Chapter 14 – Boundaries Crossed“Ano bang ginagawa mo?” Inalis ko ang braso niya sa balikat ko at tumayo.Pero tumaas lang ang sulok ng labi niya at tumayo rin. “They asked for proof, Mama wanted to know if you’re fine—if we’re fine…”Hindi ako sumagot. Tumitig lang ako sa kanya, pero dibdib ko, ang bilis ng pag-angat-baba. Nakakapangigigil siya. Matapos niya akong galitin, paiyakin, ipahiya, tapos ngayon, a-acting siyang malambing sa mga magulang namin. Nakakabuwisit siya.Lumapit ako sa pinto. Binuksan ko iyon at hinarap siya. “Tapos ka nang kumuha ng katibayan… lumabas ka na,” diretso kong sabi.Napatitig siya sa akin. Tumiim ang panga, pero hindi nagsalita. Hindi rin siya kumilos. Nilahad ko ang kamay ko, iminumuwestra ang bungad ng pinto. Saka lang siya tumayo, pero ni minsan ay hindi niya ako nilubayan ng tingin.At sa pagkakataong ’to, hindi ako umiwas. Nakipagtitigan ako. Siniguro kong lamig ang maramdaman niya, gaya ng lagi niyang pinaramdam sa akin.Pagkalabas niya, agad ko
Last Updated : 2025-08-20 Read more