Casey’s POVIlang oras na akong paikot-ikot sa kahabaan ng dalampasigan, pero kahit anino ni Isabela, wala akong makita. Ramdam ko na ang bigat ng binti ko, at ang bawat hakbang sa buhangin ay tila isang parusa. Sa sobrang pagod, hindi ko na kinaya, bagsak-katawan akong napaupo sa buhangin, malayo sa ingay ng mga bar.“Waahh!” sigaw ko sa hangin, hindi na inintindi kung may makarinig man. “Isabela, nasaan ka na ba? Sana okay ka lang.”Tinitigan ko ang cellphone ko, umaasang may milagrong text o tawag, pero nanatiling madilim ang screen. Hanggang sa bigla itong mag-vibrate. Muntik ko na itong mabitawan nang makitang si Hudson ang tumatawag.“Where are you?” tanong niya, seryoso ang tono pero may bahid ng pagma
Last Updated : 2026-01-22 Read more