เข้าสู่ระบบDEVI POV Ang bahay ni Sarah ay isang tipikal na bahay sa probinsiya. May malawak itong bakuran at sa harapan ay nakatayo ang isang maliit na shade house na yari sa pawid at kawayan. Iminungkahi kong doon na lamang kami umupo at kumain ng agahan na agad naman niya akong pinagbigyan. Habang nagkukuwentuhan kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga anak niya na naglalaro sa bakuran. "Grabe, ang lalaki na pala ng mga anak mo, Sarah!" mangha kong sambit. Ang panganay niya ay sampung taong gulang na samantalang lima naman ang bunso. Napangiti siya. "Awa ng Diyos, nabiyayaan kami ng tatlo. At tama na iyon. Sa hirap ng buhay ngayon, ayoko na silang sundan." Napangiti rin ako sa sagot niya. "Eh ikaw? Nag-asawa ka na ba?" tanong niya. "Grabe, simula nang umalis ka rito, nawalan talaga kami ng balita tungkol sa iyo." Napailing ako. "Wala eh. Wala pa akong asawa at wala rin akong balak mag-asawa." kaswal kong sagot. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya habang nakat
DEVI POV KINABUKASAN, kahit na kulang sa tulog, maaaga pa rin akong nagising. Siguro dahil nasanay na ang katawan ko sa mga puyatan. Pwede naman akong matulog anytime kong gusto ko eh Pagkatapos kong ayusin ang aking higaan, nagpasya na din akong maligo na muna. At nang masigurado kong maayos na ang hitsura ko,tsaka na akong lumabas ng aking silid Direcho ako ng kusina kung saan nadatnan ko ang mga kasambahay na abala sa paghihiwa ng kung anu-ano. Pero, nang makita nila ako, sabay-sabay silang bumati sa akin "Magandang umaga po, Ma'am Devi." "Magandang umaga po. Huwag niyo na po akong pansinin, kukuha lang ako ng water." sagot ko. Pagkatapos noon, kumuha ako ng baso at dumirecho sa may water dispenser para makainom na "Ma'am, dapat po sa dining area na po kayo dumirecho. Medyo mausok po dito sa kitchen. Marami pong nakasalang na mga pagkain at baka mangamoy ulam po kayo." wika ulit ng isang may edad na babae . Tipid naman akong ngumiti bago ako sumagot "Okay lang po.
DEVI POV Pagkatapos naming mag-usap ng kaibigan kong si Vanilla, nagpasya na rin akong humiga sa kama. Kailangan kong magpahinga. Kailangan kong makatulog, lalo na't hindi ko alam kung gaano ako magiging kaabala bukas. Bukas na ang kaarawan ni Mommy at narinig kong dito rin sa mansion gaganapin ang selebrasyon. Sigurado akong maraming bisita, lalo na't ang asawa niyang si Tito Vicente pa rin ang nagsisilbing Mayor ng lungsod na ito. Ngunit kanina pa ako pabiling baliktad ng higa sa kama. Pero, ayaw talaga akong dalawin ng antok. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay naninibago ako. Siguro dahil matagal na rin akong hindi nakabalik sa kwartong ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, ngunit gising na gising pa rin ang aking diwa. Sa huli, napabuntong-hininga na lamang ako at bumangon. Kung pipilitin ko pa ang sarili kong matulog, baka lalo lamang sumakit ang ulo ko. Kaya kahit gusto ko nang magpahinga, wala akong ibang pagpipilian kundi ang lumabas muna. Bi
DEVI POV Pagkatapos namin kumain ng dinner, inihatid ako ni Mommy sa dati kong silid. "Anak, pasensya ka na ha?" muling wika niya sa akin. Nakangiti namang pumihit ako paharap sa kanya. "Para saan po?" seryosong tanong ko sa kanya "Sa lahat ng mga nangyari. Alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nakaranas ng ganoong klaseng paghihirap!" seryosong wika niya Hindi naman ako nakaimik. Pero, sa bawat salita na narinig ko mula kay Mommy, ramdam ko ang lungkot niya. "Mom, matagal na pong nangyari iyun. Kalimutan niyo na po. Maaaring nagtampo ako sa inyo noon, pero, hindi po ako galit." seryosong sagot ko "Pero, nagkulang ako sa iyo. Siguro, kung ipinaglaban kita noon, hindi ka naman aalis diba?" tanong niya kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata HIndi naman ako nakaimik. Seryoso ang expression ng aking mukha habang nakatitig sa kanya "Anak, alam kong nagkamali ako. Pero, maniwala ka man sa akin or hindi, lahat ginawa ko para mapabuti ang kalagayan mo kaya lang, b
DEVI POV "ANAK, paborito mo ito... kumain ka ng marami! Naku, bakit ba ang payat mo?" wika ni Mommy. Sa wakas, natapos din ang medyo mahaba-habang diskusyon namin kanina. At ngayon, nandito na kami sa harap ng hapag-kainan. Pinagsasaluhan ang isang magarbong hapunan. Punong-puno ng pagkain ang mahabang mesa ay inihaw na salmon, buttered vegetables, roast chicken, seafood pasta, at iba't ibang putahe na makikita lang sa mga pamilyang mayayaman. Nandito rin ang stepfather kong si Tito Vicente, ang mga anak nila ni Mommy na sina Febe at Peter, kasama na rin si Winston na anak naman ni Tito Vicente sa una niyang naging asawa. At si Mommy, hindi magkadaugaga sa pagsasalin ng kung anu-anong pagkain sa plato ko. "Mom, ayos na po ako! Huwag niyo na po akong lagyan ng pagkain sa plate ko. Baka masayang lang po kasi. Busog na po ako," seryoso kong wika. "Naku, ikaw talagang bata ka. Ayos lang naman na kumain ka ng medyo marami para naman malagyan ng laman ang katawan mo," nakangi
DEVI POV “Devi..” wika ni Winston. May gusto siyang sabihin pero, hindi niya itinuloy. Kaya naman, muli akong nagsalita. "Masaya na ako sa hospital kung saan ako nagtatrabaho ngayon." seryosong bigkas ko. Nagkatinginan sina Winston at Febe. Halata sa mga mata nila ang pagtutol sa mga sinasabi ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapabuntong hininga Kahit nagkaroon kami noon ng hindi pagkakaunawaan ng may-ari ng ospital kung saan ako ngayun nagtatrabaho, nanatili pa rin akong masaya roon. Dahil doon ko binuo ang sarili ko at higit sa lahat, doon ko natagpuan ang mga taong tumanggap sa akin nang walang pag-aalinlangan. "Ate," muling wika ni Febe, "mas kailangan ka ng lugar natin. Sigurado akong magiging masaya ang mga tao rito kapag nalaman nilang may isang doktor na nagmula sa bayan na ito at---" "Febe, please." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya. "Pwede bang huwag ninyo muna akong pilitin sa gusto ninyo?" muli kong wika. Agad siyan
VENUS POV “Kumusta na kaya si Darren?” wala sa sariling sambit ko. “In fairness, namimiss ko na siya. Nakakamiss din pala siyang alagaan.” Mahina kong sambit. Nandito ako sa loob ng kwarto, nakahilata at nakatitig sa singsing na ibinigay sa akin ni Darren noong huling gabi ko bilang nurse nito
VENUS POV “Hala, grabe, ang laking pera niyan ah? Ang galing, ang bait naman pala ng amo mo Ate eh.” Nakangiting wika sa akin ni Emmie. Tulala pa rin akong nakatitig sa hawak kong cheke. Totoo ba ito? TAlagang binigyan ako ni Madam ng malaking halaga? Grabe, oo nga, napaka-swerte ko. Hindi
VENUS POV “Salamat Kiko, Wendy. Naku, pati tuloy kayo naisturbo pa.” nakangiti kong wika sa dalawa kong pinsan. Marami kaming magpipnsan pero sadyang sila Kiko at Wendy lang ang masasabi kong medyo mabait. Ah meron din pala, si Gary, salesman sa nagta-trabaho sa isa sa pinakamalaking mall dito sa
VENUS POV KINABUKASAN, maaga na akong gumayak para sa day-off ko. Alam na nila Madam Laura at Sir Lemuel ang tungkol sa day-off ko kaya naman wala nang problema Bago ako umalis, nagpasya akong daanan na muna si Darren sa kwarto nito. Baka kasi may iuutos pa eh. Isa pa, kailangan ko ding magpaala







