And then, just when I thought it couldn't get worse, she did something that made my stomach drop. Nilingon nya ang nananahimik sa tabi, na si Primo, saka ito tinawag. "Primo!" Her voice rang out, making my breath hitch. I whipped my head toward him. Tumayo sya at tahimik na lumapit sa amin. Saglit pa nya akong nilingon bago tumayo sa gilid ko. "Ano sa tingin mo, mananalo ba manok natin?" agad na tanong ni Ma'am Tessa sa kanya. Napapikit ako sa kahihiyan, parang ayaw marinig ang magiging sagot nya. Una sa lahat, ano naman ang kinalaman nya dito? Pangalawa, bakit kailangan hingin pa ang opiniyon nya tungkol dito? "Ito ang ibig-sabihin ni Ma'am," excited na pinakita ni Linda sa kanya ang flyer nang mapansing naguguluhan ang lalaki sa tanong. Never ako nahiya sa kanya, sa totoo lang. Ngayon lang talaga. I wanted to disappear right then and there. Kasi naman, why involve him?! Mula sa flyer, lumipat ang tingin nya sa akin. Tumayo sya ng mabuti at binulsa ang magkabilang kamay. Nap
Huling Na-update : 2025-09-17 Magbasa pa