Kinabukasan, maaga akong nagising kahit antok na antok pa ako. Hindi ko alam kung excitement ba o kaba yung nararamdaman ko habang nag-aayos ng gamit para sa second day of classes. Nakatingin ako sa salamin, tinitingnan kung okay ba yung buhok ko, Hinawi ko ang bangs ko at tilang ginawang curtain bangs 'to, kasi syempre, first impressions last, at baka sakaling makilala ko pa yung ibang kaklase ko.Pagdating ko sa university, medyo mas relaxed na yung pakiramdam ko compared kahapon. Hindi na ako ganon ka lost, at least kabisado ko na kung saan yung building ng minor subject ko. Ang sabi kasi, halo-halong course ang magkakasama dito—engineering, business, HM, IT, etc.Pagpasok ko sa classroom, medyo crowded kasi andaming estudyante. May mga nagkukumpulan. Nakahanap ako ng pwesto sa gitna, medyo malapit sa bintana."Hi, dito ka na lang," may boses na biglang tumawag sakin. Paglingon ko, isang babae na naka business attire—neat ponytail, may friendl
Last Updated : 2025-11-07 Read more