"Riel... did all that?" My voice barely rose above a whisper. Agad syang tumango, kinagat pa ang ibabang labi na para bang maski sya ay hindi makapaniwala. "He did. And after that, there was no hiding what Celine did to you... or to me." Gusto ko pang magtanong para mas maintindihan lahat, kasi sa totoo lang, pagkatapos ng lahat-lahat na nangyari sa akin, ang hirap ng magtiwala, lalo na sa isang salita galing sa taong minsan ng ginusto ang pagsira sa buhay ko. Pero nagawa na sa akin ni Celine na traydurin ako. Hindi rin malabo na sya nga ang may pakana ng dati kong video. Isa pa, sya rin naman ang may kagagawan sa pangalawa kong video na kumalat. Nandoon din ang punto na galing sa pag-iimbestiga ni Riel ang sinasabi ng isang 'to. "Riel really loves you." Nanginig ang boses ni Penny nang bitawan ang salitang iyan. Sa kabila ng mga nabuong katanungan sa utak ko, minabuti kong hindi magsalita, at hayaan sya sa sunod pa nitong sasabihin. "We've been friends for years, him, David
Last Updated : 2025-09-30 Read more