Share

77..

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-08-25 00:00:00

“Alam mo iba ang awra mo ngayon, parang masaya ka,” puna ni China ng magkita sila, natagalan ito sa pagdating dahil nasiraan ang taxing sinasakyan nito, pagdating ay tumingin agad ito sa mukha niya at napuna ang ngiti sa labi niya, “Talaga dumating sila dito at humingi ng tawad sayo?” Sabi nito ng ikuwento niya ang nangyari, “Alam mo sa tingin ko hindi naman sa ayaw nila sayo, nalason lang ang isip nila dahil sa kapatid mo, kung ako din kasi sa kanila ay maniniwala din ako, sa kapatid mo nanggaling eh, hindi naman sa ibang tao. Inisip siguro nila na walang rason para magsinungaling siya.”

Bumuntonghininga siya, “Tama ka, Chin, iyon din ang naisip ko, kaya siguro gano’n nalang ang galit ni Nickolas sa’kin. Akala nila na totoo ang lahat ng sinabi ni Athena dahil kapatid ko siya at walang dahilan para magsinungaling siya sa kanila.”

“Bakit hindi mo tanungin si Nick kung ano ba talaga ang mga sinabi ni Athena tungkol sayo? Ayaw mo bang malaman ang totoo?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   84.

    Umiling ang abuelo ni Nickolas. Mukhang wala siyang magagawa para alisin ang poot sa puso ni Kalea. Si Catherina parin ang patuloy na sinisisi nito. Nilamon na ito ng galit at sarado na ang isip nito sa anumang sasabihin niya. Pero kailangan niya itong tulungan na maliwanagan, dahil kung hindi ay baka tuluyang mawala dito si Nickolas. “Mahal siya ni Nickolas, Kalea. Hindi pa ba sapat iyon para kalimutan mo na ang nangyari noon? Hindi lang ikaw ang nagdusa, walang kasalanan si Catherina pero siya ang higit na sumalo ng pagdurusa. Bigyan mo ng kalayaan ang puso mo sa galit, hayaan mong sumaya ang iyong anak.” Kuyom ang kamay na nagmatigas si Kalea at taas-noo ngunit luhaang tumingin sa kanya. “Hindi siya magiging masaya, dad. Hindi lalo na piling ng aking anak!” Alam ni Kalea na igigiit nito ang gusto kaya iniwan niya ang matanda. Sumunod naman dito si Penelope na naguguluhan parin sa nangyayari. Buong akala niya

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   83.

    Sa hindi kalayuan, sakay ng kotse na tinted ang salamin ay tahimik na lumuluha si Penelope habang nakatanaw kay Nickolas at Catherina. Selos na selos itong nakatanaw sa dalawa na magkahawak ang kamay habang naglalakad kasama ang mga bata sa Angels home. Hindi makapaniwala si Penelope na nagagawang pangitiin ni Catherina ang nobyo niya noong si Nickolas. He used to be cold at everyone! Kahit nga siya ay hindi magawang pangitiin ito noon! Pero bakit nagagawa ito ni Catherina ngayon?! Hindi naman ito noon mahal ni Nickolas at wala itong halaga. Talaga bang mahal na nito ang babaeng ‘yon? Hilam ng luha ang mata na hinampas ni Penelope ang manibela. Nawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan niya para magkabalikan silang dalawa ni Nickolas! At dahil iyon kay Catherina! Matulin na pinatakbo niya ang sasakyan patungo sa bahay ng mommy nito. Nagulat naman ito ng makita siyang luhaan. “Iha, what’s wrong? Nakausap mo na ba ang anak ko?”

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   82.

    Magkahawak-kamay na lumabas silang dalawa. Pagkatapos ilock ang shop ay sumakay na sila ng kotse. Para talaga silang magnobyo at hindi kinasal noon. Kahit kasi nagkabalikan sila ay hindi sila nagsama sa isang bubong, they enjoying each others company like a normal teenager, tinupad nito ang pangako na liligawan siya. Iyon nga lang ay hindi talaga ito marunong. Bumili ba naman ang loko ang flower shop para iregalo sa kanya. Hindi lang ‘yon, magpapatayo pa sana ito ng factory ng chocolate para sa kanya. Kung hindi pa ‘yon nabalita sa telebisyon at sinabi ni Dingdong sa kanya ay hindi niya malalaman. At isang beses dinalhan ba naman siya ng malaking tuna na halos kasing laki ng drum, iyon daw kasi ang isa sa mga gusto nito, isang malaki at fresh na tuna. Ang sabi daw kasi ng kaibigan nitong si Tres ay gano’n daw manligaw. Ewan niya sa mga kaibigan ni Nickolas, may mga asawa na pero mga lokoloko parin. Kaya n

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   81.

    Ngayon ang unang araw ng bukas ng Shop niya. Naroon sila Dingdong, Ysa at mga kasama niya sa Angels home para suportahan siya. Hindi naman makakarating sila Ned dahil malapit ng manganak si Kenya. Tumingin siya sa entrance ng shop niya, kanina pa nagsisimula ang pastor sa pagbe-blessing pero wala parin ang hinihintay niya. Siniko siya ni Chin at nanunuksong sumenyas sa kanya. “Wag kang mag alala darating din ‘yon. Ikaw pa eh mahal ka no’n,” Sa loob ng anim na buwan ay naging maganda ang takbo ng relasyon nila, malayo sa dating malungkot at magulong relasyon na mayro’n sila. Buti nalang nakinig siya sa mga kaibigan niya at sa sinasabi ng puso niya, dahil kung hindi ay baka hindi parin siya masaya. Ngumuso si Chin sa entrance at patulak siyang biniro, pati si Ysa ay inaasar na rin siya, habang si Dingdong ay naiiling nalang sa kilig na nakikita sa kanya, ngunit halatang masaya para sa kaniya. Agad na humalik sa noo niya si Nickolas ng m

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   80.

    Totoo nga na nakakagaan ng dibdib kapag nagpatawad ka. Gumaan kasi ang dibdib niya simula ng patawarin niya si Nickolas at binigyan ng pagkakataon na papasukin sa buhay niya. Tama nga si Chin, hinahadlangan lang niya ang sarili niya na maging masaya dahil nasaktan siya.Humawak siya ng mahigpit sa kamay ni Nickolas, abot-langit ang kaba niya habang nagpapaliwanag ang kaibigang doktor ni Dingdong sa kanya, naroon din ang kaibigang doktor nito na si Red upang magbigay ng opinyon tungkol sa kanyang kondisyon. “Relax and have faith, Catherina. Trust the process,” senyas ni Nick sa kanya, halatang kagaya niya ay halata din ang kaba sa gwapo nitong mukha. Hindi niya tuloy mapigilan ang matawa. Nandito kasi sila ngayon sa hospital, hindi ito pumayag na sumuko siya at mawalan ng pag asa na makakarinig at makakapagsalita pa siya. Sumama ito para palakasin ang loob niya, effective naman dahil kapag hawak nito ang kamay niya ay gumagaan ang dibdib niya, iyon nga

  • THE HIDDEN WIFE’S TEARS   79..

    Pagkagising niya ay nasa hospital na siya, nalaman niya kay Dingdong na dinala siya ni Nickolas dito ng mawalan siya ng malay. Madalas talaga mangyari ito sa kanya lalo na noong naunang dalawang taon ng maaksidente siya kaya hindi na siya nagulat at nagtaka ng mangyari ulit ito sa kanya.Nang makita ni Dingdong na nagising na siya ay nilapitan siya nito. “Tungkol sa resulta ng test mo sa tenga—“ sumenyas dito na hindi siya interesadong malaman, bumuntonghininga ito pero hindi na nagpumilit pa, mayamaya ay nagtext si Ned at Kenya mula sa states para kamustahin siya, sinabi naman niya na ayos lang siya at wag ng mag alala sa kanya. Pagdating ni Chin ay agad na kinastigo siya nito. “Bakit naman ayaw mong malaman ang resulta? May chance pala na makarinig ka pa, alam mo kahit maliit ang chance malaking bagay parin ‘yon, kasi hindi lahat ay kagaya mo na pwede pang makarinig at makapagsalita,” Malungkot siyang sumenyas dito, “Hindi mo naiintidihan, ayoko lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status