LOGIN
Marahang sinasabon ni Alexa ang buong katawan gaya ng bilin ni Odessa, ang baklang kilalang bugaw sa kanilang lugar at siya rin katransaksyon ng lalaking makakasiping niya ngayong gabi. Ilang ulit umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang naging kasunduan nila. Limang Milyon… Limang Milyon ang halaga ng kaniyang puri!
“S…sigurado ka ba Odessa kaya talagang magbigay ng lalaking kausap mo ng Limang Milyon?” may pag-aalala niyang tanong kanina lang. “Siyempre naman! Matagal na ako sa ganitong trabaho no! Alam ko sa amoy at tindig pa lang kung me pera o wala! Ang swerte mo nga e nung ipakita ko yung picture mo kay Mr. D wala na siyang naging say sa 5 million na request mo!” maarteng sabi ni Odessa. Isang kilala at mayamang tao raw ang estranghero at barya lang sa kaniya ang halagang kaya niyang ibigay kay Alexa ngunit pihikan ito sa babae dahil ang gusto nitong makasiping ay isang birhen. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Alexa kasunod ng pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mat ana humalo sa tubig na ibinubuga ng dutsa. Ano nga ba itong napasukan niya? Kapit sa patalim? Marahil sa paningin ng ibang tao ay pangungutya pa ang kaniyang sasapitin. Sino nga ba ang babae na makakayang ipagkaloob ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Isa siyang matinong babae at huwaran sa mga kabataan dahil siya ay isang guro. Nararapat lang na magandang asal ang kaniyang ituro ngunit ano ang ginagawa niya sa silid na ito? Sapat na nga ba ang pagmamahal upang yurakan ang sariling dangal? Isa lang ang malinaw sa kaniya sa ngayon at iyon ay hindi niya kakayanin kung mamatay si Jake! Buong buhay niya si Jake ang kaniyang kasama. Mula pagkabata simula nang kupkupin siya at pag-aralin ng nanay nito hanggang sa maging ganap na siyang guro. Paano ba niya magagawang talikuran ang lalaki? Limang milyon kapalit ng isang gabing paglulublob sa putikan! Huminga siya nang malalim at pinuno ng hangin ang dibdib. Ngayon higit kailanman kailangan siya ni Jake at ng Nanay Sylvia nito. Wala nang ibang paraan. Ito na lang ang natitira! Bahala na kung ano ang magiging kapalit ng lahat ng sakripisyo niyang ito. Sa ngayon ang buhay ni Jake ang higit na mahalaga! Tumatakbo ang oras. Alam niyang hindi ooperahan sa ospital nan iyon ang kaniyang kasintahan hanggang wala ang halaga na kinakailangan! Sa panahon ngayon lalo pa sa isang maselan na operasyon sa isang pribadong ospital ay napakaistrikto na pagdating sa bayaran ng bills. Nang masiguro niya na malinis na ang buo niyang katawan ay nagpasya na siyang lumabas mula sa bathroom. Bumungad sa kaniya ang pulang lingerie sa ibabaw ng malapad na kama na sobrang nipis gawa iyon sa silk na may katerno na red rin na t-back. Nangilabot siya. Pakiramdam niya ay nasa tabi lamang ng kaniyang tenga ang kaniyang puso sa lakas ng pagtibok noon. Alam niyang ito ang nais ng lalaking nakatadhana na umangkin sa kaniya ngayong gabi. Malakas at malamig ang aircon sa condo unit na ito ngunit pakiramdam niya ay bigla siyang pinagpawisan. Ngayon lamang siya makapagsusuot ng ganito kaikli at kanipis na kasuotan pero taliwas sa imahinasyon niya noon hindi pala magiging para kay Jake ang lahat. Ang buong akala niya si Jake lamang ang lalaki na pagkakalooban niya ng sarili ngunit mas lalong hindi pala! Isinuot niya ang manipis na pantulog na tanging tumatakip sa kaniyang kahubaran ngunit hindi pa rin naman ganap na maikubli ang kaniyang hinaharap sapagkat aminado siya na nabiyayaan siya ng malusog na dibdib. “Wow!” tili ni Odessa na noon pala ay nasa likuran na niya. Hindi na niya namalayan pa ang pagpasok nito sa silid. “Hay Alexa talaga namang napakaganda ng hubog ng iyong katawan! Kung ako si Mr.. ah…. Hmmm ikababaliw ko ang kagandahan ng mukha at katawan mo sa sandaling makita kita! Salamat at pumayag ka dahil natitiyak ko na malaki rin ang komisyon ko sa’yo! O basta galingan mo mamaya ha?!” maarteng wika ng bakla habang sinusuklayan siya nito mula sa likuran. Pakiramdam niya ay may kung anong nakabara sa kaniyang lalamunan habang minamasdan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Pinilit niyang ikubli ang mga luha na ibig umalpas mula sa kaniyang mga mata. Kailangan niya na maging matapang! Para kay Jake! Kailangan siya ni Jake! “Naku dear… h’wag ka na umiyak ha? Baka mamaya hindi matuwa sa’yo si Mr. D hindi pa matuloy ang 5 million deal natin hija! Sayang naman! Sige ka kawawa naman si Papa Jake!” wika pa ng bakla habang naka labi. Alam niya na malaki rin ang makukuhang halaga ni Odessa sa transaksiyon niyang ito kaya talagang halos itulak na rin siya ng bakla dahil alam niyang nasisilaw rin ito sa kinang ng salapi. “Oh Alexa meron nga pala akong ibibigay sa’yo,” wika ni Odessa. Kinuha nito ang isang pulang kahon at iniabot iyon sa kaniya at nang buksan niya ito tumambad sa kaniya ang isang piraso ng tela. Bigla siyang nakaramdam ng takot. “Gusto ni Mr. D na naka-blindfold ka Alexa! Hindi niya gusto na makita mo ang kaniyang mukha!” maarteng wika ni Odessa. “Diyos ko! Ano ba itong pinasok ko?!” hiyaw ni Alexa sa kaniyang isipan. “Oy bakit parang natigilan ka diyan? Ok lang yan girl! Ganiyan siguro yung trip ni Mr. D sakyan mo na lang!” maarteng sabi ng bakla nang mapansin na natigilan siya sa idea na naka- blindfold pa talaga siya. Tatlong mahihinang katok mula sa pinto ng silid ang narinig ng dalawa. “I’m here!” tinig iyon ng isang lalaki mula sa likod ng pintuan. Dali-daling ikinabit ni Odessa ang pulang silk na tela sa mga mata ni Alexa. Halata sa bawat kilos ng bugaw na bakla ang excitement dahil alam nito na pagkatapos ng gabing ito ay malaking komisyon ang naghihintay sa kaniya. “Galingan mo Alexa! Good luck!” bulong ni Odessa sa kaniyang kanang tenga habang siya naman ay nakaupo sa malambot at malawak na kama. Dali-daling umalis ang bakla mula sa pagkakaupo sa kaniyang tabi. “Mr. D lights on po ba or lights off? I turn off ko na lang……” malanding wika ni Odessa sa kausap. “Lights on!” malamig na wika ng baritong tinig. Bigla siyang nanginig. “Talaga bang lights on pa ang gusto ng lalaking ito?!” muli niyang sigaw sa kaniyang isipan. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili literal na kita ang kaniyang kabuuan dahil bukas ang ilaw. Ano pa nga ba ang pwede niyang ikubli alam naman nila kapwa ng lalaking ito na ngayong gabi ay siya ay kaniyang pagmamay-ari?"Lu—Luis!" mahinang daing ni Alexa habang sige ang lalaki sa ginagawa ng paghalik sa kaniyang dibdib. Mainit ang mga palad nito na humahaplos sa kaniyang batok. Hanggang sa gumapang ang mga halik ng lalaki sa kaniyang leeg at tinungo ang kaniyang mga labi. Mapusok ang labi ni Luis, mapangahas, at mapag angkin na para bang pinapaalala sa kaniya na siya ay pagmamay-ari lamang nito. "Love me Alexa and I will give you everything! mahinang usal nito sa pagitan ng mga halik. Hindi na niya namalayan napahawak na pala siya sa batok ng lalaki at gumaganti siya sa mga halik nito. Halos hindi siya makahinga. Kumakalabog ng malala ang kaniyang dibdib. Hindi rin niya ito magawang itulak palayo dahil bawat haplos at yakap ni Luis pakiramdam niya ay kuryente na nagbibigay buhay sa buo niyang kaluluwa. Isang bagay na hindi naman niya naramdaman Kay Jake noon! Bahagya siyang nahiya nang bahagyang tumigil ang lalaki sa ginagawa upang titigan ang kaniyang mga mata. Blanko ang ekspresyo
"What?! Nahihibang ka na ba Mr.Luis Antonio dela Merced?""Why? Do I look crazy? Hindi ako nagbibiro Alexa alam ko sa sarili ko ang gusto ko at ang gusto ko ay mahalin mo ako!",determinadong ani Luis.Bumalik ito sa kinauupuan na swivel chair at diretsang tiningnan sa mga mata ang babae habang nilalaro laro sa kaliwang kamay ang fountain pen."Hindi kita maintindihan Luis, kanina lang sinasabi mo sa akin ang prenuptial agreement nating dalawa... it is clearly stated there na hindi ako makakakuha ni isang kusing sa'yo sa sandali na maghiwalay tayo...and now all of a sudden uutusan mo ako na mahalin ka? Ano ba talaga ang tinutumbok ng salita mo! Kindly explain po at hindi ko maintindihan", Alexa says sarcastically."As simple as this Alexa... kailangan mo akong mahalin upang hindi tayo magkahiwalay! And kung hindi tayo magkakahiwalay mapapasayo ang lahat ng meron ako!", tahasang ani Luis.Daig pa ni Alexa ang sinampal.Ibigsabihin inuutusan siya ni Luis na mahalin siya upang walang magi
"Ma'am Alexa pinapasabi po ni Sir Luis na gusto po niya kayo makausap",ani Manang Luz. Hindi na niya namalayan ang oras at nakatulog na pala siya. Minabuti na niya na umidlip muna habang hinihintay ang pagdating ni Luis sa mansiyon. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa palayan raw kanina si Luis at may mga inaasikado doon. "Sige Manang Luz saan ko po ba matatagpuan si Luis?" "Nasa third floor po si sir Luis sa opisina niya ma'am".,masayang wika ng ginang. "Okay po pupunta na po ako doon",nakangiti naman niyang sabi. Nang makaalis na ang ginang ay minabuti niya na buksan ang built in closet at tingnan kung ano ang damit na maari niyang isoot upang maging kumportable. Naka T-Shirt at pants siya na hiniram niya Kay Jane at aaminin niya na hindi siya gaano g kumportable dahil maluwag iyon ng bahagya sa kaniya. Nangangayayat siya dala ng paglilihi at malimit ay inululuwa rin niya ang inilalaman niya sa kaniyang tiyan, kaya marahil siya namamayat. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang dam
"Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand
"Bessy! Grabeng ganda naman dito! Tiyak yung maids' quarter maganda pa sa bahay ko!", maarteng ani Jane."Shhh!" sinenyasan ni Alexa si Jane na kung pwede ay itikom nito ang kaniyang bibig.Kung minsan talaga sumusobra ang kadaldalan ni Jane at nakakalimutan na nito ang pumreno.Kanina pa kasi itong puri nang puri sa mansiyon. Mula sa mga kagamitan hanggang sa malawak na garden at malaking swimming pool na natanaw nito kanina lang."Bessy gusto ko mag swimming tayo mamaya ha?",pilyang wika ng babae."Jane!" kunway saway niya sa kaniyang kaibigan.Masyadong halata na excited si Jane sa pagtira nilang dalawa sa mansiyon at ayaw naman niya na may masamang isipin tungkol sa kanila ang sinuman na makakarinig. Kaya pinandilatan talaga niya ito ng mga mata hanggang sa makuha nito ang gusto niyang iparating.Nang dumating sila ni Jane dito sa mansiyon ay wala si Luis nasa palayan raw ito at kinakausap ang mga magsasaka doon kaya sila lang dalawa ang magkasama na kumain ng tanghalian. Hindi
"Wow! Talaga ha? Pack up na ba tayo?! "Oo pumayag si Luis na isama kita sa mansiyon!" Hindi magkanda tuto si Jane sa pag iimpake ng mga gamit. Mula mga beauty products at skin care hanggang sa mga damit. Mukhang mas excited pa sa kaniya ang kaniyang kaibigan. "Grabe Bessy pati naman ako ay makakatira sa mansiyon. Pangarap ko lang iyon dati!", masayang sabi ng dalaga. "Ikaw talaga! Sinabi ko kay Luis na kailangan kita para alalayan ako sa aking pagbubuntis." "Kaya nga Bessy ang saya ko! Makakasama na kita tapos may trabaho pa ako. Mula ngayon ako na ng personal assistant mo Bessy!" Masayang masaya ang kaniyang matalik na kaibigan sa balita na hatid niya. Kinuha na ni Luis si Jane bilang personal na tagapangalaga niya habang buntis siya. Malaking bagay rin naman para sa kaniya na may makasama sa mansiyon lalo na ngayon na nag- aadjust pa siya sa bagong buhay na tatahakin niya. Tiyak na ikakagulat ng buong bayan ng Magallanes ang pagpapakasal ni Luis Antonio dela Merced







