Matagal nang nagbabantay si Avina sa ospital, at habang tumatagal, lalo siyang naiirita. Simula pagkabata, sanay siyang inaalagaan at pinagsisilbihan. Kailanman, hindi siya ang nag-aalaga ng iba, lalo na sa ganitong klaseng sitwasyon. Ang magpakain, mag-abot ng tubig, magpunas, magbantay? Hindi iyon bagay sa kanya.Kaya ang unang pumasok sa isip niya ay si Avery.Nagkunwari siyang natapunan ang baso ng tubig, at agad namang nagsimulang mag-alala ang ilang magkakapatid. Hindi nagtagal, hinikayat nila ang ama nilang si Arnold na tawagan si Avery. Sa ganitong klaseng pag-aalaga, wala raw hihigit pa sa kanya. Sanay na sanay daw si Avery sa pagsisilbi.Ngunit mariing tumanggi si Avery.“Hindi po pwede,” mahinahon ngunit matigas niyang sabi. “Adult na po ako, at lalaki si Kuya. Kailangan siyang paliguan, samahan sa banyo, paano po iyon? Pati ba pagbibihis niya, ako pa? Hindi ba’t nariyan sina Kuya Joshua at Kuya Jerry? Gusto n’yo ba talagang babae ang maghuhubad at magsusuot ng pantalon sa
최신 업데이트 : 2026-02-04 더 보기