"KAEL, meet your Uncle Adrian," nakangiting sabi ni Gilbert habang papalapit kay Adrian. Bahagyang nagulat si Adrian nang mamukhaan ang batang karga ng ama niya. "Siya ang apo mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Adrian. "Yes," tila may pagmamalaking tugon ni Gilbert. "Magdadalawang taon na siya," dagdag pa nito at tumingin kay Adrian. Napatitig siya sa bata na mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama at nakatitig kay Adrian na tila kinikilala ang bagong mukha nito. Pakiramdam niya ay may kumukurot sa puso niya habang pinagmamasdan ang mag-lolo. "Dada, plane," biglang sambit ni Kael at itinaas ang kamay na para bang inaabot si Adrian. "It's Uncle Adrian, apo." nakangiting wika ni Gilbert at hinalikan sa noo ang bata. "I saw him at the airport last week. I bumped into him... he looked like he’d escaped from his nanny. What were they doing there?" curious na tanong ni Adrian habang nakatitig pa rin sa bata. "Oh really? Maybe he recognized you," tila hindi makapaniwala din si
Last Updated : 2025-11-03 Read more