Tumayo si William at matapang na sumagot, “Mr. Smith, may kinalaman ba kayo sa pagkawala ng asawa ko, ha?” Bahagyang gumalaw ang mga kilay nito at kaagad na napakunot-noo. “Huwag mong hanapin sa amin ang walang kwenta mong asawa! Hindi kami tanungan ng nawawalang basura!” “Buntis siya, at delikado ang lagay niya! Kapag may nangyaring masama sa asawa ko, mananagot kayong dalawa ng anak mo!” sigaw niya habang nag-aapoy ang mga mata sa galit. Susuntukin pa sana siyang muli ni Mr. Smith nang mabilis siyang nakaiwas. Hindi makapaniwala ang matanda nang tumitig ito sa kaniya. “Wala kang kwentang lalaki,” nanginginig ang kamaong ikinuyom ito ng lalaki sabay duro sa kaniya. “Isang kahihiyan ang ginawa mo sa amin! Ipinagpalit mo ang anak ko sa isang hampas-lupa? At ngayon, ang kapal ng mukha mong hanapin siya rito? Baka nakakalimutan mo, William. Nasa pamamahay ka namin, anumang oras ay–” “Ano? Papatayin n'yo ako, ipakukulong n'yo?” Tumawa siya nang sarkastiko. “Kayo ang ipakukulong k
Last Updated : 2025-12-09 Read more