(Camille's POV) Hanggang sa huminto kami sa harap ng isang lumang bahay na gawa sa bato at kahoy. Medyo luma na, may mga parte ng pader na may bitak, pero halatang inaalagaan pa rin. "Welcome," he said softly, at ngayon lang naging iba ang tono ng boses niya. Hindi sarcastic, hindi commanding. Parang may halong nostalgia. "Dito nagsimula lahat." Napalunok ako. "Ano ibig mong sabihin?" Tumayo siya sa harap ng lumang bahay, tinitigan ang bintana nito na parang may bumabalik na alaala sa kanya. "This used to be my grandparents' house. Bago pa nag-expand ang hacienda, bago pa naging empire ang Vale name, dito lang sila nakatira. Maliit, simple, mahirap. At dito ko natutunang lahat ng ibig sabihin ng survival." Tahimik akong nakinig, kasi ngayon lang siya nagsalita ng hindi mayabang, hindi nagmamagaling. Totoo. Sincere. "Three months, Camille," dagdag niya, lumingon ulit sa akin. "Kung kakayanin mo akong sabayan dito, you might understand kung bakit ako ganito." Tumango ako, hindi d
Last Updated : 2025-09-13 Read more