JOKONakahiga kami ni Jackie ng magkaharap, nakatingin lang sa isa't isa at nakangiti.Wala na akong ibang kailangan sa buhay; sapat na ang makasama lang siya. Pagkatapos ng magulong hapon at gabi, nalutas namin ang mga problema namin, muling nagka-ayos, dahan-dahan at madamdaming nagmahalan at ipinahayag ang pagmamahalan sa isa't isa, na walang iniwang puwang para sa kawalan ng katiyakan.“Ayaw ko man, kailangan na nating bumangon sa kama, kailangan nating maghanda para sa kasal,” sabi ko.Habang inaalala na kakailanganin niya ng oras para mag-makeup, mag-ayos ng buhok, at lahat ng mga bagay na nagpapatagal sa paghahanda ng mga babae, dahil lagi silang nahuhuli.“Hindi natin kailangan,” mahinahon at mapayapa niyang sabi. Bumilis ang tibok ng puso ko.“Hindi, hindi, hindi, Jackie, no. Hindi mo kinansela ang kasal na ito.” Napatakip ako ng mga kamay sa mukha dahil sa pagkadismaya. “Kaya kitang kaladkarin papunta sa isang pari, sa unang simbahang mahahanap ko, at gawin kitang asaw
더 보기