nagtagal sa ugali nito, nong highschool ay wala itong ibang ginawa kundi ang makipag-away.

Pero hindi ito ang pinupunto ng lahat, paano nalaman ng mga magulang niya na ito ang nawawala nilang anak?

"Gusto mo ba na kumain muna tayo? Tanghalian na kasi." Napatingin si Abigail kay Tristan kaya tumango siya dito.

"Okay, ikaw ang bahala." Sabi niya dito kaya huminto sila sa isang restsurant at saka na siya nito pinagbuksan ng pinto.

Nagpasalamat siya dito at napatingin sa paligid.

Habang kumakain sila ay tumawag si Oliver sa kaharap at saka tumango mula sa kabilang linya.

"Gusto mo ba siyang kausapin?" Tanong nito sa kausap saka binigay sa kanya ang telepono nito.

"Are you okay? Eat more. I will comeback before dinner." Sabi ni Oliver sa kabilang linya kaya agad siyang napatango dito.

"Huwag kang magmadali, medyo umuulan pa rin." Sabi niya dito dahil ito lang naman ang naisip niya na sabihin.

"Okay, do you need something?" Tanong nito mayamaya kaya napatingin siya kay Tristan na maganang kumakain.

"Pwede mo akong bilhan ng milktea." Sabi niya dito kaya bahagya itong tumawa at saka sumagot ng oo.

Saka na ito nagpaalam, kaya binalik na niya ang cellphone kay Tristan.

Nagpatuloy sila sa pagkain ni Tristan, at abala ito sa kung ano man ang ginagawa nito sa ipod nito.

"Trabaho ito, marami kasing nakaabang na meeting si Oliver kaya ako na ang gumagawa ng iba pa." Sabi nito naarahil ay naramdaman na nagtataka siya sa kung ano ang ginagawa nito.

"Ah, mukha ngang lagi siyang abala. Napansin ko na marami siyang trabaho." Sabi niya sa lalaki na napatingin sa kanya, tumango ito at saka nagpatuloy na kumain.

Nang makauwi sila ay tumawag ang ka-trabaho niya at nalungkot ito sa pag-resign niya.

"Wala na kaming mabait na amo." Sabi ni Lyka kaya napangiti lang ng bahagya si Abigail.

Balak niya na i recruit ito kung sakali man na magkaroon siya ng sariling cafe, pero nagdalawang isip siya.

Baka magalit sa kanya ang kanyang ama, sigurado siya na hindi ito matutuwa.

Umakyat sa taas si Abigail upang magbihis at ayusin ang kanyang mga gamit nang maabutan niya ang dalawang katulong na nandito sa kwarto niya.

"Bakit kaya biglaan na nag-asawa si Sir Oliver? Mukha naman na bata pa ang babae at sabi ni manang masama ang ugali nito." Ito ang narinig ni Abigail, napakunot siya ng noo at napahalukipkip.

Hinayaan niya na mag-usap ang dalawa ng ilang sandali.

Pero nagulat ang dalawa nang lumabas na ito, dala ang panlinis at halos hindi makatingin sa kanya.

"Next time, huwag kayo bastang maniwala sa kung ano ang sinasabi lang kung sino." Nakangiti niyang sabi sa dalawa. Agad na tumango ang dalawa at saka nagmamadali na umalis.

Napatingin si Abigail sa kwarto niya at napailing na lang.

Wala naman nabago sa mga gamit niya, pwera lang sa flower vase na nakalagay sa gilid ng bintana niya.

Maayos na itong nakalagay sa isang maliit na lamesita.

Ang ilan sa gamit niya ay nakalagay pa rin sa paanan ng kanyang kama.

Nagbihis muna siya bago ito ayusin, at ginugol niya ang ilang oras sa pag-aayos ng mga damit na pinamili nila ni Oliver.

May sarili siyang walk in closet, malaki ito at maraming pwedeng paglagyan sa mga gamit.

Ang ilang piraso ng kanyang sapatos at sandals ay inayos niya sa shoes section.

Ang ilan sa mga bag naman niya na anim na piraso ay inayos niya naman sa bag section.

Samantala ang mga ilan sa mga libro niya ay nilagay niya ng maayos sa open cabinet na nakalagay sa gilid ng kanyang kama.

Ang mga bagong damit na binili ni Oliver sa kanya ay maayos niyang hinanger sa clothes section.

At nang makita niya ang ginawa niya ay napangiti siya. Marami pang space dahil hindi naman siya mahilig sa maraming damit.

Naalala niya ang kwarto niya sa kanilang bahay, maliit ito at sakto lang sa kanya.

Puro rin pinaglumaan ng ate niya ang ilan sa mga gamit doon, lalo na ang cabinet niya.

Napaupo siya sa kama niya at napahinga ng malalim. Oo nga pala ngayon lang niya naisip na kung paano siya tinuring na iba ng kanyang ina.

Ang kanyang ama ay anak na totoo ang turing nito sa kanya. Katulad ng kuya at ate niya.

Pero si Cordelia Navarro ay iba na ang turing nito sa kanya noon pa man, walang pinagbago mula noon hanggang ngayon.

At ngayon na nahanap na nila ang nawawala nilang anak, walang iba kundi si Hazel sigurado siya na wala na siyang puwang sa tahanang iyon.

Napatingin si Abigail sa kanyang cellphone at napahiga dahil sa nakaramdam siya ng pagod.

Nangangalay rin ang kanyang leeg at mga braso.

Dalawang oras rin pala siyang nag-ayos ng kanyang mga gamit.

Dito may kumatok sa pinto niya kaya inayos niya ang sarili saka pinagbuksan ang kung sino man ito.

Pero pagbukas niya ay si Oliver Rosenthal ang tumambad sa kanya.

"Hi, mukhang busy ka." Sabi nito sabay pakita sa kanya ng dala nitong milktea.

Niluwagan niya ang pinto at pinapasok ang lalaki. Kinuha niya ang pasalubong nito at agad na napangiti.

Classic boba, ang paborito niyang flavor.

"Salamat dito. At nag-ayos kasi ako ng mga gamit ko." Sabi niya dito na tinabi ang ilan sa mga karton na hindi pa niya nililigpit.

"Ganon ba." Sabi na lang nito na inikot ang paningin sa paligid.

"Did you like your closet area? It is big enough or small for you?" Magkasunod nito na tanong kaya napailing lang siya.

"Seryoso ka ba? Kasing laki na ito ng silid ko sa bahay Oliver." Sabi niya sabay tawa. Pero napatigil siya nang mapagtanto ang sinani niya.

Medyo naging masigla ang inasta niya dito na tila close na sila.

"Sorry." Bulong niya dito.

"It's okay, i never thought that you are really pretty when your smiling." Sabi nito kaya namula ng husto ang kanyang pisngi.

Dahil naka-suit pa ito ay nagpaalam na muna ito na magbibihis na kaya tumango siya at muling nagpasalamat sa lalaki.

Samantala si Oliver ay hindi mapigilan ang hindi mapangiti, napakaganda talaga nito kapag nakangiti.

Isang bagay na gustong-gusto niya na nakikita sa babae.

Pero gusto niyang maging totoo na dito, kaya balak na rin niyang sabihin dito ang totoo.

Isa sa mga dahilan lung bakit kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reakyson ni Abigail.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter fourteen

    Nagbihis muna si Abigail bago muling bumaba sa sala, naisipan niya na pumunta sa library. Sabi ng asawa niya ay pwede siyang magbasa ng mga libro na koleksyon nito. Pero dahil wala siya sa sarili ay sa wine cellar siya pumunta, may nakita siyang bukas nang whiskey kaya kinuha niya ito. Hindi na niya inalam kung malakas ba ang alcohol content nito o ano, basta kumuha siya ng wine glass at saka nagsalin dito. May koleksyon rin kasi ng mga alak si Oliver at tila mamahalin lahat ng mga alak dito. Umupo siya sofa habang nakatitig sa baso ng alak at saka ito tinunga. Unang inom niya at kakaibang init agad ang dumulas sa kanyang lalamunan, mapait at kakaiba ang lasa. Gusto niyang maduwal o iluwa ito pero pikit mata na lang niya itong nilunok. Umiinom naman siya paminsan-minsan pero hindi ganito katapang, beer lang ang kasi pinakamatapang niyang iniinom. Hazel taught her how to drink when they were college, nang maalala niya ang babae ay lalong sumama ang loob niya. Ang ilang beses

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter thirteen

    Si Abigail ay lumuwas ng Manila mag-isa pero nagpaalam naman siya kay Oliver.Magka-canvas siya ng mga gamit sa kanyang ipapataya na cafe.At naisipan niya na pumunta sa manufacturing na ang may-ari ay kaibigan ng kanyang ama.Tumawag na siya sa may-ari na pupunta siya at hinihintay siya nito.Naging maayos ang usapan nila ng mismong may-ari, ang mag-asawa ay natuwa sa sinabi niya na magtatayo siya ng sariling cafe.Ang negosyo ng mga ito ay pagawaan ng mga upuan, lamesa at kung ano-ano pang mga kagamitan.Kapag naayos na niya ang lahat ay saka niya muling kokontakin ang mga ito.Tatlong oras rin siya sa Valenzuela kung nasaan ang kumpanya ng mga ito at bumyahe na siya papunta ng Manila.May kikitain rin siya na isang tao na pwede niyang mahingan ng advice sa pagpapagawa ng cafe.Sa isang mall sila nagkita at naging maayos naman ang kanilang pag-uusap."Balita ko ay kinasal ka na?" Tanong ni Lorraine, ito ang anak ng kaibigan ng kanyang ama.Dito siya nakipagkita at isa rin itong inte

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter twelve

    Humingi ng paumanhin ang matandang mayordoma at ang dalawang kasambahay ni Oliver kay Abigail.At si Abigail naman ay agad na tinangap ang paumanhin ng mga ito, while Oliver is not yet fully convince but he did what his wife said.May tiwala siya dito, at dito nito napagtanto na isang ginto ang kanyang napangasawa.At ang matandang babae naman ay natauhan sa ginawa nito, kung tutuusin ay pwedeng hilingin ni Abigail kay Oliver na paalisin sila.Pero ito pa ang nakiusap kay Oliver na huwag silang paalisin.Nadala na kasi ito, mula pa man noon ay lagi nang bigo sa mga babae si Oliver. Halos lahat ng naging nobya nito ay niloko ang lalaki at pera lang ang habol ng mga ito dito.Isa na dito ang huling naging kasintahan ni Oliver, na alam ng matandang babae ang sakit at kabiguan na dinanas ng kanyang alaga.Kaya nang malaman niya na nag-asawa ng napakabilis ni Oliver at makilala si Abigail ay inakala nito na isa rin lang ang layunin ng babae.Ito ay ang pera nito, ngunit nagkamali pala siy

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter eleven

    Pero nag-aalala pa rin si Abigail."Don't think too much, Abigail." Saway sa kanya ni Oliver mayamaya dahil napansin nito ang pag-aalala pa rin niya."Salamat, Oliver." Nasabi na lang ni Abigail habang nakatanaw sa karagatan ang lalaki.The days had past, and Abigail's life turn to different level.Masaya siya na minsan hindi, wala siyang ibang ginagawa sa mga nakalipas na araw.Dalawang linggo na ang matulin na lumipas, pero okay lang sa kanya hindi naman siya naiinip.Lagi lang siyang nasa kwarto niya at nagpipinta, ang pinakagusto niyang gawin mula pa man noon.Hindi niya kasi gusto ang makialam sa kusina o sa loob ng buong bahay na ito.Kahit hindi naman niya ito intensyon ay tila ba laging nakabantay ang mayordoma ng malaking bahay na ito.Bawat kilos niya ay nakatingin ito kapag nasa baba siya, si Oliver kasi ay laging abala sa trabaho.Wala naman kasi siyang magawa, gusto niyang maghalaman pero bawal siyang humawak ng kahit na ano.Minsan gusto na rin niyang kumprontahin ang ma

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter ten

    Napatingin si Abigail sa tumawag sa kanya at nakita na niya ang ate niya."Ate Aria, kumusta ka?" Nakangiti niyang bati dito, saka niya ito niyakap at hinalikan sa pisngi."I saw your husband, and i saw your smile." Sabi nito kaya namula ang pisngi ni Abigail na ikinangiti naman ni Aria.Magakahawak kamay na naglakad pabalik sa mall ang magkapatid, at masayang nagkwentuhan."He gave me his black card ate." Sabi ni Abigail kay Aria habang nandito sila loob ng isang cafe."Really? Nah, black card is something that all women wanted to have you know." Sabi ni Aria na ikinatingin dito ni Abigail."Pero nahihiya pa rin ako sa kanya ate." Bulong ni Abigail."It's okay, he is your legal husband now. All his asset is yours now." Sabi na lang ni Aria, but knowing her sister. She knows that she don't want live like a billionaire's wife."He is a good man, a gentleman and a good provider." Nasabi na lang ni Abigail kaya napangiti na lang si Abigail."Well I am glad that you already found a better

  • The Unlucky Wife of the Billionaire    Chapter nine

    Tahimik lang si Abigail, habang nasa tabi niya si Oliver na may kausap sa telepono nito.Habang nasa daan at nagda-drive naman si Tristan, hindi pa rin maiwasan ni Abigail ang hindi mag-isip.Ngayon na legal na ang kasal nila ni Oliver Rosenthal, ang mga id's niya ay mapapalitan na rin niya.Ito ang sinabi kanina ng abogado, ito na rin daw ang mag-aasikaso ng lahat.Her name is no longer Navarro Abigail. Kundi Mrs. Abigail Rosenthal na.Sa isip ni Abigail ay bagay sa kanya ang apelyidong Rosenthal.Lihim na lang na napangiti si Abigail at saka napatingin sa hawak niyang envelope."Where are we now, Tristan?" Tanong ni Oliver sa lalaki nang matapos itong makipagusap sa telepono."Saan ko kayo ibababa?" Balik tanong naman ni Tristan."Where do you want to go first babe?" Tanong sa kanya ni Oliver kaya napatingin si Abigail dito.Kanina pa o nong nakaraan pa siya nito tinatawag sa ganong indearment."Kahit saan, sa mall?" Nakangiti niya na sagot dito."Okay then, bring us to the mall Tri

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status