Isa pang suntok ang pinadapo ni Blake sa mukha ng pinsan bago ito pinakawalan. Putok ang labi nito na bumagsak sa sahig dahil sa ginawa niya. Pero kulang pa iyon, kung wala lang sila sa public place ay hindi lang ganoon ang matamo nito mula sa kaniya.""Fuck you, what's wrong with you?" angil ni Damina sa pinsan habang tumatayo."Huwag kang paharang harang sa daraanan ko!" Angil lang ni Blake sa pinsan saka ito tinalikuran.Napakamot si Josh sa ulo at hindi alam paano ihingi ng sorry ang amo sa lalaki dahil sa pananakit na hindi valid. "Sir, pasensya na po. Mainit lang ang ulo ng pinsan ninyo ngayon dahil hindi nakuha ang building."Nabawasan ang galit na nadarama ni Damian dahil sa narinig. "He deserve it!" Nakangisi niyang sinundan ng tingin ang pinsan. Hindi na itinuloy ang pagganti dito dahil magandang balita ang narinig. Pumalatak si Alexander habang tahimik lang na nakikinig. Hindi niya akalaing ganoon kabayolinte ang CEO ng Draco company, nanakit ng walang dahilan at sa pinsan
Last Updated : 2025-08-18 Read more