Share

CHAPTER FOUR

last update Last Updated: 2025-11-07 15:22:57

THIRD PERSON:

Lumipas ang susunod na mga subject na parang hangin lang kay Xyrel. Tahimik siya sa bawat klase — nakikinig, nagsusulat, pero halos hindi nagsasalita. Sa tuwing tinatawag ng guro ang kanyang apelyido, kung hindi naman siya pinapasagot marahan lang siyang tumatango at muling ibinabaling ang tingin sa kanyang notebook.

Tahimik. Palaging tahimik.

Pagdating ng recess, nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. Ang ilan ay sabik na pumunta sa canteen, ang iba naman ay nagkukumpulan sa hallway. Si Xyrel, gaya ng dati, mahinahon lang na nagligpit ng gamit at tumingin sa bintana. Plano sana niyang mag-isa lang kumain, pero bago pa siya makatayo, may tumawag sa kanya.

“Xyrel! Sama ka sa amin sa canteen!” masiglang tawag ng isang babaeng may maiksi at nakapusod na buhok.

Napatingin si Xyrel sa ID nito. Jerelyn Montecarlo, 4th Year Daffodil.

Saglit siyang natigilan bago ngumiti ng tipid. “Ah, okay lang po, salamat…” mahina niyang sagot.

Pero hindi na hinintay ni Jerelyn ang pagtanggi niya.

“Ay naku, wala nang okay lang-okay lang! Halika na, ‘wag kang mahiya. Transferre ka, ‘di ba? Ako na bahala sa’yo!”

Hindi na siya nakatanggi pa. Sa kabila ng hiya, sumunod siya rito habang naglalakad palabas ng classroom.

Habang naglalakad sa pasilyo, napansin ni Xyrel kung gaano kaingay at kasaya ang paligid. Iba ang mundo rito — mas magulo, mas maingay, pero sa isang banda, mas buhay. Samantalang si Jerelyn, tila hindi nauubusan ng energy. Kung anu-ano ang ikinukwento nito — tungkol sa mga teachers, mga kaklase.

“Alam mo, Xyrel,” sabi nito habang paakyat sa hagdan, “tour guide mo ako ngayon! Pero ako rin ang maglilibre ng snacks mo, ha? Kaya dapat samahan mo talaga ako.”

Bahagyang natawa si Xyrel, unang pagkakataong napansin niyang gumaan ang pakiramdam niya. “Hindi na po kailangan—ah, este, okay lang po. May dala naman akong baon.”

“Sus!” natawa si Jerelyn, “Walang po-po dito! Magkaklase tayo, hindi ako teacher!”

Napailing na lang si Xyrel, ngunit halata sa mga mata niya ang bahagyang aliw. Open naman talaga siya sa pagkakaibigan, pero hindi siya agad nagtitiwala. Lagi muna niyang pinagmamasdan ang ugali ng taong lumalapit sa kanya—kung totoo ba ang kabaitan nito o pakitang-tao lang. At sa maikling oras pa lang nila ni Jerelyn, pakiramdam niya ay may likas itong kabuting puso.

Pagdating nila sa canteen, halos puno na ang mga mesa. Ang amoy ng mainit na pansit, tinapay, at fried lumpia ay naghalo sa hangin. Si Jerelyn ay agad na humila ng tray at nagsimula nang pumili ng pagkain.

“Ako nga ang maglilibre ng snacks mo,” masiglang ulit ni Jerelyn. “So, ano gusto mo?”

Tahimik na tumingin si Xyrel sa mga nakahilera sa estante. May tinapay, chips, burger, at juice. Pero agad na nakuha ng kanyang pansin ang isang bagay — banana chips. Paborito niya iyon noon pa, tuwing bibili ang kanyang ama ng pandesal, madalas ay may kasamang banana chips para sa kanya.

“Ito na lang po—ah, ito na lang pala,” sabi niya, marahang kinuha ang isang supot.

“Drinks?” tanong ni Jerelyn.

“Tubig na lang,” maikli niyang sagot.

Napakunot ang noo ni Jerelyn, pero natawa rin. “Ang tipid mo naman, parang ikaw ang tour guide ko ah.”

Napangiti si Xyrel, bahagya lang ngunit totoo.

“Okay, ako na magbabayad!” sabi ni Jerelyn, sabay abot ng pera sa cashier. “Sa susunod ikaw naman, ha?”

Tahimik lang si Xyrel habang pinagmamasdan siya. Sa gitna ng maingay na canteen, tila nagkaroon ng maliit na mundo sa pagitan nilang dalawa — isa na puno ng kabaitan, at isang ngiti na unti-unting nagpapalambot sa pader na itinayo ni Xyrel sa kanyang paligid.

“Salamat, Jerelyn,” mahina niyang sabi nang makaupo sila.

Ngumiti ito. “Walang anuman! Basta dito sa Daffodil, magkakaibigan tayong lahat.”

At sa unang pagkakataon mula nang lumipat siya ng paaralan, naramdaman ni Xyrel ang isang bagay na matagal na niyang hindi naramdaman — ang pakiramdam ng hindi nag-iisa.

*****

Pagkalipas ng ilang oras habang naglalakad si Prof. Ederson sa hallway patungo sa faculty room, nadaanan niya ang silid kung saan kasalukuyang nagkaklase si Xyrel para sa English subject.

Huling subject na nila noon—English. Habang naglalakad siya sa hallway, napahinto siya sandali nang mapansin si Xyrel sa loob ng silid.

Tahimik lang ang dalaga sa inuupuan niya, tila walang kamalay-malay sa paligid. Nakatukod ang siko nito sa mesa habang inaayos ang mahaba nitong buhok. Kagat-kagat pa nito ang ballpen, wari’y iyon pa ang gagamitin niyang panali.

Bahagyang kumunot ang makakapal na kilay ni Ederson. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa kakaibang diskarte ng dalaga.

“Ballpen? Talaga?” mahina niyang usal sa sarili, ngunit hindi rin niya naiwasang mapatitig.

Ang bawat galaw ni Xyrel ay parang mabagal naman sa paningin niya—ang dahan-dahang paghawi nito ng buhok, ang malambot na kumpas ng kamay habang iniikot-ikot ang ballpen para itali ang mahabang buhok. Nang tuluyang umikot iyon sa buhok niya, may ilang hibla pang nakawala at tumabing sa gilid ng tenga niya—eksaktong tumama sa liwanag mula sa bintana.

Parang sinadya ng pagkaka style na i-highlight ang mukha ng dalaga—simple pero may kakaibang dating.

Sandaling napatigil si Ederson, parang nalimutan kung saan siya patungo.

Napailing siya sa sarili, saka marahang napangiti. “Anong ginagawa mo, Ederson?” bulong niya, pilit nilalabanan ang kakaibang kuryenteng gumapang sa dibdib niya.

Muli siyang naglakad, ngunit bago tuluyang makalagpas, napatingin pa siya saglit.

Nandoon pa rin si Xyrel—nakasubsob na sa notes niya, parang walang pakialam sa mundo.

At doon niya napagtanto, iba ang dalagang ito. Tahimik, pero may kung anong misteryo sa likod ng bawat kilos.

Tahimik siyang lumakad palayo, dala ang isang ngiti na siya mismo ay hindi maipaliwanag.

Nagtungo siya sa faculty room dala pa rin ang notebook ni Xyrel. Habang naglalakad siya, naaalala pa rin niya ang simpleng ayos ng dalaga — kung paanong kagat-kagat nito ang ballpen habang tinatali ang mahaba nitong buhok, at kung paanong parang walang pakialam si Xyrel sa mga matang nakatingin sa kanya.

Pagdating niya sa faculty, nadatnan niya si Mrs. Felisa Ramos, ang Head Teacher ng Senior High Department, na abala sa pag-aayos ng ilang kahon sa mesa.

“Oh, Ederson! Buti nandito ka,” bati ni Mrs. Ramos habang pinupunasan ang pawis sa noo. “Sakto, may ipapasa sana ako sa ‘yo.”

Lumapit siya. “Ano po ‘yon, Ma’am?”

“Itong mga bagong dating na uniporme at school supplies para sa transferee mo — si Rivera, tama ba?” sabi nito habang binubuklat ang isang listahan. “Ito ‘yong para sa kanya. Ano nga ulit ang size niya, medium ba or small?”

Sandaling napaisip si Ederson, naaalala ang payat na katawan ni Xyrel sa ilalim ng lumang t-shirt at kupas na maong.

“Hmm… I think small po,” sagot niya, may halong mahinang ngiti.

“Okay, lagay ko na lang dito,” sabi ni Mrs. Ramos habang inilalagay sa isang maliit na paper bag ang blouse, palda at puting t-shirt  at ilang bagong gamit—isang set ng notebook, ballpen, pencil, at ruler. “Pakibigay na lang sa kanya mamaya. Alam kong transferee siya at mukhang wala pa siyang kumpletong gamit.”

Kinuha iyon ni Ederson at bahagyang tumango. “Opo, Ma’am. Ako na pong bahala.”

Habang binibitbit niya ang paper bag palabas ng faculty room, hindi niya maiwasang mapangiti muli.

Parang may kung anong bigat sa mata ng batang ‘yon… pero parang may tapang din.

Muling bumilis ang tibok ng dibdib niya—hindi dahil sa paghanga lang, kundi sa kakaibang pagnanais na mas makilala pa ang estudyanteng tila may dalang kwento sa likod ng bawat ngiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER EIGHT

    THIRD PERSON:Pagkatapos ng klase, mabilis ang oras, pero para bang ang bawat minuto ay mas pinapatagal ng titig ni Prof. Ederson kay Xyrel. Napansin niya kung gaano ito kabilis sumagot sa mga tanong, at kung paano nito ipaliwanag ang mga solusyon na parang matagal na niyang alam. Hindi lang siya ang humanga — halos buong klase ay napahanga rin.“Grabe, ang galing ni Rivera,” bulong ng isa sa mga kaklase.“Tinalo si Nicolas sa recitation!” singit pa ng isa, sabay tawa.Napansin ni Ederson ang bahagyang pag-igting ng panga ni Nicolas. Sa una’y tahimik lang ito, pero habang lumilipas ang oras, halatang naiirita na. Sa bawat sagot ni Xyrel, tila bumibigat ang titig nito, at unti-unti ay nawawala ang sigla sa kanyang mukha.Nang matapos na ang klase, agad na nagligpit ng gamit si Xyrel. Gusto niyang umuwi nang maaga, pero bago pa man siya makalayo sa classroom, tinawag siya ni Jerelyn.“Girl, sabay tayo mamaya ha? Kaso. pupunta pa ako guidance, mauna ka na lang kung gusto mo.”Ngumiti lan

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER SEVEN

    THIRD PERSON:Pagdating nila sa canteen, agad silang sinalubong ng amoy ng bagong lutong pagkain at ang maingay na tawanan ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa bawat mesa.Habang naglalakad papasok, ilang estudyante ang napatingin sa kanila. “Good morning po, Sir Ederson!” bati ng isa. “Sir, ang pogi niyo na naman today!” sigaw pa ng isa, sabay tawa ng barkada nito.Ang iba nama’y palihim na nagbubulungan at kinikilig habang sinusundan ng tingin ang kanilang guro. Napailing lang si Prof. Ederson, pero hindi maitago ang ngiting pilit niyang pinipigil. “Ang kukulit talaga ng mga ‘yon,” mahina niyang sabi.Tahimik lang si Xyrel sa tabi, bahagyang yumuko at nagkunwaring abala sa paghawak ng notebook na dala niya. Sanay siya sa mga ganitong eksena—pero iba ngayon, dahil kasama siya ni Prof. Ederson.“O, Rivera,” sabi ni Prof. habang huminto sa tapat ng counter. “Pili ka na ng gusto mong kainin."Sandaling natigilan si Xyrel. Ilang segundo siyang nakatitig sa mga pagkain, tila di alam kun

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER SIX

    THIRD PERSON:“Okay, class!” malakas niyang sabi, sabay hampas ng marker sa mesa para makuha ang atensyon ng lahat. “Gaya nga ng sabi ko sa inyo kahapon. Bago tayo magsimula ng bagong lesson, may mini quiz tayo ngayon. Alam niyo na ‘yan — unang makakapagpasa ng tamang sagot, may libreng snacks mamaya sa canteen. Treat ko!”“Yesss!” halos sabay-sabay na sigaw ng mga estudyante.“Prof, burger ulit ah!” sigaw ng isa.“Sir, dapat milk tea naman ngayon!” biro ng isa pa.Napailing lang si Ederson habang natatawa. “Tingnan muna natin kung may makakakuha ng perfect score bago kayo manghingi ng burger o milk tea, ha.”Pagkatapos ay sinulat niya sa pisara ang mga tanong — puro algebra, pero may twist na pang-matalino.Habang nagsusulat, napansin niya si Xyrel na tahimik lang sa kanyang upuan, seryosong nakatitig sa mga equation, ballpen sa kamay.Hindi ito sumasabay sa ingay ng iba.“Okay, you have ten minutes,” sabi niya. “Time starts… now!”Agad nag-ingay ang buong klase, kanya-kanyang sulat a

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER FIVE

    THIRD PERSON:Paglabas ni Xyrel ng classroom, bitbit niya parin ang lumang bag niya sa dibdib, muntik na siyang mabangga sa isang pares ng malalaking braso.“Ay—sorry po, Sir,” mabilis na sabi ni Xyrel habang agad na yumuko.Ngumiti lang si Ederson at iniabot ang hawak na paper bag.“Okay lang. Buti na lang at naabutan pa kita. Ito oh..." inabot niya ang hawak hawak niyang paper bag kay Syryl. "Para sa’yo ‘to,” sabi niya.Napatingin si Xyrel sa bag, halatang naguguluhan. “Po?”“Uniform mo,” paliwanag ni Ederson. “Libre talaga ‘yan dito sa school, pati ‘yong mga gamit sa loob. May notebook na rin diyan, kaya huwag mo nang isipin. Nanjan na rin yong hiniram kung notebook.”Tahimik lang si Xyrel habang tinatanggap ang bag. “Ah... salamat po, Sir.”Ngumiti si Ederson, bahagyang tumango. “Walang anuman. Basta kung may kulang pa, sabihin mo lang sa akin, ha?”“Opo, Sir.”“Good. Sige, ingat ka pauwi,” sabi ni Ederson bago siya tumalikod at naglakad palayo, habang si Xyrel naman ay maingat na

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER FOUR

    THIRD PERSON:Lumipas ang susunod na mga subject na parang hangin lang kay Xyrel. Tahimik siya sa bawat klase — nakikinig, nagsusulat, pero halos hindi nagsasalita. Sa tuwing tinatawag ng guro ang kanyang apelyido, kung hindi naman siya pinapasagot marahan lang siyang tumatango at muling ibinabaling ang tingin sa kanyang notebook.Tahimik. Palaging tahimik.Pagdating ng recess, nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante. Ang ilan ay sabik na pumunta sa canteen, ang iba naman ay nagkukumpulan sa hallway. Si Xyrel, gaya ng dati, mahinahon lang na nagligpit ng gamit at tumingin sa bintana. Plano sana niyang mag-isa lang kumain, pero bago pa siya makatayo, may tumawag sa kanya.“Xyrel! Sama ka sa amin sa canteen!” masiglang tawag ng isang babaeng may maiksi at nakapusod na buhok.Napatingin si Xyrel sa ID nito. Jerelyn Montecarlo, 4th Year Daffodil.Saglit siyang natigilan bago ngumiti ng tipid. “Ah, okay lang po, salamat…” mahina niyang sagot.Pero hindi na hinintay ni Jerelyn ang pagt

  • ACADEMIC AFFAIRS [SPG]   CHAPTER THREE

    THIRD PERSON:Tahimik na muling bumalot sa klase matapos maupo si Xyrel sa pinakadulong bahagi ng silid. Pagbukas niya ng bag, saka niya napansin ang nakatiklop na uniporme sa loob—doon niya lang naalala na nakalimutan pala niyang magpalit bago pumasok.Samantala, kinuha naman ni Prof. Ederson ang chalk at nagsimulang magsulat sa pisara. Ang mga estudyante ay abala sa pagkopya ng mga notes, habang si Xyrel ay tahimik lang na nakatingin, sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng guro—tila sinisikap unawain hindi lang ang aralin, kundi pati ang misteryosong awra ng taong nasa harap ng klase.“Okay, class,” sabi ni Prof habang patuloy na sumusulat, “balikan natin ang lesson natin kahapon tungkol sa quadratic equations. Sino ang nakakaalala kung paano i-factor ito?”Nagtaas ng kamay ang ilang estudyante, sabay-sabay na nagsigawan ng sagot. “Ako po, Sir!” “Sir, ako rin po!”Napailing si Prof, bahagyang natawa. “Isa-isa lang, mga bata. Hindi ito karera.”Habang tumatawa ang buong klase, nakat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status