Share

Chapter 12

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-08-12 20:07:20

MASAKIT ang ulo ni Xyza kinabukasan nang siya ay magising. Mas lalo pang sumakit iyon nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha na lumulusot sa nakaawang na bintana.

Bumangon siya at naupo sa kama. Pilit na inaalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Nataranta siya nang mapansin na iba na ang suot niyang damit. Ibig sabihin ay mayroong nagpalit sa kanya. Pero sino?

Unti-unting pinoproseso ng utak niya ang nangyari kagabi simula sa simula. Naaalala pa niya kung paano siya nagpaalam sa mga kasama, kung paanong inihatid siya ng mga ito sa harapan ng subdivision, kung paanong naghabi pa siya ng maraming kasinungalingan papasukin lang siya ng guard na nagbabantay sa gate dahil madaling araw na siya nakauwi, may curfew kasi ang nasabing subdivision, maliban sa mga homeowners na may sapat na dahilan o kaya naman may emergency, at sa mga may trabaho.

At ang panghuli, ang pagpasok niya ng gate sa bahay at sinalubong siya ng sermon ni Flint. Ang pakikipagsagutan niya rito, at ang sinabihan ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 16

    “MERRY, pakipuntahan mo naman si Xyza sa kanyang silid, sabihin mong kakain na,” kalmadong utos niya sa isang katulong.Agad naman itong sumunod. “Sige po, Sir,” sagot nito.Nakahanda na kasi ang hapunan, at mukhang walang balak na bumaba si Xyza kahit na alam naman nito ang kadalasan na oras ng kanilang pagkain sa gabi, kaya nagdesisyon siyang papuntahan ito sa katulong.Ilang saglit lang ay bumalik na sa kusina ang katulong, pero hindi niya nakitang nakasunod dito si Xyza.“Si Xyza?” tanong niya rito pagkalapit na pagkalapit nito.“Magpapahatid na lang daw po siya roon ng pagkain, Sir. Ayaw niya raw pong bumaba, doon niya raw gustong kumain sa kanyang kwarto,” sagot ng katulong.“What? No! Hindi mo siya dadalhan doon ng pagkain! Kailangan niyang bumaba rito dahil ito ang tamang lugar para sa pagkain, hindi roon sa silid,” mariing sambit niya.“P-pero, Sir, baka po magalit si Ma’am Xyza sa ‘kin, hihintayin niya raw po na ihatid ko ang pagkain niya roon. Baka po awayin o tarayan niya

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 15

    HINDI MAIWASANG hindi matakot ni Xyza sa pagkaseryosong nakikita niya sa mukha ni Flint. Nararamdaman niyang kapag hindi siya rito sumunod, ay may hindi magandang mangyayari, lalo na at wala na ang kanyang ina at tito Alfredo niya na siyang magsasaway sa kanila kapag nag-away na naman sila.Pero dahil maldita siya, ay nakipagmatigasan siya rito. Alam naman niyang hindi naman nito kayang gawin ang mga sinabi. Parang wala lang siyang narinig habang tinitingnan ang mahahabang kuko sa kanyang mga kamay na may matingkad na kulay pulang nail polish.Ngunit nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong hawakan ng mahigpit sa isang braso at pwersahang pinalalabas ng sasakyan.“Ang sabi ko, lumabas ka riyan at doon ka sa unahan! Ang hirap mo ring pagsabihan! Para kang batang mahirap paintindihin!” ramdam niya ang panggigigil nito sa bawat salitang binibitiwan."A-aray! Flint, ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Eh, sa ayaw ko ngang tumabi sa ‘yo, eh! Ikaw ang mahirap pagsabihan at paintindihin sa ati

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 14

    DUMATING na nga ang araw ng pag-alis ng mag-asawa. Ginawa ni Xyza ang lahat ng pagmamakaawa para isama siya ng dalawa, pero wala ring nagawa ang pagmamakaawa niya dahil kahit anong gawin niya, ay hindi talaga pumayag ang mga ito.Lulan sila ng sasakyan ni Flint na ito rin ang nagmamaneho. Hindi ito pumasok para lang ihatid sa airport ang mag-asawa dahil ito na mismo ang nag-insist na maghahatid. Katabi siya nito sa passengers’ seat, at magkatabi naman sa likod ang mag-asawa.Pagdating nila sa airport, isang oras pa ang hinintay nila bago makasakay sa eroplano ang mag-asawa. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina nang magpaalam sila sa isa ‘t isa, pati ang tito Alfredo niya ay niyakap niya na rin.“Mag-iingat po kayo roon, Mom. Huwag niyo po akong kalimutang tawagan palagi, ha?” maluha-luhang bilin niya sa ina. Pagkatapos, ay ang tito Alfredo naman niya ang binalingan niya. “Mag-iingat po kayo roon, tito. Kayong dalawa ni Mommy. And…I’m sorry…” bukal sa loob na sambit niya.Hindi man

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 13

    SA SILID NG MAG-ASAWA.“Hon, gusto kong ipaalam sa ‘yo na magbabakasyon tayo sa U.S, at lilipad na tayo patungo roon this coming week. Matagal ko nang naayos ang mga papel natin, regalo ko talaga sa ‘yo ang bakasyon na ‘to bilang asawa ko. Kaya ihanda mo ang iyong sarili sa mga gusto mong puntahan o pasyalan na mga lugar doon,” masayang pagbabalita ni Alfredo sa kanyang asawa.“Ta-talaga?!” gulat na sagot ni Glenda, hindi maitago ang excitement sa tinig. “Ikaw, ha? may pasurpresa ka pang nalalaman! Hindi halatang mahal na mahal mo ako,” nakangiting sambit nito, may himig biro sa tono.“Syempre, kailangan din nating mag-bonding ng tayong dalawa lang. Kailangan nating sulitin ang mga oras at panahon na magkasama tayo habang nag-eenjoy,” madamdaming saad ni Alfredo.“P-pero, paano ang mga anak natin? Iiwan natin sila sa ganitong sitwasyon? Alam mo naman ang ibig kong sabihin. Ngayon nga na kasama pa nila tayo ay hindi na sila magkasundo, paano pa pag-umalis na tayo rito?” may pag-aalala

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 12

    MASAKIT ang ulo ni Xyza kinabukasan nang siya ay magising. Mas lalo pang sumakit iyon nang tumama ang sikat ng araw sa kanyang mukha na lumulusot sa nakaawang na bintana.Bumangon siya at naupo sa kama. Pilit na inaalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Nataranta siya nang mapansin na iba na ang suot niyang damit. Ibig sabihin ay mayroong nagpalit sa kanya. Pero sino?Unti-unting pinoproseso ng utak niya ang nangyari kagabi simula sa simula. Naaalala pa niya kung paano siya nagpaalam sa mga kasama, kung paanong inihatid siya ng mga ito sa harapan ng subdivision, kung paanong naghabi pa siya ng maraming kasinungalingan papasukin lang siya ng guard na nagbabantay sa gate dahil madaling araw na siya nakauwi, may curfew kasi ang nasabing subdivision, maliban sa mga homeowners na may sapat na dahilan o kaya naman may emergency, at sa mga may trabaho.At ang panghuli, ang pagpasok niya ng gate sa bahay at sinalubong siya ng sermon ni Flint. Ang pakikipagsagutan niya rito, at ang sinabihan ni

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 11

    “WALA NAMAN kasi akong mapapala kung palagi akong mag-aalala kay Xyza, kundi sakit lang ng ulo. Malaki na siya, at alam kong alam niya ang ginagawa niya. Ang sa ‘kin lang, sana ay may makuha siyang aral sa mga ginagawa niya at sa mga maling plano niya sa buhay. Dahil alam kong doon lang siya magbabago. Alam kong bilang magulang ay mali ang sinasabi kong ito, pero ano pa ba ang magagawa ko? Kahit ako ay sumusuko na rin sa ugali niya at sa katigasan ng ulo niya…” paliwanag ni Glenda, hindi maitago ang pinaghalong lungkot at pagkabigo sa tinig.“I-I’m sorry, tita,” hinging paumanhin niya rito makalipas ang ilang sandali.“I’ts okay, Flint,” pilit ang ngiting sambit nito bago tumalikod at lumabas ng kusina.Siya naman ay inisang lagok ang malamig na tubig bago nagpasyang lumabas sa pool area. Ilang minuto pa lang ang itinagal niya roon nang mamataan niya si Xyza na pumasok sa gate. Napakunot siya ng noo nang mapansing pasuray-suray ito kung maglakad.Tahimik niya itong sinundan ng tingin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status