Share

CHAPTER FIVE

last update Last Updated: 2025-11-07 15:26:34

THIRD PERSON:

Paglabas ni Xyrel ng classroom, bitbit niya parin ang lumang bag niya sa dibdib, muntik na siyang mabangga sa isang pares ng malalaking braso.

“Ay—sorry po, Sir,” mabilis na sabi ni Xyrel habang agad na yumuko.

Ngumiti lang si Ederson at iniabot ang hawak na paper bag.

“Okay lang. Buti na lang at naabutan pa kita. Ito oh..." inabot niya ang hawak hawak niyang paper bag kay Syryl. "Para sa’yo ‘to,” sabi niya.

Napatingin si Xyrel sa bag, halatang naguguluhan. “Po?”

“Uniform mo,” paliwanag ni Ederson. “Libre talaga ‘yan dito sa school, pati ‘yong mga gamit sa loob. May notebook na rin diyan, kaya huwag mo nang isipin. Nanjan na rin yong hiniram kung notebook.”

Tahimik lang si Xyrel habang tinatanggap ang bag. “Ah... salamat po, Sir.”

Ngumiti si Ederson, bahagyang tumango. “Walang anuman. Basta kung may kulang pa, sabihin mo lang sa akin, ha?”

“Opo, Sir.”

“Good. Sige, ingat ka pauwi,” sabi ni Ederson bago siya tumalikod at naglakad palayo, habang si Xyrel naman ay maingat na binuksan ang paper bag.

Sa loob, nakita niya ang maayos na nakatiklop na uniform, ilang bagong gamit, at isang notebook na may nakasulat sa cover:

“Welcome to San Rafael High, Rivera.”

Bahagya lamang siyang tumango.

******

Pagdating ni Xyrel sa bahay, sinalubong siya ng amoy ng usok at kalat na parang dinaanan ng bagyo. Nakakalat ang mga bote sa mesa, may mga tuyong kanin sa sahig, at nakabaliktad pa ang upuan sa tabi ng sofa.

Hindi na siya nagtaka.

Alam na niya.

Nagwala na naman ang kanyang ama-amahan.

Mula sa kusina, narinig niya ang mahinang hikbi ng kanyang ina. Lumapit siya roon at nadatnan itong nakatalikod, tahimik na naghuhugas ng mga plato, nanginginig pa ang kamay habang pinupunasan ang basang pisngi.

“Ma…” mahina niyang tawag, ngunit hindi ito lumingon.

Napa-buntong-hininga na lang siya. Lumuhod si Xyrel at isa-isang pinulot ang mga nagkalat na bote at pinagbasagan sa sahig. Ang bawat tunog ng bubog ay parang dagok sa dibdib niya. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang sabihin sa ina na umalis na sila, na tama na ang lahat ng ito.

Pero alam niyang walang mangyayari.

Paulit-ulit lang.

Tahimik siyang nagpatuloy sa paglilinis habang pinagmamasdan ang ina na pilit itinatago ang luha sa likod ng usok ng niluluto.

“Bwiset talaga!!” sigaw ng ina, sabay padagok ng plato sa lababo. “Nakuha pang magsugal, ni pagkain nga wala! Tinalo pa ‘yung kakarampot na sweldo sa sugalan!”

Hindi na kumibo si Xyrel. Hinayaan lang niya.

Sanay na siya sa mga ganitong gabi — sa halip na hapunan, galit at luha ang nakahain.

Tumigil siya saglit, tinignan ang mga kamay niyang may gasgas sa kakapulot ng bubog.

At doon, sa katahimikan ng pagitan ng mga sigaw at hikbi, pinangako niya sa sarili:

Hindi habang buhay ganito.

Balang araw, makakaalis din ako rito. Makakapagtapos ako. At ‘pag dumating ‘yong araw na ‘yon, hindi na kailanman maririnig ng mundo ang luha ni Mama.

Kinuha niya ang paper bag na ibinigay ni Prof. Ederson kanina, marahang inilapag sa kama, at sa unang pagkakataon, napangiti kahit papaano.

Parang iyon lang ang liwanag sa araw na puro dilim.

******

Maagang gumising si Xyrel kinabukasan.

Pero bago pa man niya mamulat ang mga mata, naririnig na niya ang boses na iyon—malambing, pamilyar, at puno ng pag-aalaga.

“Nak… gising na. Lalamig na ‘yung pandesal…”

Parang totoo. Parang nandoon lang sa tabi ng kama niya ang ama, bitbit ang mainit na tinapay gaya ng dati.

Naramdaman niyang umagos ang luha sa gilid ng kanyang mata.

“Sige na, anak. Baka maubos na naman ng kapatid mo.”

Bahagyang napangiti si Xyrel sa pagitan ng luha, hinahabol ang boses sa kanyang panaginip.

“Pa… miss na miss na kita…” bulong niya, halos hindi marinig.

Ngunit gaya ng dati, unti-unti ring lumabo ang tinig na iyon—hanggang sa ang naririnig na lang niya ay ang mahinang ingay ng ulan sa bubong.

Panaginip lang. Muli.

Dahan-dahan siyang bumangon, pinunasan ang luha sa pisngi, at tiningnan ang paper bag na nakalagay sa tabi ng unan.

Ang uniform.

Ang notebook.

At ang bagong pag-asa na dala ng isang araw sa San Rafael High School.

“Pa…” bulong niya ulit. “Pangako… magtatapos ako. Para sa’yo, para kay Mama. Para makaalis na kami dito.”

Tumayo siya at nag-ayos ng sarili. Maingat niyang sinuot ang bagong uniform, kinuha ang lumang bag, at tinupi ang maliit na papel na may sulat ng guro sa kanyang notebook.

Habang nag-aayos ng buhok sa harap ng basag na salamin, napansin niya ang kaibahan.

Hindi na siya mukhang takot.

May kung anong liwanag sa mga mata niya—liwanag na kahit gaano karumi ang paligid, hindi kayang takpan.

Paglabas niya ng bahay, sinalubong siya ng malamig na simoy ng umaga. Ang kalsada ay basa pa sa ulan, at sa malayo, sumisilip na ang araw.

Isang mahinang ngiti ang sumilay sa labi ni Xyrel.

Isang bagong simula.

At habang naglalakad siya papunta sa paaralan, tila ramdam pa rin niya sa likod ng isip ang boses ng kanyang ama—

“Galingan mo, anak. Nandito lang si Papa.”

****

Tahimik lang siya habang inaayos ang sarili — suot ang bagong uniform na ibinigay sa kanya ni Prof. Ederson kahapon. Kahit hindi naka plantsa simple lang, may kakaibang linis at ayos na bumagay sa kanya.

Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng bahay. Bitbit ang kanyang bag at mga gamit, dala rin niya ang mabigat na pangarap na sana... ito na ang simula ng pagbabago sa buhay nila.

Maagang dumating si Xyrel sa eskwelahan. Mahina pa ang sikat ng araw, at bahagya pang malamig ang hangin. Tahimik lang siyang naglakad papunta sa main gate.

Paglapit niya sa gate, saka siyang nakilala ng guwardiyang naka-duty.

“Aba! Si Miss Transferee pala ito,” nakangiting bati ng gwardya habang tinutulungan siyang buksan ang gate. “’Di kita nakilala agad ah, naka-uniform ka na kasi ngayon. Ang linis mo tingnan, ha.”

Ngumiti lang si Xyrel ng mahina at marahang tumango.

“Magandang umaga po,” magalang niyang tugon habang ipinapakita ang kanyang notebook na may sulat na katibayan na transferre siya

“Tuloy ka na, iha,” sabi ng gwardiya, sabay kindat na parang tatay na proud sa kanya.

Pagdating niya sa classroom nila, napansin agad ni Prof. Ederson ang kanyang pagpasok. Tahimik lang si Xyrel, ngunit agad itong nakatawag-pansin sa kanya.

Ang simpleng mahaba at bagsak niyang buhok, ang maayos na uniform, at ang marahang lakad nito — may kung anong bagay sa presensiya ni Xyrel na hindi niya maipaliwanag. Hindi siya kasing ganda ng ibang estudyante, pero may something sa kanya na nakakaengganyo panoorin.

Bahagyang ngumiti si Ederson habang pinagmamasdan ito sa gilid.

Hindi niya alam kung bakit gano’n — pero may kakaibang sigla sa araw na iyon. Parang gusto niyang paghusayan pa ang pagtuturo, parang biglang naging magaan ang pagpasok sa klase.

At sa unang pagkakataon mula nang maging guro siya, naramdaman niyang may estudyanteng maaaring magbago ng ritmo ng araw niya — at posibleng pati ng puso niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER TWENTY-NINE

    THIRD PERSON:Natahimik si Ederson nang ilang segundo matapos marinig ang sinabi ni Syrel tungkol sa bangka.Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya, takot, pag-aalinlangan, at ‘yung pag-asang ayaw na niyang amining nararamdaman niya.Dahan-dahang hinaplos ni Ederson ang kamay ni Syrel.“Syrel…”mahina pero mabigat.Bahagya nitong kinagat ang ilalim ng labi, pilit na pinipigil ang sariling emosyon.“Hindi ko alam… hanggang kailan mo ako kakailanganin.”Tumawa siya nang mahina, pero halatang pilit lang.“Hindi ko rin alam kung… hanggang kailan kita puwedeng hawakan nang ganito.”Napayuko si Syrel.Parang gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.Kaya itinuloy ni Ederson, mas malumanay, mas totoo:“Pero hangga’t nandito ka… hangga’t nagpapakita ka sa’kin…”Lumapit pa siya, halos magdikit na ang kanilang noo.“…hinding-hindi kita bibitawan.”Napasinghap si Syrel, ramdam ang mainit na hininga ng binata.Hindi sila gumalaw, pero parang umiikot ang mundo sa pagi

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER TWENTY-EIGHT

    THIRD PERSON:Pagpasok nilang tatlo sa bookstore, agad namang naaliw si Jerelyn sa shelves ng school supplies.“Dito muna ako sa pens section, guys!” masiglang sabi ni Jerelyn.Malinaw na binibigyan niya ng space ang dalawa.Naiwan sa aisle ng mga libro sina Ederson at Syrel.Habang pumipili si Syrel ng reference books, napapansin niya ang kakaibang katahimikan ni Ederson sa tabi niya na hindi tahimik na normal, kundi tahimik na may binabalak.“Sir, ito po bang—”Hindi niya natapos.Biglang hinawakan ni Ederson ang pulso niya, mabilis pero maingat, at hinila siya papunta sa pagitan ng dalawang matataas na shelf, iyong parte ng bookstore na bihira ang tao.Bago pa siya makapag-react…Smack.Isang mabilis, mainit, pero sobrang nakaw na halik ang dumapo sa labi niya.Nanlaki ang mata ni Syrel, literal na parang napako sa kinatatayuan niya.“E-Ederson!” mahina pero tarantang bulong niya.“Pasaway ka talaga… baka may makakita sa atin!”Hinampas niya ito sa balikat, marahan pero may halong

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER TWENTY-SEVEN

    THIRD PERSON:“Di ka pa rin umaamin sa kanya?” tanong ni Jerelyn, hindi man lang tumitingin dahil abala sa pagsusulat ng notes. Pero ramdam niya ang bigat sa hangin, iyong bigat na nanggagaling sa kaibigang ilang linggo nang tahimik.Narinig ni Syrel ang buntong-hininga ni Jerelyn. At alam niyang malapit na itong sumabog sa inis sa katigasan ng ulo niya.“Paano, Syrel?” tuloy ni Jerelyn. “Talagang pipigilan mo na lang ba ang puso mo sa nararamdaman mo kay Prof?”Napatigil si Syrel sa pagsulat. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ballpen bago tumingin sa mesa. May pilit na ngiti sa labi niya, iyong ngiting may tapang pero may lungkot.“Siguro… ito lang ang tama.” Mahina pero malinaw.Napatingin si Jerelyn, at doon niya nakita ang mata ng kaibigan, pagod, puno ng sikreto, at puno ng pakikipaglaban sa sarili.Isa pa siyang buntong-hininga. Wala na siyang masabi. Tumahimik na lang siya.Habang nakayuko, bigla na lang nagsalita si Syrel, mas malalim, parang matagal nang nakaipit sa dibdib

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER TWENTY-SIX

    THIRD PERSON:Pero kahit halata kay Ederson ang selos, nanatiling kalmado si Syrel. Sanay na siya. Magaling siyang magtago ng nararamdaman, lalo na pagdating sa propesor niya. Tahimik lang siyang ngumiti at ibinalik ang tingin sa mga papel, pilit na pinapakalma rin ang tibok ng puso niya.Alam ni Syrel ang hangganan. Hindi dapat. Hindi puwede. May linya sa pagitan nila na bawal tawirin, isang linya na araw-araw niyang pinipiling igalang. Hindi siya nagtatanong tungkol sa personal na buhay nito, kung may babae ba, kung may karelasyon ba o wala. Dahil ayaw niyang makialam. Ayaw niyang makasira. At higit sa lahat, ayaw niyang ipakita na unti-unti na siyang nahuhulog sa binatang ilang beses na niyang nagamit sa sariling kagipitan.Para kay Syrel, sapat na ang tulong ni Ederson. Hindi dapat lumampas doon. Alam niyang kasalanan na ang nangyari sa kanila, ang pakikipag-ugnayan sa sariling propesor. At mas lalo niyang ayaw na madamay pa ito sa mga problema niya. Kaya pinili niyang manahimik…

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER TWENTY-FIVE

    THIRD PERSON:Tahimik ang buong classroom.Si Syrel, seryoso, nakayuko, kinokopya ang lecture sa pisara.Walang kaarte-arte.Walang kamalay-malay sa epekto niya sa propesor.At si Ederson?Nakatayo sa harap… kunyari nag-aayos ng marker…Pero ang totoo, nakamasid sa likod ng klase.Doon niya nakita ang maliit na galaw, ang pagtayo ni Nicolas…ang paglapit nito kay Syrel… at ang pag-upo nito sa tabi ng dalaga na parang walang takot sa mundo.Parang may biglang kumurot ng madiin sa sikmura niya."Aba't ang pasaway!!! Umupo ka pa talaga diyan, Nicolas? At bakit kailangan katabi? Ano ‘yon, kailangan dikit na dikit?"Kinakalma niya ang sarili, pero sa loob-loob niya, nag-iinit na ang tenga niya sa inis.“Hi, Syrel,” bulong ni Nicolas, na para bang sinadyang hinaan ang boses para hindi marinig ng iba, pero narinig ni Ederson.Narinig.At kinuyom niya ang panyo sa bulsa.“Uhmm… tapos mo na ba ‘yong sa Chemistry natin?”“Hindi pa,” sagot ng dalaga, hindi man lang tumingin. “Nahihirapan ako. Wa

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER TWENTY-FOUR

    THIRD PERSON:Maaga pa lang ay gising na si Ederson. Mabilis siyang napabalikwas mula sa kama dahil sa gulat-baka wala na naman si Syrel sa tabi niya, tulad ng ilang beses nang nangyari. Pero nang lumingon siya at makita ang dalaga, nakatalukbong ng kumot at mahimbing na humihinga… para siyang nakahinga nang malalim.Nandito siya. Hindi siya umalis.At dahil doon, hindi na siya muling nakatulog.Imbes, bumangon siya, inayos ang sarili, at nagluto ng almusal. Unang beses nilang sabay na kakain ng totoong breakfast. Noong mga nakaraan, palagi na lang siyang nauunang magising nang wala ang dalaga. Kaya ngayon, gusto niya maging espesyal-even in the simplest way.Habang nililipat niya sa kawali ang fried rice, narinig niya ang mahinang paglakad. Paglingon niya, halos mabitawan niya ang sandok.Si Syrel… suot ulit ang oversized niyang T-shirt. At naka panty lang. Magulo ang buhok, bagong gising ang mata na lalong nagpasingkit sa kanya, pero sapat para umakyat ang init sa katawan niya.Pini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status