Share

kabanata 8

Author: Bluemoon22
last update Last Updated: 2025-06-14 17:20:47

---

KABANATA 8 – Tahimik na Linggo, Maingay ang Puso

Pagkatapos ng almusal, bahagyang tumahimik ang paligid. Umuugong lang ang tunog ng aircon sa sala, habang si Celestine ay tahimik na nakaupo sa sofa, may hawak na mainit na tasa ng kape. Kasalukuyang binabasa ni Lucas ang balita mula sa tablet habang naka-relax lang sa kabilang dulo ng sofa, ngunit ramdam ni Celestine na panay ang sulyap nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat titig ng lalaki, pakiramdam niya ay natutunaw siya. Hindi naman ito bastos tumingin, ngunit may kung anong lalim—parang sinusuri siya, parang sinusubukang unawain ang mga iniisip niya.

Habang tumatagal, mas lalo siyang nagtataka.

Tahimik ang bahay.

Walang maririnig na yabag ng ibang tao. Walang ingay ng kasambahay na naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng sahig, o nag-aayos sa paligid. Nakasanayan na kasi niya noon na kahit Linggo, may isa o dalawang kasambahay ang nasa paligid. Pero ngayon, tanging sila lang dalawa ni Lucas ang nasa loob ng ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Owned by His name   kabanata 16

    Kabanata 16: Sabado ng PagharapTanghali na nang magising si Celestine. Bumungad sa kanya ang sinag ng araw na unti-unting gumagapang sa puting kurtina ng kanyang silid. Sandali siyang napapikit muli, sinasamyo ang kakaibang katahimikan ng Sabado—ang tanging araw sa linggo na walang tunog ng alarm clock, walang padalos-dalos na paghahanda para sa trabaho, at higit sa lahat… walang tensyon.Inikot niya ang paningin sa silid. Malinis. Tahimik. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba sa kanyang dibdib.Tumayo siya mula sa kama at lumakad papunta sa dressing table. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok, saka inayos ang simpleng pastel na blouse na plano niyang isuot. Isang banayad ngunit pormal na estilo—dahil hindi lang ito basta Sabado.Nagpadala lang siya ng maikling mensahe kay Mekaela:“May meeting ako sa volleyball team. Catch up soon.”Hindi na niya binanggit ang ibang detalye. Wala siyang lakas para magpaliwanag. Hindi rin niya gusto ang ideya ng pag-uusisa ni Mekaela kung m

  • Owned by His name   kabanata 15

    Kabanata 15– Hindi Inaasahang BisitaMuling sumikat ang araw, at tulad ng nakasanayan, maaga na namang bumangon si Celestine. Suot ang simpleng puting blouse, jeans, at nakataling buhok, dala niya ang kanyang signature apron habang papasok sa Salt & Smoke. Kasama ng mabangong aroma ng kape at bagong lutong tinapay ang sigla sa kanyang puso—sigla na dala ng kanyang dalawang mundo na ngayo'y sabay niyang niyayakap: ang pagiging atleta, at ang pagiging negosyante.“Good morning!” masigla niyang bati sa staff habang tinatanggal ang coat sa harap ng entrance.“Ma’am Tin!” sabay-sabay na bati ng mga ito, may kasamang ngiti at pagkasabik.“Ready na ba kayo? Mukhang isa na namang full house tayo ngayon,” aniya habang sumisilip sa reservation log.“Opo, Ma’am. Halos lahat po ng table may nakapila na,” sagot ni Makaela, sabay abot ng clipboard. “May tatlong walk-in group din sa waiting list.”“Ayos. Mukhang kailangan ko na naman magpa-picture mamaya,” pabirong tugon ni Celestine.“At wag kang m

  • Owned by His name   kabanata 14

    ---Kabanata 14 – Champion sa KusinaDalawang linggo ang ibinigay na pahinga kay Celestine matapos ang matagumpay nilang pagkapanalo sa regional volleyball games. Isang karangalan ang masungkit ang kampeonato, ngunit alam niyang mas malalaki pa ang laban sa hinaharap—lalo na at ang susunod nilang pagsabak ay sa pandaigdigang torneo kung saan iba’t ibang bansa ang kanilang makakalaban.Pero sa ngayon, iwinaksi muna niya sa isipan ang bola, ang court, at ang ingay ng hiyawan. Sa loob ng dalawang linggo, gusto niyang ituon ang atensyon sa kanyang iba pang mundo—ang mundo ng pagluluto at serbisyo. Sa loob ng kaniyang restaurant na "Salt&Smoke," isang rustic at eleganteng kainan sa gitna ng lungsod, dito siya nakakahanap ng katahimikan.Masarap sa pakiramdam na magising ng maaga hindi para tumakbo o mag-ensayo, kundi para humigop ng mainit na kape sa veranda ng kanyang kwarto habang tanaw ang mga naglalakad sa umaga. Pero mas masarap sa pakiramdam ang bumalik sa restaurant—ang kanyang pers

  • Owned by His name   kabanata 13

    KABANATA 13– Sa Likod ng Tagumpay“Akala ko di ka makakarating?” ani Celestine habang inaabot ang bouquet ng mga puting lilies at pulang tulips mula sa kanyang asawa. Pawisan at pagod siya, ngunit bakas sa mukha niya ang tuwa at hindi mapigilang kilig.Ngumiti lamang si Lucas, 'yung pamilyar na ngiting parang sinasabing, "Kahit saan ka man naroroon, susundan kita."Tahimik siyang pinagmasdan ni Lucas. Sa gitna ng court, kahit basang-basa ng pawis at may gasgas sa tuhod, si Celestine pa rin ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin—hindi dahil sa pisikal na anyo kundi sa tapang at determinasyong taglay nito.“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Lucas.“Hmm? Ano?” tugon ni Celestine, bahagyang nakakunot ang noo.Lumapit si Lucas at bumulong, “Halos lagnatin ako sa kaba kanina habang pinapanood kang gumulong sa court. Kung hindi lang magugulo ang laban, pupuntahan na kita sa gitna para buhatin pauwi.”Napatawa si Celestine. “Finals namin 'to, Lucas. Wala sa bokabularyo ko ang su

  • Owned by His name   kabanata 12

    KABANATA 12 – Sa Gitna ng Laban at Tibok ng PusoMainit ang simoy ng hangin sa loob ng arena. Ilang minuto bago magsimula ang finals match ng kupunan ni Celestine, punô na ng mga tagasuporta ang bawat upuan. May hawak na placards, may mga may suot na t-shirt na may pangalan ng mga manlalaro. Ngunit sa gitna ng ingay at sigawan, kalmado si Celestine. Nakaupo siya sa bench ng kanilang team, nakatingin sa court na tila ba minamapa na ang magiging galaw ng laban."Tin! Warm-up na," sigaw ng coach nila.Tumayo siya, sinigurong maayos ang tali ng sapatos, at saka tumakbo patungo sa gitna ng court kasama ang buong team. Ramdam niya ang tensyon—hindi dahil sa pressure kundi dahil sa kagustuhang manalo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga taong naniniwala sa kaniya.Samantala, ilang minuto bago ang pagsisimula ng laro, dumating si Lucas sa arena. Kasama niya ang dalawa sa mga pinakamatagal na kaibigan at business partners—sina Gian at Roel. Kapwa naka-formal attire pa ang mga ito, ha

  • Owned by His name   kabanata 11

    Kabanata 11 – Ang Lihim na KatauhanTahimik ang buong kabahayan nang bumalik si Celestine sa kanyang silid matapos kumain kasama ang mga kasambahay. Hindi niya inaasahan ang simpleng hapunan ay magiging isa sa mga pinakamasayang sandali niya sa loob ng bahay na matagal na ring walang emosyon sa kanya. Ang dating malamig at tahimik na tahanan ay tila napuno ng konting init at kasiyahan. Kahit panandalian lang, masarap sa pakiramdam.Ngunit hindi pa man lumalampas ang dalawang oras ng mahimbing niyang tulog, isang bahagyang pag-ugong mula sa hikaw na nasa kanyang tainga ang gumising sa kanya."Alert: Incoming transmission..."Ang hikaw ay mistulang ordinaryong aksesorya lamang sa paningin ng karamihan, ngunit sa mga miyembro ng organisasyon, ito ay isang makapangyarihang gadget—isang two-way encrypted communication device na tanging miyembro ng Black Iris lang ang may pag-aari."I need help," anang pamilyar na boses ng lider nilang si Butterfly. Mahina, ngunit ramdam ang tensyon sa tini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status