Liam’s POVMadilim pa nang lisanin ko ang kwarto namin ni Isabela. Saglit akong tumigil sa gilid ng kama at pinagmasdan siyang mahimbing na natutulog. Bakas sa mukha niya ang kapayapaan, kabaligtaran ng mundong papasukin ko ngayong araw. Ginawaran ko siya ng isang malambing na halik.Hindi ko na siya ginising, hinayaan ko siyang bawiin ang pagod mula sa mahabang araw namin kahapon. Sayang man ang naudlot na paraw sunset, hindi ko ipagpapalit ang bawat segundong mas pinili naming ilaan lang sa isa’t isa.Umaga na nang dumating ako sa Singapore. Bitbit ang inspirasyong iyon, dumeretso ako sa opisina. Ang kape sa kamay ko ay kasing pait ng pressure na nararamdaman ko, pero kasing tapang din ng aking determinasyon."Sir, handa na po ang lahat," bungad ni Adriane sa akin.Tumango ako, inayos ang aking necktie sa harap ng salamin, at huminga nang malalim. This is it. Ang final stage ng planning bago ang project implementation. Lahat ng pagod, puyat, at malaking puhunan ay nakasalalay sa s
Read more