“Gusto ko pa rin pong maging journalist.” “Just like your mom,” sabi ni Attorney Veja. “You still can but you need to help Ahmed running the company first. Hindi mapapa-sa ‘yo ang mana kung hindi ka hahawak ng executive position. Mas mabuti na rin na maalis ka muna sa Pilipinas. You are not safe here, Kaye. At least in Dubai, magdadalawang isip ang mga taong gustong kunin ka dahil sa striktong batas nila.” “Gusto ko pong isama ang mga anak ko.” “Kung papayagan ka ng mga Rocc. But as I can see it now, malabo na mangyari ang gusto mo. Kapag pinaabot natin sa korte, matatagalan ang alis mo. You need to leave as soon as possible because they will surely come for Isabella Khairia’s blood.”
Huling Na-update : 2025-12-21 Magbasa pa