ログイン"Sa susunod na linggo ang balik ko sa Singapore. Pero, hindi ako aalis ng bansa hangga't hindi pa nagigising ang mamá mo," saad ni Tiya Milagrosa nang mag-usap sila sa gazebo.Nakatanaw ito sa pool, kung saan lumalangoy si William. Gayundin siya na ang mga mata ay nakatutok sa asawang nakahubad ng damit pang-itaas. Naka-boxer shorts lang ito habang tumatama ang tubig sa machong pangangatawan.Nakabukas ang lahat ng glass doors na nakapalibot doon sa gazebo. Malayang-malaya na lumalabas-masok ang hangin sa loob na banayad na nagpapalipad ng ilang mga hibla ng kaniyang buhok.Naliwanagan na silang pareho ng tiyahin nang huli silang kausapin ng ama. Parehong magaan ang kanilang loob nang umagang iyon habang pinagmamasdan ang lahat ng bagay sa hardin."Stephanie, apo, ginawa'n kita ng herbal tea. Inumin mo ito," wika ni Lola Mira nang lumapit, bitbit nito ang maliit na tray. "Buti yumabong na ang mga itinanim kong halamang gamot, kaya't naipitas kita ng mga sariwang dahon."Ngumiti si Tiy
"Hindi sa kinukwestiyon ko ang iyong ama, but may point ang Tita Milagrosa mo." Nakapamulsang lumapit sa kaniya si William. Pagkapasok nila sa silid ay ibinahagi niya rito agad ang kaniyang mga narinig sa pag-uusap ng tiyahin niya at ama. At ito ang naging komento nito."Tunay nga naman talagang maraming tauhan ang papá mo, pero ni hindi niya naisip na pasamahan o pasundan tayo," dagdag pa nito nang maupo sa sofa.Mataman niyang tinitigan si William. Hindi naman kasi kasalanan ng ama niya ang nangyari. Malay ba nito kung may mangyayari palang masama sa kanila nang mga oras na iyon sa kalsada. Hindi nito hawak ang takbo ng panahon, hindi nito hawak ang isip ng tao."Oo, sabihin na nating sa simbahan lang ang tungo natin no'n, but alam naman niyang delikado na ang panahon ngayon lalo pa't kasama niya ang pamilya niya. Iba pa rin ang maingat at laging handa. Marami na ngayon ang mga taong may masasamang balak sa kapwa. Dapat alam niya 'yon."Salubong ang kilay na nagpakawala siya ng bu
'Mabuti naman at mabilis na naka-recover ang kaniyang katawan,' wika ng doctor kay William saka ito bumaling sa kaniya. "Matapang ka, hija.. sa iyo siguro nagmana ang iyong magiging mga anak.' Napangiti si Trisha sa biro ng doctor. Chineck nitong muli si Trisha. 'May kaunting bruises ka lang ngunit wala namang injuries. Matapos kong makita ang ilan mong test results, makalalabas ka na bukas.' Naaalalang wika ng doctor kay Trisha nitong huli. Nagpapasalamat siya sapagkat walang anumang nakababahalang nakasaad sa kaniyang diagnosis nang lumabas siya ng hospital. Tinitigan niya ang reseta at ultrasound na natanggap niya mula sa doctor habang banayad na hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kasalukuyang nasa balkonahe si Trisha nang matanaw niya ang sasakyan ni William na papasok ng mansion. Excited siya na salubungin ito sa baba. Ngunit, napahinto siya nang mapadaan sa opisina ng ama. "Sa nakikita ko, tama ang hinala ko na hanggang ngayon hindi mo pa rin mahal ang kapatid ko." Napak
"Bhe! Kumusta na?" "Ikaw pala," tipid ang ngiting tugon niya nang makita ang kaibigan. "Oo, ako nga.." Lumapit si Thea sa kaniya at naupo. Sinipat muna nito si William saka muling nagsalita. "Narinig ko ang balita." "Oo.. totoo ang mga narinig mo." "Naku, ang tindi naman ng lalaking iyon. Ewan ko ba, ang daming masasamang naglipana ngayon," muling wika ni Thea nang ipagkrus ang mga braso. Napailing siya. "Gano'n talaga, hindi ko nga rin lubos maisip kung bakit ang init ng dugo nila sa amin. Buo ang loob at walang pagdadalawang-isip na pumatay. Pati nga ang kaibigang general ni mamá, may masama rin palang balak." "Naku, bhe, mali ka ng iniisip." Napakunot-noo siya. "Paanong mali?" "I heard na hindi si General Rixon ang naroroon sa lugar ng insidente, someone used his identity para siraan siya." "Paano mo naman nasabi?" Bahagya pa siyang lumapit sa kaibigan upang malinawan. Umupo ito ng tuwid at hinawakan siya sa dalawang kamay. "Makinig ka. Lumabas sa pagsusuri
Hindi nakapagsalita ang doctor ni Trisha nang maagaw ni Doc Sebastian ang atensyon ng mag-asawa. Tahimik lamang sa tabi ang nurse at doctor habang pinagmamasdan ang eksena ng mag-ama sa loob. Naantig ang damdamin ng mga ito."Akala ko kung ano na rin ang nangyari sa iyo, hija. Natakot ako na matulad ka sa iyong ina, hindi ko kayang makitang kayong dalawa ang nahihirapan sa mga naging desisyon ko." Hindi napigilan ni Doc Sebastian ang maluha habang hindi pa rin kumakalas sa mahigpit na pagkakayakap sa anak. "Hindi ko matanggap sa sarili ko na napahamak kayong dalawa ng mamá mo nang dahil sa akin. Dapat inuna ko ang kaligtasan ninyong dalawa bago ang aking galit sa mga taong iyon." Buong pagsisisi ang ipinakita ng kaniyang ama sa kaniyang harapan. Napatakip ng dalawang palad sa mukha ang kaniyang ama habang patuloy na sinisisi ang sarili."Papá.." Dahan-dahan niya itong hinawakan sa kamay na nangingilid ang luha."I am so sorry, anak. I'm so sorry.. mali ako, maling-mali.." pagsusumamo
"Sebastian, si Carmen, ang kapatid ko?" Napahinto si William nang bumungad sa kaniya paglabas ang dalawang may edad nang babaeng hindi nalalayo ang hitsura kay Gng. Carmen."Halika, naroon siya sa loob, Marietta." "Naku, sinasabi ko na nga ba," anang isa nang may panggigigil sa boses nang pumanhik sa loob kasunod ng doctor. "Dapat kasi.." Hindi na narinig pa ni William ang mga ito dahil isinara na ni Doc Sebastian ang pinto. Hindi siya napansin ng kaniyang father-in-law dahil nakatuon ang paningin nito sa dalawa. Hindi maipagkakaila na galit iyong isang babae ngunit pinipigilan lamang nito ang sarili. Habang iyong isa namang Marietta ang pangalan ay kalmado lamang, ngunit puno rin ng pag-aalala ang boses.Muli siyang nagpatuloy sa pasyang tawagan ang kaniyang lola at ama upang ipaalam sa mga ito ang nangyari. Dahilan kung bakit hindi siya nakabalik agad."Naku, mag-iingat kayo riyan, apo," ani señora mula sa kabilang linya. "Hindi natin alam kung sino ang taong may balak na masam
Mula sa itaas ng kwarto kung saan kasalukuyan akong nagbabasa ng magazine. Napansin ko na may mga tao sa ibaba. May naririnig akong mga boses ng babae. Tinanong ko si William kung sino ang mga iyon. "On-call cleaners.. naririto sila tuwing Tuesday and Friday," tugon niya habang busy sa pagreresolb
Natagpuan naming pareho ni William ang aming mga sarili na yakap ang isa't isa sa ibabaw ng kama. Kung saan muli naming inangkin ang sarili ng bawat isa. “Iniwan mo ang trabaho mo para sa ‘kin,” mahina kong bulong. Huminga siya nang malalim at malambing na sumagot, “Kaya kong iwan ang lahat, bab
“Wow,” saad ko nang makalabas matapos niya akong pagbuksan. “Ang ganda ng tanawin.” “This is my rest house in Pampanga.” “Sayo?” curious kong tanong. “Yes, sa akin. Walang nakakaalam ng lugar na ito–even Papá and Grandma.” Napalakad ako. Mula rito tanaw ko ang malayong dagat. “Maganda rito
“What? Are you out of your mind?!” boses ng kaniyang ama iyon–galit na galit. “Hindi ko na maibabalik ang nakaraan, mahigit dalawang buwan na kaming kasal. Kung may pagdududa kayo, puntahan n'yo ang registration office.” Pagkuwa'y hinawakan niya ako sa kamay na napasunod na lamang sa kaniya patung







