Share

Owned by His name
Owned by His name
Author: Bluemoon22

chapter 1

Author: Bluemoon22
last update Last Updated: 2025-06-02 18:13:25

“Sa ngalan ng dangal, sino ang kayang magsakripisyo?”

Pumapalakpak ang buong Coliseum, kung saan isinasagawa ang matinding labanan sa pagitan ng dalawang powerhouse teams sa volleyball. Nag-uunahan ang sigawan ng mga fans, at sa bawat puntos na tinatanggap ng team ni Celestine, lalong lumalakas ang hiyawan.

“Celestine! Celestine! Celestine!”

Halos pangalan lang niya ang maririnig sa buong arena. Sumasayaw sa ere ang mga banderang may mukha niya, hawak ng mga tagahanga, habang kumakaway ang LED screen na may nakasulat na “MVP!”

Hindi makapalag ang kabilang team—at mas lalong hindi mapigil ang init ng suporta ng sambayanan.

Nakatingala siya sa digital scoreboard. Panalo na sila. Five grueling sets. Two-hour match. Bawat kalyo sa palad niya, bawat galos sa tuhod—lahat ng iyon ay sulit sa tagumpay na tinamo.

Buhay na alamat. Ganyan siya tawagin ng mga sports analyst. Ngunit sa bawat pagpikit niya, ang naririnig lang niya ay ang malakas na tibok ng sariling dibdib.

Hindi dahil sa adrenaline.

Hindi dahil sa panalo.

Kundi dahil sa mensaheng natanggap niya, limang minuto bago ang final whistle.

“Umuwi ka. Ngayon na. Hindi na ako mag-uulit.”

— Abuelo

“Abuelo...” bulong niya sa kanyang isipan, habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Walang pangalan. Walang emoticon. Walang kahit anong palamuti. Pero kilala niya ang tono—utak niya agad ang nagsabi kung sino ang nagpadala. Walang sinuman ang kasing lamig at tumpak sa mga salita gaya ni Don Alfredo Ramirez, ang ama ng kanyang yumaong ama. Ang taong minsang naging bangungot ng kanyang pagkabata.

Ang lalaking iniwan niya pitong taon na ang nakalilipas.

Ang lalaking hindi dumalo sa libing ng sariling anak.

Ang lalaking kumontrol sa kabataan niya, sa damdamin niya, at sa mga pangarap niyang muntik nang hindi lumipad.

At ngayon—matapos ang lahat—ipinatawag siya. Walang paliwanag. Walang dahilan.

“Ano ang binabalak mo?” tanong niya sa sarili, mariin.

“Teh, ayos ka lang?” tanong ni Regina, ang teammate at matalik na kaibigan niya, habang inaabot ang bote ng tubig. Pawisan ito at hingal, pero hindi nawawala ang ngiti.

Ngumiti si Celestine. Pilit. “Oo. Tara na sa press con.”

Ngunit ang isip niya—wala na sa court.

Nasa Forbes Park. Nasa silid kung saan inaabangan siya ng taong pinakanaiiwasan niyang harapin.

Isang oras ang lumipas. Nagmamadali siyang nagbihis sa loob ng van ng team. Tahimik. Walang paalam. Ibinigay lamang ang rason na may family emergency—at iyon ang totoo. Kapag si Don Alfredo Ramirez na ang tumawag, hindi na uso ang pagtanggi.

Pagdating niya sa ancestral mansion ng mga Ramirez sa Forbes Park, parang bumalik siya sa panahong labing-anim pa lang siya—hindi pa atleta, hindi pa ahente, at mas lalong hindi pa malaya.

Bukas ang heavy wooden door. Gaya ng dati, hindi uso rito ang doorbell. Alam ng mga guwardiya kung sino ang nararapat pumasok. At siya, kahit kailan, ay hindi nawala sa listahan ng “karapat-dapat”—kahit ayaw na niyang mapasama roon.

Sa bawat hakbang niya sa marmol na sahig, naririnig niya ang tunog ng nakaraan—ang mga sigaw, utos, at katahimikang punô ng galit. Wala pa mang sinasabi, bumibigat na ang dibdib niya.

“Celestine,” bati ng matandang may hawak na baston habang nakaupo sa gitna ng malawak na sala.

Puting-puti na ang buhok ng abuelo niya, pero ang mga mata—matulis pa rin. Parang sinisilip ang kaluluwa mo. Walang bakas ng emosyon. Walang yakap. Walang Kamusta ka na, apo.

“Bakit, kailangan ko pang pumunta rito?” matigas niyang tanong. Hindi siya nagpalinga sa mga relikyang naka-display sa paligid—mga simbolo ng kapangyarihan at yaman ng angkang Ramirez. Lahat ‘yon, wala nang saysay sa kanya.

“Tumakas si Natalia. Hindi siya dumating sa kasal. Kailangan ng kapalit. At sa lahat ng babae sa pamilya, ikaw lang ang may sapat na pangalan para hindi mapahiya ang angkan.”

Bilis. Walang pasakalye. Gano’n pa rin.

Napakunot ang noo ni Celestine. Humalakhak siya—hindi sa tuwa, kundi sa mapait na pagkutya.

“So ako na lang ang reserba? Substitute bride?” Humakbang siya palapit. “Gano’n ba ang tingin niyo sa akin? Isang piyesa sa chessboard na puwedeng ilipat kung kailan ninyo gusto?”

“Mas mabuti nang ikaw, kaysa mawalan tayo ng negosyong pinaghirapan ng tatlong henerasyon.”

“Negosyo?” Bahagyang lumakas ang boses niya. “Hindi negosyo ang buhay ng tao.”

Lumapit pa siya, hanggang halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Matiim ang titig. “At lalong-lalo na ako! Hindi ako produkto ng pangalan ninyo. Hindi ako transaksyon na pwedeng isara para sa kapakinabangan ng pamilyang ito.”

Tahimik si Don Alfredo. Hindi siya natinag. Sa halip, kinuha nito ang baston at tumayo, dahan-dahan. Napakabihira niyon. Tanda ng seryoso ito.

“Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ako. May buhay akong kailangang ipagpatuloy. May team akong di ko pwedeng pabayaan. At higit sa lahat, may sarili akong dangal!”

Pero bago siya makalakad, narinig niya ang malamig at bagsak na tinig ng abuelo.

“Ayaw mo naman siguro magsara ang restaurant mo?”

Napatigil si Celestine. Dahan-dahang lumingon.

“O mawalan ng trabaho ang mga staff na alam kong malapit sa’yo? ‘Yung kusinero mong may anak na may sakit sa puso? ‘Yung dalawang working student na pinasok mo dahil wala silang matirhan?”

“Lalo na ang team mo. Kapag hindi ka sumunod, baka mawalan sila ng sponsorship. Alam mo kung gaano kabilis mawala ang suporta kapag may iskandalo ang isang atleta.”

---

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Celestine. Pero imbes na matakot, kumulo ang dugo niya.

“Anong klaseng tao ka?” bulalas niya, nanginginig ang boses sa galit. “Ginagamit mo ang mga inosente para ipitin ako? Gano’n ba talaga kababa ang tingin mo sa akin, Abuelo?”

Nilapitan niya ito. Ngayon, wala na siyang pakialam kahit mas matanda ito. Wala na siyang pakialam kahit Don Alfredo Ramirez pa ito.

“Akala mo ba, matatakot ako? Matatakot akong mawala ang lahat ng ‘yon, kung kapalit ay ang sarili kong kalayaan?”

Tiningnan siya ni Don Alfredo. Walang kurap.

“Hindi mo na ako kayang kontrolin. Hindi na ako labing-anim. At hindi mo na hawak ang puso ko, o buhay ko.”

Tahimik muli ang paligid.

Pero ngayong gabi, si Celestine ang nanalo sa laban.

Muli siyang lumakad papalayo, mas mabigat ang hakbang—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng pasyang buo na sa puso niya.

“Hindi ako ang klase ng babaeng isinasalang para lang mailigtas ang pangalan ng pamilya. Gusto mo ng bride? Maghanap ka ng manika. Hindi ako ‘yon.”

Sa likod ng katahimikan ng mansion, nanatiling nakaupo ang matandang Don. Pero sa kanyang mga mata, isang bagay ang lumitaw—hindi galit, hindi dismaya… kundi tahimik na pag-amin na ang apo niya ay isa nang reyna sa sarili niyang larangan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned by His name   kabanata 22

    KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.

  • Owned by His name   kabanata 21

    KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol

  • Owned by His name   kabanata 20

    KABANATA — SA BAHAY NG ABUELO (LUCAS POV)Wala talaga akong balak dumalo sa pagpupulong ng pamilya ngayong gabi. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang nasa gym ngayon, nanonood ng laban ni Celestine. Semifinals na iyon, at alam kong matagal na niyang pinaghirapan ang pagkakataong ito. Pero siya mismo ang nagsabi sa akin kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, “Okay lang, Lucas. Mas importante ‘yang meeting niyo. Focus ka muna sa pamilya mo. Ako na ang bahala rito.”Napabuntong-hininga ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng abuelo ko. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama bang pumunta ako rito. Gusto kong nando’n para sa kanya, pero ayokong biguin ang pamilya ko—lalo na’t ang Abuelo ko pa ang tumawag ng pagpupulong.Pagdating ko sa lumang bahay, agad akong sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa veranda. Ang malawak na hardin ay maayos pa rin, may mga tanim na rosas na inaalagaan ng mga hardinero mula noon pa. Sa bawat pagyapak ko sa graba ng daan, tila bumabalik ako

  • Owned by His name   kabanata 19

    KABANATA — SA SEMIFINALS (TIN POV)“Tin, ayos ka lang ba?” tanong ng kaibigan ko at kasamahan sa team na si Regina, habang pinupunasan nito ang pawis sa leeg gamit ang maliit na tuwalya.“Ah?” napalingon ako sa kanya, tila nagulat pa. Nasa locker room kami ng gym—dalawa na lang kaming naiwan dahil halos lahat ay nasa labas na para mag-ayos at magpainit bago magsimula ang laban namin sa semifinals ng volleyball.“May sakit ka ba? Tila wala ka sa sarili mo. Ilang araw na kitang napapansin, may problema ba?” sunod-sunod nitong tanong sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.Umiling ako ng marahan, pilit na ngumingiti. “Wala akong problema, wala rin akong sakit. Okay lang din kami ni Lucas,” mahinang tugon ko, sabay ayos ng buhok ko sa harap ng salamin.“Hmm…” nakataas ang kilay ni Regina, halatang hindi naniniwala. “Kung wala ka namang problema, bakit para kang lutang? Para kang may iniisip na napakalalim. Halos ilang beses na kitang tinawag kanina, di mo pa rin ako sinasa

  • Owned by His name   kabanata 18

    ---Ang Umagang May HalikMataas na ang araw nang magising ako. Hindi ko agad namalayan na nakatulog pala ako nang gano’n ka­payapa kagabi. Matagal na rin mula nang huli kong maramdaman na ligtas ako—na parang kahit anong mangyari, may balikat akong masasandalan.Pagmulat ng aking mga mata, una kong nakita ang puting kisame na may mga simpleng molding na may disenyong dahon. Ilang segundo pa bago ko napagtanto kung nasaan ako—ang guest room sa bahay ng mga magulang ni Lucas.At doon ko lang naramdaman ang init ng kamay na nakahawak sa akin.Halos maluwa ang mga mata ko nang makita kong sa tabi ko pala si Lucas, payapang natutulog at nakaunan ako sa braso nito. Hindi ako agad nakagalaw. Parang biglang humigpit ang paligid, at ang tanging maririnig ko ay ang marahang tibok ng puso naming dalawa.Ang dibdib niya ay bahagyang tumatama sa balikat ko sa bawat paghinga niya. Mainit. Kalma. Totoo.Pumikit ako sandali, sinusubukang pigilan ang pagngiti.“Diyos ko, Celestine, anong ginagawa mo?

  • Owned by His name   kabanata 17

    Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status