Sa pagtakbo ni Samuel papunta sa dalawang anino, parang nagbukas ang hangin ng sariling pintuan. Ang lupa ay umuuga sa bigat ng bawat hakbang niya. Ang hangin ay kumikiskis na parang nagbabala. At ang gabi… lalong kumapal, para bang sumasabay sa galit na nilalabas niya. “Aurora, huwag kang gagal—!” sigaw ni Marco, pero huli na. Sinubukan niyang bumangon, pero dalawang tauhan ang agad na humawak sa braso niya. “Ma’am, please—danger!” “Let me go!” halos mapunit ang boses niya. “Samuel!” Pero hindi siya binitawan. At sa labas, sa harap ng malamig at mabagsik na hangin, huminto si Samuel. Nasa limang metro ang distansya niya mula sa dalawang pigura. Hindi na sila nakatago sa anino ngayon—marami nang ilaw ang nakatutok mula sa mansyon. Pero kahit may liwanag, hindi pa rin lubos na makita ang mukha nila. Para silang mga piraso ng dilim na nabigyan lang ng hugis. “Hindi ka nagbago,” sabi ng isa. Paos, mababa, parang kalmot sa dingding. “Ni balak magtago, wala,” dagdag pa
Last Updated : 2025-12-07 Read more