“Tama na ‘yang pagseselos mo! Sumosobra ka na!” Ang ekspresyon ng mukha ni Noah ay animo’y nasaid na ni Agatha ang pasensya niya. “Hindi ako nagseselos.” tumingin si Agatha kay Noah, “Noah, simula’t sapul ang sinabi ko ay…”“Tama na!” singhal ni Noah para patigilan na siya sa pagsasalita. Ang matapat naman na kaibigan ni Nica na si Ryan ay pinrotektahan ito habang sinasabi kay Noah na, “Noah, since hindi naman kami winelcome ng asawa mo para kumain dito, kumain na lang tayo sa labas.”Tila nawalan ng mukhang maihaharap si Noah sa ex-girlfriend at mga kaibigan niya dahil sa ginawa ni Agatha ngunit nakatuon ang buong pansin ni Noah kay Agatha, “Agatha, mag-sorry ka ngayon din kay Nica at sa lahat. Hindi naman kami walang katwiran na mga tao, humingi ka lang ng tawad, para tapos na.”Tayo?Sa mga nakalipas na araw ang salitang “tayo” ang pinaka-kinaaayawan niya. Oo, ikaw, ay ikaw, magkaiba tayo, hindi na natin kailangan pang umupo at kumain ng magkasama. Umiling siya at sinabing, “A
Huling Na-update : 2025-11-03 Magbasa pa