"Bakit hindi ko po siya makuntak, ma?" Patuloy na tanong ni Denver sa ina. Nitong mga nanaraang araw kasi ay naniwala siya sa mga alibi ng ina kaya hindi nakakausap ang asawa."Anak, huwag kang mabibigla pero nagkaroon ng amnesia ang asawa mo pero ok lang siya at ang anak ninyo.""What? Kung ganoon ay hindi simpleng aksidente lang ang nangyari sa kaniya? Paano ang nangyari at kailan pa?, bakit hindi niyo po agad sinabi sa akin?" Magkakasunod na tanong ni Denver at hindi na mapakali sa kinatayuan."Hindi ko rin alam kung paano siya naaksidente, anak. Natagpuan na lang namin siya sa hospital at walang maalala. Hindi ko na sinabi sa iyo dahil maapiktohan ang trabaho mo dyan saka ok naman na siya bukod sa walang maalala."Naisuklay ni Denver ang mga daliri sa sariling buhok saka lumapit sa malaking glass window."Tumawag nga pala ako hindi dahil sa asawa mo." Pag iiba ni Rosita sa pagksa. "Bumalik na ang Tito Xavier mo.""I know, ma." Kulang sa emosyon na tugon ni Denver sa ina. "Tumawag
آخر تحديث : 2025-10-21 اقرأ المزيد