Muli akong sumubo sa pagkain. Sa pagkakataong ito, parang may kung ano sa loob ko ang nabuhayan. Nitong nakaraan talaga, nasa sitwasyon na ako na kaunting suka na lang, susuko na talaga ako. Siguro nakatulong kahit papaano ang pagsilay ko sa grupo ng mga college na 'yun. Five minutes na lang at magsisimula na ang sunod kong klase. Tapos na rin ako kumain, handa ng lumabas sa cafeteria. Plano ko pa sanang tawagan at kamustahin ang mahal na halimaw, pero nasisiguro kong babad na talaga iyon sa trabaho, kaya 'wag na lang. Isa pa, mabibitin lang ako. 'Di bale, magkikita naman kami mamayang gabi sa kwarto. Iyon ang akala ko. Ang mga sumunod na araw ay nagsilbing malabo sa paningin ko, sa sobrang bilis ng mga pangyayari. At sa sobrang sikip na ng schedule ko. Mas na-doble pa ang pasan na pressure dahil sa dami ng deadline. Between schoolwork, meetings, and paperwork, I barely had time to rest. Pag-uwi ko minsan, imbes na matulog at magpahinga agad, may mga email pa akong dapat repl
Last Updated : 2025-09-07 Read more