“ANAK…” mahinang sagot ni Tita Gigi, bahagyang nanginginig ang boses. “Kung ano man ang maramdaman mo ngayon, sundin mo lang ang puso mo.” Napatingin sa kanya si Giselle, bago muling bumalik ang tingin sa akin. “Adrian, hindi ko alam kung kaya ko pa. Nasaktan ako nang sobra.” Tumango ako. “Alam ko. At hindi ko na babaguhin ang nakaraan. Pero kung papayag ka, gusto kong simulan ulit ang bukas na kasama ka. Will you be my wife, Giselle Navarro?" Matagal siyang tumitig sa singsing na hawak ko. Hanggang sa unti-unti siyang ngumiti, mahina, pero totoo. “Nakakainis ka. Tingnan mo nga ang itsura ko, ang haggard ko," bulong niya, sabay tawa nang may halong pag-iyak. Natawa rin ako at bahagyang huminga nang maluwag. “Wala akong pakialam sa itsura mo ngayon. Basta pumayag ka lang na maikasal sa akin. Iyon lang ang hinihiling ko, Giselle." Hindi sumagot si Giselle. Parang nabintin sa ere ang aking paghinga. 'Di naman ako makakapayag na hindi siya sumang-ayon sa kasal na inaalok ko. That
最終更新日 : 2025-10-25 続きを読む