"Parang may hindi tama talaga, 'no? Tingnan mo, nasa cake tasting na tayo pero wala pa rin si Sir. 'Di tulad no'ng kay Isabella na kinansel talaga lahat ng appointment para lang matutokan ang big day."Ayy. 'Di makapaghintay, girl? Sisipot 'yon sa final touch. Matuto din kasi mag-antay, tsk. Umalis na lang ako do'n at iiling-iling na naupo sa kanina pang na-ispatan na bangko. Nakakainis! Bakit gano'n, 'no? Bakit may mga tao na lagi kang kinukumpara sa taong alam naman ng lahat na lamang na lamang ito sa kahit na anong aspeto?Hindi ako naiinis sa part na may nangyaring comparison. Normal lang iyon sa parte ko dahil ex nga ni Riel si Isabella at ang alam ng lahat, e, ako ang bago. Nakakainis lang sa part na grabe nila ako ngitian kapag kaharap ako, tapos may pagano'n pala sila pagkatalikod ko. If only I could tell them that this was just a fake marriage. A marriage of convenience. But man, I can't, and that's what's more frustrating. Bahala na nga sila. Isipin na nila ang gustong is
Última atualização : 2026-03-30 Ler mais