Tiningnan ko si David. Umiling ako sa kanya ng paulit-ulit. Ang mata ko'y lumabo na dahil sa namumuong luha. Gusto kong sabihin sa kanya na nasasaktan na naman ako, pero ayaw makisama ng bibig ko. Halong lamig at init ang nangibabaw sa katawan ko. Ang tagal na nun. Sobrang tagal na para sa akin. At kahit ilang ulit akong pumikit, parang nakikita ko pa rin ang video. It was supposed to be buried. Dapat nakalimutan na iyon ng lahat. But here it was. Playing like it never left. Mas lalong lumabo ang paningin ko. Kasabay nun ang isa-isa na namang pagpasok ng nangyari noon sa utak ko. Those voices came back. "Nice body, Reyes. Sarap mo!" "Hoy, Alina. For hire daw ang P**n Hub. I-send ko na ba video mo sa kanila?" "Kahit isang gabi lang, Alina. Sige na, oh! "Uy, si Mia Khalifa pala 'to, eh." "No, please... stop!" hindi ko na naiwasang sumigaw, umasa na sa pamamagitan nito ay matitigil na ang mga boses sa tainga ko. Napaupo ako sa sahig. Mabilis na tinakpan ulit ang tainga upan
Terakhir Diperbarui : 2025-09-07 Baca selengkapnya