ログインMaingat kong inilagay ang lahat ng aking mga gamit sa maleta, bawat isa ay parang piraso ng buhay na iniwan.
Again, iginala ko ang mga mata mo sa kabuuan ng silid na kahit sa huling sulyap na lang ay maalala ko ang ayos. Ang silid na ito ang naging tahanan ko sa nakalipas na limang taon kasama si Kendrick—ang senaryo ng aking mga unang karanasan, kabilang ang mga gabing walang tulog at mga bulong-bulong na panaginip, habang nakahiga ako sa tabi niya. Isang mapait at matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi, isang mukha na hindi kayang itago ang lungkot sa aking mga mata. Ang lugar kung saan nakasanayan ko na, at mga alaala na tumatak na sa akin isipan na ngayon ay iiwan ko na at kahit na anino ko ay hindi na pwedeng manatili. “Napakaraming alaala ang ipinaranas mo sa akin,” Bulong ko sa bakanteng espasyo, halos hindi marinig ang boses ko na parang takot na guluhin ang mga alaalang umalingawngaw sa loob ng mga dingding. Matapos ang matagal na pagtingin sa paligid ng aking kwarto, huminga ako nang malalim, ang bigat ng aking desisyon ay mabigat na bumabalot sa aking dibdib.. Nabaling ang mga mata ko sa envelope na nasa ibabaw ng kama. Naglalaman iyon ng kontrata namin ni Kendrick na ngayon ay nawakasan na. At kasama din doon ang titulo ng bahay at lupa na ipinangalan na niya sa akin. Wala akong balak dalhin iyon pag umalis ako. Ang isandaang milyong ibinigay niya sa akin para sa aming paghihiwalay ay malaking bagay na—sapat na para baguhin ang buhay ko at ilayo ang sarili ko sa mga pamilyar na anino ng aking nakaraan. "Paalam. Salamat sa magagandang alaala na iniwan mo sa akin," bulong ko, isang tahimik na pamamaalam sa isang kabanatang nagsara na. Habang nauutal ang huling pangungusap, tumalikod ako, hila-hila ang maleta palabas ng aking kwarto. Hindi na ako lumingon pa, mabibigat ang bawat hakbang ko palabas ng silid, na sa bawat hakbang mo ay pasikip na pasikip ang aking paghinga, at sa bawat hakbang ko ay nagpapaalala na hindi na niya ako kailangan pa. ..... Life goes on. Umuwi ako sa aming lugar. Walang kasiguraduhan kung matatanggap pa ba nila ako ng buong puso ngayon babalik ako sa kanila makalipas ang mahabang limang taon na nawala ako sa pangangalaga nila. Nagulat pa sila ng makita ako na nasa labas ng pinto ng aming munting tahanan, walang pinagbago ang bahay na iniwan ko noon. Hindi nila binago iyon kahit na nagpapadala ako ng malaking halaga at sinabi sa kanila na ipagawa ang bahay. "Mama." Tanging kataga na lumabas sa bibig ko ng ito ang nagbukas ng pinto. Pinilit kong ngumiti, isang manipis na belo para itago ang lungkot sa kaibuturan ko. Mabigat ang pakiramdam ng puso ko, nabibigatan sa pagtatapos ng kontrata ko kay Kendrick, ngunit determinado akong huwag ipakita sa mga magulang at kapatid ko ang sakit na nararamdaman ko.Na kahit nakikita ko naman na tila wala silang pakialam ngayong bumalik na ako. "Ate Avery!" bulalas ng aking nakababatang kapatid, sabay takbo palapit sa akin para sa isang mainit na yakap. "Namiss kita," sabik niyang sabi, may matamis na kainosentehan sa kanyang mga salita. Siya lang ang nakitaan ko ng kagalakan nang makita ako. Muli akong bumaling kay mama, na nasa likuran na nito si papa, nakatayo siang pareho na nakatitig sa akin. Seryoso, at wala akong nakikitang ibang emosyon sa kanilang mga mukha. "Nakabalik ka na, buti at alam mo pa ang daan pauwi ng bahay." Si mama na hindi itinago ang pagkadiagusto ng makita ako. Hindi ko sinabi sa kanila kung ano ang naging trabaho ko sa loob ng limang taon na pagkawala ko. Pero nakikita ko na paraan ng tingin nila na alam na nila kung ano ba ang pinasok ko kung bakit ganun na lang kalaking pera ang halagang naipapadala ko sa kanila. "Avery," ang panganay kong kapatid. Ito na ang lumapit sa akin, niyakap ako at nakikisimpatya sa akin. Na tila ba naramdaman ang bigat na aking nararamdaman. Hindi ko man naramdaman ang pangungulila sa aking mga magulang, atleast, naramdaman ko ang kagalakan na dalawa kong kapatid ng makita ako. Hindi ko na lang pinansin ang kalamigan nina mama at papa sa akin. At sa pagyakap sa akin ni kuya Jasper, doon na tumulo ang pinipigilan kong luha. Ang sandaling iyon ay agad na napuno ng init ng aking nakatatandang kapatid na lalaki at ng aming bunsong kapatid na babae, na pawang nakalapit sa akin sa pamamagitan ng isang taos-pusong yakap. Habang niyayakap nila ako, kusang tumulo ang mga luha ko. Mahirap malaman kung bunga ba ito ng saya mula sa muling pagsasama namin ng aking pamilya o ang kalungkutan ng aking pag-alis sa buhay ni Kendrick. Sa sandaling iyon, napapaligiran ng pagmamahal ng aking kapatid, ang mga emosyon ay tumatama nang husto, na nagsisilbing paalala ng tahanan at pagkawala. ..... For almost a week, I locked myself in my room, at at halos ayaw kong lumabas ng silid ko sa mga araw na dumadaan. My parents still cold at hindi man lang ako kinakausap, at ang mga kapatid ko ay nakakagulat na iginagalang ang aking espasyo, malamang na naniniwala na kailangan ko lang ng pahinga para makapagpahinga mula sa pagod na nagpapabigat sa akin. Ang kanilang di-masambit na suporta ay nagbigay ng ginhawa na hindi ko namalayan na kailangan ko noong panahong iyon. Sa isang linggo ng lumipas na iyon, nakapagpasya na akong lumabas at simulan ang bagong buhay malayo sa nakasanayan ko na sa loob ng limang taon. Nagdesisyon ako na mag aral ulit at mag eenrol na sa pasukan sa college. Si Kendrick, na aking napagkasunduan, ay dati nang nagpatigil sa aking paglalakbay sa pag-aaral, na nag-iwan ng limang mahahalagang taon ng aking pag-aaral na hindi natupad. Ikinulong niya lang ako sa kanyang bahay. Pero ngayon, taglay ang bagong determinasyon, handa na akong bawiin ang aking kinabukasan. Inalalayan ko ang aking nakababatang kapatid, at isasama ko siya sa aking pagbabalik sa pag aaral. Magkasabay naming tinahak ang aming unang taon sa kolehiyo, handang-handa nang harapin ang bagong kabanata ng aming mga buhay. At sa gayon, nagsimula ang aking panibagong simula. .... "Hi!" Napaangat ang aking mga mata mula sa pahinang aking pinagtuunan ng pansin, naakit ng pamilyar na pagbati. Kunot ang noo ko napatingin dito at kinikilala dahil parang pamilyar ito sa akin. Madali ko itong makilala, ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya. "Ery," sabi niya nang may mainit na ngiti, binabanggit ang palayaw na matagal ko nang hindi naririnig. Biglang may natanto ako, at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. "Dandan?" usal ko sa pangalan niya na hindi makapaniwala. Tumango siya, at sa gulat at tuwa, agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. Para akong bata na nagtatalon pa sa kagalakan ng hawakan ko siya sa braso. "Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwala na tanong ko, kailangan kong kumpirmahin na ang masayang pagsasamang ito ay hindi kathang-isip ko lang. Parang ang tagal ko na rin mula noong huli ko siyang nakita—pitong taon na siguro? Sa panahong iyon, madalas lumipat ng tirahan ang kanyang pamilya, at kahit sandali lamang silang nanatili sa aming kapitbahayan, nabuo namin ang isang matalik na pagkakaibigan dahil ang aming mga pamilya ay magkakaugnay. Labing dalawang taon lamang ako noon nang una ko itong makilala. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka bumalik? Huwag mong sabihing nag-aaral ka pa?" Magkakasunod ang naging tanong ko, my voice bubbling with excitement. Simula nang umuwi ako, ito ang pagkakataong nakipag usap ako sa ibang tao "Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo? Anong nangyari, bakit nag-aaral ka pa rin hanggang ngayon?" Natigilan ako, at nabigla sa hindi inaasahang tanong niya. Natahimik ako habang napatitig dito, lumuwang ang pagkakahawak ko sa braso niya hanggang sa tuluyan ko iyong binitawan. Nagdadalawang isip akong sumagot, at lalong hindi ko masabi dito ang katotohanan kung bakit pa ba ako nag aaral sa ngayon. "Alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay namin, 'di ba?" Ang mga salitang iyon ang lumabas sa aking mga labi, na nakaugat sa mapait na katotohanang aking naranasan. Totoo ang paghihirap—habang nag-aaral ako, pinaghahalo ko ang iba't ibang part-time na trabaho para masuportahan ang aking pamilya at pag aaral. Sa isa sa mga shift ko sa isang bar, unang beses kong nakita si Kendrick, isang engkwentro na magpapabago sa buhay ko magpakailanman. Isang gabi, pagkatapos ng aking mga klase sa gabi, nagtungo ako sa bar kung saan ako nagtrabaho nang part-time, isang lugar na puno ng buhay at tawanan. Ang aking tungkulin ay ang pagbebenta ng alak sa mga kostumer, at ang aking kita ay nakadepende sa dami ng benta na aking makakamit sa loob ng isang takdang panahon. As I stepped into the bar's private box, nakaramdam ako ng matinding kaba dahil iyon ang ilang beses kong umapak sa lugar na ganito. Ang lugar na ito ay kung saan nagtitipon ang mga mayayamang negosyante, na naghahanap ng parehong karangyaan at pagiging eksklusibo. Lumapit ako sa kanilang mesa, handa nang ihain ang kanilang mga inumin, ngunit, sa aking pagkadismaya, sinalubong ako ng bastos at agresibong pag-uugali ng ilan sa mga kostumer. Kaya mas naging doble ang kaba ko ng mapansin ang kakaibang tingin ng mga lalaking nakapalibot sa halos buong silid. Sa gulat ko pa, isang matandang lalaki ang bigla na lang pumalo sa pwetan ko, catching me completely off guard. Dahil sa hindi inaasahang pagkabigla, natapon ang alak na hawak ko, dahilan para sumabog ang tawanan sa paligid ko. "Cutie Pie, huwag kang mag-alala. Sasagutin namin ang halaga ng natapon mong alak—sa isang kondisyon," sabi ng isang lalaki, "hinawakan ang pulso ko ng mahigpit. Habang likas akong nagpupumiglas laban sa kanya, mas lalong tumilamsik ang alak, na lalong nagpalala sa kanilang pagkaaliw. Mabilis na nauwi sa agresyon ang kanilang tawanan, dahilan para pagdikitin ko ang aking mga kamay bilang pagsuko. Isa sa mga lalaki ang nagsalin ng alak sa isang baso at, walang pag-aalinlangan, hinawakan ang mukha ko, at pinilit akong uminom. Napaubo ako, halos masunod ang lalamunan ko sa tapang ng alak na ipinainum nila sa akin. Ito ang unang beses kong makatikim ng alak, kaya agad akong nakaramdam ng pagkahilo ilang minuto lang ang lumipas at mabilis akong nahihilo, at lalong lumabo ang paligid. Hindi na halos malinaw sa akin ang mga sumunod na nangyari, narinig ko na lang ang paulit ulit nilang pagmamakaawa sa nagngangalang Kendrick Hidalgo."Sige, pero sa isang kondisyon." Hihirit pa ako baka sakaling makalusot."At ikaw pa ang may ganang humingi ng kondisyon ngayon.""Para patas. Look at this." Sabay turo ng braso kong namula dahil sa pagkakahawak niya. "Para patas tayo. Maglilinis ako sa pad mo. Pero magbibigay ka sa akin ng kaunting impormasyon tungkol kay Vienn Anderson.""At bakit ba gustong gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya?""Iyon kasi ang inutos sa akin ng boss ko. At kung hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Mawawalan ako ng trabaho." Totoo ng sagot ko."Pero alam mo ba na sisirain mo ang pananahimik ng DG namin sa gagawin mo.""Kaunting impormasyon lang naman. Kung ayaw niyang magbigay at maikalat ang tungkol sa kanya kahit basic na lang. Hindi ko na din ilalathala ang larawan niya.""Hmmm!” Nag isip pa talaga siya habang nakatitig sa akin. “Sige. Pero sa isa ding kondisyon." kuway pagpayag niya ngunit humihingi rin siya ng konsisyon."Huh!.""Sa bawat impormasyon na ibibigay ko
Ako man ay para akong nahilo at sapo na din ang nuo."Puro kamalasan ang natatamo ko sayo." Gigil na sapo pa rin niya ang noo."Bakit ba kasi ang lapit lapit mo sa akin." Gigil din na sagot ko dito. Pero naisip ko. Kailangan ko palang kuhanin ang loob ng isang ito lalo na kilala niya si Vienn Anderson na iyon. Kaya dapat mag babait baitan pala ako sa kanya ngayon."Ano?" Tanong pa niya sa akin ng bigla akong natahamik.Well, isang kiming ngiti lang ang sinagot ko. Ah! Uubra kaya iyon? Tignan natin."Don't give me that smile, little hamster. Dahil hindi mo ako madadaan sa pagpapakyut mo." Galit talaga siya saka siya umayos ng tayo."Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Heto na nga sinusuklian na nga kita ng pinakamatamis kong ngiti eh." Sabi ko pa at pinilit na huwag alisin ang ngiti sa labi ko na kahit gusto ko na itong talakan ulit."Then pay me first.""Naman eh! Sabi ko naman sayo na wala akong pera diba. Hindi ka ba maawa sa akin. Tignan mo tignan mo." Sabay labas ng pitaka ko at ipin
Para na akong ipinako sa kinatatayuan ko ng magawi ang tingin sa akin ng bagong dating.Siya na ba talaga si Vienn Anderson na hinahanap ko? Ang makakapag paangat sa estado ko sa trabaho ko.Pero ano ang gagawin ko? Hindi ko naman akalain na sasakyan nila ang kalokohan ko."Anong kaguluhan at bakit niyo ako pinatawag dito?" Pormal na tanong nito at inisa isang tinignan ang mga nasa baba ng ranggo nito."Gaya ng sinabi ko kanina DG na may nagsabing kilala ka. Or I should say hindi lang kilala kundi sinasabing boyfriend ka niya DG." Sagot ni Dan dito.Napalunok na ako ng sunod sunod ng muling madako ang tingin nito sa akin.Pero bago pa man siya makapagsalita ay buo na ang pasya ko. Mapahiya na kung mapahiya pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Nandito na to. Saka ko na iisipin ang parusa sa kapangahasan ko.Kaya naman. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ko ito at niyakap sa braso."Hinuli nila ako. Eh wala naman akong ginawang masama." Pag dradrama ko pa.Halata naman na nagul
May isa na akong lead sa kanya. Isa pala si Vienn sa pinakamataas na nakaluklok sa kapulisan pero hindi alam ng nakakarami.Kulang na lang ay ang mukha niya. Need ko talagang mabigyan ng mukha ang Vienn Anderson na iyon sa lalong madaling panahon para di ako mawalan ng trabaho."Shut up." Kuway sita niya sa kasama."Sorry, boss."Hindi ko mapigilan ang mangunuot ang nuo. Ang lakas naman ng loob niya na sitahin at pagtaasan ng boses ang kasama niya gayong nakikita naman sa suot nilang uniform na mas mataas ang ranggo nito kaysa sa kanya. P01 lang siya gayong yong sinigawan niya ay SPO2.Ano yon? Baliktad na ba ang panahon ngayon? Ewan ko na lang kung hindi siya mapatalsik sa kabastusan niya sa nakakataas sa kanya."PO1 Dan, baka nakakalimutan mo kung ano ang ranggo mo?" Kuway sabi ng pinapatahimik niya kanina pero nandoon ang talim ng tingin na ipinukol niya dito."Pasensya na SPO2 George." Pero sa paghingi niya ng paumanhin ay parang wala naman sa loob niya. Saka niya ako binalingan.
"Ano ba? Bitawan mo ako?" Gigil na talaga ako sa mamang pulis na ito. Akala mo naman kung sino makaasta. Kaya ko namang maglakad mag isa pero para naman akong batang hinahawakan ang kwelyuhan ng damit ko at binibitin talaga ako.Akala mo naman matangkad siya.Hmmp!Titinangala lang naman ako. Aba, matangkad na ako sa height kong 5’4”, kaya huwag niya akong mamaliitin. Oo, nga at mas matangkad talaga siya. Pero hindi naman ako papahuli.Pang-Dalagang Pilipina lang talaga ang tangkad ko. Hindi ako pandak at hindi din katangkaran. Tama lang. Kumbaga saktong sakto lang.At ngayon, iniinis yata ako ng mamang pulis na ito at kung makaasta talaga.Grrrr! Nakakagigil. Makikita niya. Oras na bitawan niya ako humanda talaga siya sa akin."Bitawan mo ako. Ano ba!" Pang uulit ko ng hindi niya ako pinakinggan. Binigwasan ko pa talaga siya pero hindi umabot ang mga kamay ko sa kanya dahil agad siyang nakalayo kahit hawak pa rin niya ang damit ko."Ang ingay mo! Baka gusto mong mas makulong sa kakat
"Magandang umaga boss." Nandoon ang tabinging ngiti ko ng tapunan ako nito ng tingin.Isa siyang bakla pero laging inis sa akin dahil di hamak na mas maganda ako.Hindi naman sa nanlalait ako huh! Isasalaysay ko lang kung ano ang itsura ng boss ko.Mmmm, paano nga ba? Ganito, nakawig siya. Kasi alam niyo na. Tumatanda na at medyo napapanot na ang ulo. Pandak siya. Mas matangkad ako ng 5 pulgada dito. Well, 5'4" ang height ko. Alam niyo na siguro. Tapos ang boss ko, mmmm. Ano pa nga ba? Ah! Malaki kaunti ang tiyan niya. At iyon kung paano ko i describe ang itsura ng boss ko kaya alam niyo na siguro ang salitang insecure."Walang maganda sa umaga kung mas maganda ka sa akin." Galit na sagot nito sa akin, kung hindi siguro ako nakailag at tumama sa akin ang ibihagis nitong dyaryo."Boss naman, umagang umaga ang init agad ng ulo niyo, kaya siguro naglalagas ang buhok niyo." Hindi ko paigilang biro dito na lalong nakapag painit yata ng timpla ng mood nito."Gusto mo na yatang mawalan ng tr
Sa loob ng limang taon kong nakasama si Kendrick ay kilala ko na ang ugali niya. At alam ko na kung hindi niya ipinagpalagay sa akin ngayon na sila ang mga magulang na nakagisnan ko ay baka hindi na nga siya nag abala pang kausapin ang mga ito at baka nangyari ng naputol na ang kamay ni mama tulad n
"Ano?" nanlaki ang mga mata ni mama na hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kanya kung kailan ko pa nakilala si Avery. "You took her in your house at her age of nineteen.” “I already told you everything, Mama. And keep your voice down, baka magising ang asawa ko.” “Bata ka, hindi kita pinalaki par
“Ano? Paanong… How come?” mas naguluhan ako, paano malalaman na buntis agad ako gayong ilang araw pa lang naman na kasal kami. “You are two months and 2 weeks pregnant, Avery. With a twin.” muli niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. Nagsink sa utak ko agad kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis
“Ano?” napatayo si Tyron sa pagkakaupo niya ng ibalita ko sa kanya na pinayagan na ng kanyang tiyuhin ang pag aaral niya sa Falcon at hindi na rin ako magpapalit ng major. Kauuwi ko lang galing sa kompanya ni Kendrick at agad niya akong sinalubong para makibalita sa resulta ng pakikipag usap ko nga







