Sa umagang iyon, maliwanag ang araw na tumatagos sa malalaking bintana ng Verano mansion. Naroon si Ysabel sa veranda, nakaupo sa isang malambot na upuan habang dahan-dahang humihigop ng mainit na gatas. Hindi niya namalayang papalapit na si Zenaida sa kanya, dala-dala ang banayad na ngiti. “Anak,” tawag ni Zenaida, marahan at puno ng lambing ang boses nito. Napatingin si Ysabel, agad na ngumiti at itinabi ang hawak na libro. “Nay, gising ka na pala. Maupo ka po rito.” Umupo si Zenaida sa tabi niya at agad niyang hinawakan ang kamay ng anak. May kakaibang kislap sa mga mata nito, hindi lang saya, kundi pati na rin ang tuwa ng isang inang nakikita ang kanyang anak na dumaraan sa panibagong yugto ng kanyang buhay. “Alam mo ba, Ysabel,” panimula ni Zenaida, “hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Para bang kahapon lang, hawak-hawak pa kita bilang baby. Ngayon, ikaw na ang magiging ina ng sarili mong baby.” Hindi nakapagsalita agad si Ysabel. Napangiti na lang siya, ramdam
Last Updated : 2025-10-04 Read more