NATAHIMIK ako na natitigilan. Parang biglang tumigil ang paligid ko. Hindi ko inaasahan ang diretso niyang pagsabi. “I'm here to make things right, Giselle,” marahan kong sabi. “Kung nasaktan kita noon, babawi ako sa lahat ngayon. Pero huwag mo naman akong pagkaitan ng karapatan sa anak natin, dahil alam kong akin ‘yan.” Hindi siya sumagot. Sa halip, napatingin siya sa tiyan niya. Doon sa maliit na umbok na kanina ko pa napapansin. “Inamin ko naman na sa'yo na ikaw ang ama nito. Kung gusto mong panagutan ang anak ko, panagutan mo. Pero 'wag mo na akong isama, Adrian,” mahina niyang sabi. “Gusto ko ng tahimik na buhay. Malayo sa lahat at maging sa'yo. Papayagan kitang makita ang anak ko sa oras na ipanganak ko na siya. Tama ka naman kasi, anak mo ito. Hindi ito mabubuo kung wala ka." Napailing ako. Sobra ang galit niya sa akin kaya pati ang panagutan siya ay itinatanggi niya. “Kahit pa gano’n, hindi pa rin ako aalis.” Lumapit ako nang tuluyan, halos magkalapit na ang mukha namin.
最終更新日 : 2025-10-21 続きを読む