LOGINTHIRD PERSON:
Tahimik na muling bumalot sa klase matapos maupo si Xyrel sa pinakadulong bahagi ng silid. Pagbukas niya ng bag, saka niya napansin ang nakatiklop na uniporme sa loob—doon niya lang naalala na nakalimutan pala niyang magpalit bago pumasok.
Samantala, kinuha naman ni Prof. Ederson ang chalk at nagsimulang magsulat sa pisara. Ang mga estudyante ay abala sa pagkopya ng mga notes, habang si Xyrel ay tahimik lang na nakatingin, sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng guro—tila sinisikap unawain hindi lang ang aralin, kundi pati ang misteryosong awra ng taong nasa harap ng klase.
“Okay, class,” sabi ni Prof habang patuloy na sumusulat, “balikan natin ang lesson natin kahapon tungkol sa quadratic equations. Sino ang nakakaalala kung paano i-factor ito?”
Nagtaas ng kamay ang ilang estudyante, sabay-sabay na nagsigawan ng sagot. “Ako po, Sir!” “Sir, ako rin po!”
Habang tumatawa ang buong klase, nakatingin lang si Xyrel sa pisara, sinusundan ng mata ang bawat letrang sinusulat ng guro — x² + 5x + 6 = 0.
“Okay,” ani ni Prof Ederson, “para mas madali, ito ang ipapagawa ko. Isa sa inyo ang lalapit at sasagutin ‘to sa pisara.”
Napatawa si Prof. “Tama na ‘yan. Brian, ikaw na nga.”
“Ah, teka lang, Brian. Rivera, okay lang kahit ‘di mo pa ito masasagutan—”
“Tapos na po ako.”
Napatingin ang buong klase sa kanya. Tahimik. Para bang natigil ang hangin sa loob ng silid.
Lumapit si Xyrel sa harapan, marahang inilapag ang notebook sa mesa ni Prof, saka lumapit sa pisara. Kinuha niya ang chalk mula sa kamay ng guro at sinimulang isulat ang solusyon.
Tahimik ang buong klase habang pinapanood siya. Ang kamay niya ay sanay na sanay — maingat ang bawat sulat, maayos ang linya, at dire-diretso ang proseso.
“x² + 5x + 6 = 0”
Pagkatapos ay humarap siya kay Prof Ederson, mahina ngunit malinaw ang boses.
Nakatitig lamang sa kanya si Prof, halatang nagulat. Tila hindi makapaniwala sa bilis at linis ng pagkakasagot. Ilang segundo rin siyang natahimik bago napangiti.
“Well…” bahagyang natawa ito. “Mukhang may bago akong kakompetensiya sa Math dito, ah.”
Tumawa ang ilang estudyante, ngunit si Xyrel ay bahagyang namula sa hiya.
“Impressive, Rivera,” sabi ni Prof Ederson na may ngiting may halong paghanga. “Sige, umupo ka na. At kung ganito palagi, mukhang kailangan ko nang maghanda sa mga recitation natin.”
Tahimik na bumalik si Xyrel sa kanyang upuan, bitbit ang notebook. Ngunit sa kanyang dibdib, may kakaibang init — hindi lang dahil sa hiya, kundi dahil sa kakaibang pakiramdam ng pagkapanatag. Sa unang araw pa lang niya, may nakapansin na agad.
Si Prof Ederson naman, habang ipinagpapatuloy ang lesson, ay hindi mapigilang mapatingin muli sa kanya paminsan-minsan — may halong curiosity at paghanga.
At sa loob ng klase, habang nagbubura siya ng pisara, isang ngiti ang bahagyang sumilay sa kanyang labi.
****
Pagkatapos ng maikling recitation, nagpatuloy ang klase nila sa Math. Tahimik si Xyrel, pero ramdam ni Prof. Ederson na nakikinig siya sa bawat paliwanag — sinusundan ng mata ang bawat linya ng equation na isinusulat niya sa pisara. Habang ang iba ay nagbubulungan o abala sa kanilang papel, si Xyrel naman ay nakayuko, mabilis ang kamay sa pagsusulat.
“Okay, class, last example na tayo,” sabi ni Prof habang sinusulat ang bagong problem. “Pagkatapos nito, quiz na agad tayo bukas, ha? So make sure to review your notes.”
“Sir naman!” sabay-sabay na reklamo ng mga estudyante.
Muling sumigla ang silid. Ngunit sa gitna ng ingay, hindi maiwasang mapatingin ni Ederson sa dulo ng klase. Si Xyrel — tahimik, seryoso, tila ba wala sa paligid niya ang iba. May kung anong misteryong bumabalot sa kanya. Hindi siya tulad ng karamihan ng estudyante—hindi takot sa tanong, hindi rin nagyayabang.
Natapos din ang oras, at isa-isang nagligpit ng gamit ang mga estudyante.
Habang palabas na ang lahat, napansin niyang nakabukas pa ang notebook ni Xyrel sa desk nito. Lumapit siya, bahagyang nag-aalangan.
Napatingin si Xyrel, medyo nagulat. “Po?”
“Pahiram muna ‘tong notebook mo, ha?” sabi ni Prof, marahang kinuha ang maliit na kwaderno mula sa mesa. “Gusto ko lang makita kung paano ka nagle-lecture dati sa dating school mo. Maganda kasi ‘yung paraan mo ng pag-solve kanina.”
Bahagyang namula si Xyrel. “Ah…. Sige po.”
“Salamat,” tugon ni Prof, at sa unang pagkakataon ay may kakaibang lambing sa tono ng kanyang boses — hindi na lang boses ng guro, kundi parang interesadong tao na gustong mas makilala pa siya.
Habang palabas ng classroom si Prof Ederson, hawak-hawak pa rin niya ang notebook ni Xyrel. Binuklat niya iyon habang naglalakad sa pasilyo papunta sa susunod niyang klase.
Maayos ang sulat. Malinis. Puno ng mga formula, diagram, at paliwanag na siya mismo ay bihirang makita sa isang estudyante.
Ngunit habang binabuklat bawat pahina hanggang dulo, napansin niyang na hindi tungkol sa Math — sa huling pahina ay may mga guhit ng ulap, may ilang tula ang nakasulat sa ibaba ng ulap.
“‘Minsan, gusto ko ring maramdaman ulit ang tawag ng umagang hindi puno ng sigaw.’”
Saglit siyang natigilan.
Ilang sandali pa, itinupi niya ang notebook at tumingin sa labas ng bintana. Isang ngiti naman ang sumilay sa labi ni Prof. Ederson.
THIRD PERSON:Natahimik si Ederson nang ilang segundo matapos marinig ang sinabi ni Syrel tungkol sa bangka.Parang may kung anong kumurot sa dibdib niya, takot, pag-aalinlangan, at ‘yung pag-asang ayaw na niyang amining nararamdaman niya.Dahan-dahang hinaplos ni Ederson ang kamay ni Syrel.“Syrel…”mahina pero mabigat.Bahagya nitong kinagat ang ilalim ng labi, pilit na pinipigil ang sariling emosyon.“Hindi ko alam… hanggang kailan mo ako kakailanganin.”Tumawa siya nang mahina, pero halatang pilit lang.“Hindi ko rin alam kung… hanggang kailan kita puwedeng hawakan nang ganito.”Napayuko si Syrel.Parang gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung saan magsisimula.Kaya itinuloy ni Ederson, mas malumanay, mas totoo:“Pero hangga’t nandito ka… hangga’t nagpapakita ka sa’kin…”Lumapit pa siya, halos magdikit na ang kanilang noo.“…hinding-hindi kita bibitawan.”Napasinghap si Syrel, ramdam ang mainit na hininga ng binata.Hindi sila gumalaw, pero parang umiikot ang mundo sa pagi
THIRD PERSON:Pagpasok nilang tatlo sa bookstore, agad namang naaliw si Jerelyn sa shelves ng school supplies.“Dito muna ako sa pens section, guys!” masiglang sabi ni Jerelyn.Malinaw na binibigyan niya ng space ang dalawa.Naiwan sa aisle ng mga libro sina Ederson at Syrel.Habang pumipili si Syrel ng reference books, napapansin niya ang kakaibang katahimikan ni Ederson sa tabi niya na hindi tahimik na normal, kundi tahimik na may binabalak.“Sir, ito po bang—”Hindi niya natapos.Biglang hinawakan ni Ederson ang pulso niya, mabilis pero maingat, at hinila siya papunta sa pagitan ng dalawang matataas na shelf, iyong parte ng bookstore na bihira ang tao.Bago pa siya makapag-react…Smack.Isang mabilis, mainit, pero sobrang nakaw na halik ang dumapo sa labi niya.Nanlaki ang mata ni Syrel, literal na parang napako sa kinatatayuan niya.“E-Ederson!” mahina pero tarantang bulong niya.“Pasaway ka talaga… baka may makakita sa atin!”Hinampas niya ito sa balikat, marahan pero may halong
THIRD PERSON:“Di ka pa rin umaamin sa kanya?” tanong ni Jerelyn, hindi man lang tumitingin dahil abala sa pagsusulat ng notes. Pero ramdam niya ang bigat sa hangin, iyong bigat na nanggagaling sa kaibigang ilang linggo nang tahimik.Narinig ni Syrel ang buntong-hininga ni Jerelyn. At alam niyang malapit na itong sumabog sa inis sa katigasan ng ulo niya.“Paano, Syrel?” tuloy ni Jerelyn. “Talagang pipigilan mo na lang ba ang puso mo sa nararamdaman mo kay Prof?”Napatigil si Syrel sa pagsulat. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ballpen bago tumingin sa mesa. May pilit na ngiti sa labi niya, iyong ngiting may tapang pero may lungkot.“Siguro… ito lang ang tama.” Mahina pero malinaw.Napatingin si Jerelyn, at doon niya nakita ang mata ng kaibigan, pagod, puno ng sikreto, at puno ng pakikipaglaban sa sarili.Isa pa siyang buntong-hininga. Wala na siyang masabi. Tumahimik na lang siya.Habang nakayuko, bigla na lang nagsalita si Syrel, mas malalim, parang matagal nang nakaipit sa dibdib
THIRD PERSON:Pero kahit halata kay Ederson ang selos, nanatiling kalmado si Syrel. Sanay na siya. Magaling siyang magtago ng nararamdaman, lalo na pagdating sa propesor niya. Tahimik lang siyang ngumiti at ibinalik ang tingin sa mga papel, pilit na pinapakalma rin ang tibok ng puso niya.Alam ni Syrel ang hangganan. Hindi dapat. Hindi puwede. May linya sa pagitan nila na bawal tawirin, isang linya na araw-araw niyang pinipiling igalang. Hindi siya nagtatanong tungkol sa personal na buhay nito, kung may babae ba, kung may karelasyon ba o wala. Dahil ayaw niyang makialam. Ayaw niyang makasira. At higit sa lahat, ayaw niyang ipakita na unti-unti na siyang nahuhulog sa binatang ilang beses na niyang nagamit sa sariling kagipitan.Para kay Syrel, sapat na ang tulong ni Ederson. Hindi dapat lumampas doon. Alam niyang kasalanan na ang nangyari sa kanila, ang pakikipag-ugnayan sa sariling propesor. At mas lalo niyang ayaw na madamay pa ito sa mga problema niya. Kaya pinili niyang manahimik…
THIRD PERSON:Tahimik ang buong classroom.Si Syrel, seryoso, nakayuko, kinokopya ang lecture sa pisara.Walang kaarte-arte.Walang kamalay-malay sa epekto niya sa propesor.At si Ederson?Nakatayo sa harap… kunyari nag-aayos ng marker…Pero ang totoo, nakamasid sa likod ng klase.Doon niya nakita ang maliit na galaw, ang pagtayo ni Nicolas…ang paglapit nito kay Syrel… at ang pag-upo nito sa tabi ng dalaga na parang walang takot sa mundo.Parang may biglang kumurot ng madiin sa sikmura niya."Aba't ang pasaway!!! Umupo ka pa talaga diyan, Nicolas? At bakit kailangan katabi? Ano ‘yon, kailangan dikit na dikit?"Kinakalma niya ang sarili, pero sa loob-loob niya, nag-iinit na ang tenga niya sa inis.“Hi, Syrel,” bulong ni Nicolas, na para bang sinadyang hinaan ang boses para hindi marinig ng iba, pero narinig ni Ederson.Narinig.At kinuyom niya ang panyo sa bulsa.“Uhmm… tapos mo na ba ‘yong sa Chemistry natin?”“Hindi pa,” sagot ng dalaga, hindi man lang tumingin. “Nahihirapan ako. Wa
THIRD PERSON:Maaga pa lang ay gising na si Ederson. Mabilis siyang napabalikwas mula sa kama dahil sa gulat-baka wala na naman si Syrel sa tabi niya, tulad ng ilang beses nang nangyari. Pero nang lumingon siya at makita ang dalaga, nakatalukbong ng kumot at mahimbing na humihinga… para siyang nakahinga nang malalim.Nandito siya. Hindi siya umalis.At dahil doon, hindi na siya muling nakatulog.Imbes, bumangon siya, inayos ang sarili, at nagluto ng almusal. Unang beses nilang sabay na kakain ng totoong breakfast. Noong mga nakaraan, palagi na lang siyang nauunang magising nang wala ang dalaga. Kaya ngayon, gusto niya maging espesyal-even in the simplest way.Habang nililipat niya sa kawali ang fried rice, narinig niya ang mahinang paglakad. Paglingon niya, halos mabitawan niya ang sandok.Si Syrel… suot ulit ang oversized niyang T-shirt. At naka panty lang. Magulo ang buhok, bagong gising ang mata na lalong nagpasingkit sa kanya, pero sapat para umakyat ang init sa katawan niya.Pini







