Naghihintay sa sala si Pearl nang dumating si Darvis. Bago sila pupunta sa doctor na kaibigan niya, dadaan muna sila sa kakilala niyang fortune teller. Hindi iyon alam ng bayaw niya, siyempre, kailangan niya ng maraming baraha para masiguro ang kaniyang tagumpay at maalis sa landas niya si Psalm."Kuya, pwede ba tayong dumaan muna roon sa fortune teller? Nanaginip kasi ako kagabi, gusto ko lang kompirmahin na walang mangayayaring masama sa anak natin," panunuyo niya sa lalaki."Naniniwala ka sa ganyan?" May kalakip na pagtutol ang tono ni Darvis."May mga fortune tellers na tunay, sincere sila sa kanilang panghuhula.""I don't know, I am not into those things.""Sige na, please," makulit niyang ungot."Oo na, may choice pa ba ako? Sige na, sakay na." Nakaalalay sa kaniya si Darvis habang pumapasok siya sa loob ng sasakyan.Walang kinse minutos ang biyahe patungo sa isang lumang kapilya kung saan nagsasagawa ng mga panghuhula si Madam Daisy. Humimpil sila sa labas ng gate at bumaba ng
Terakhir Diperbarui : 2025-06-23 Baca selengkapnya