Pilit kong iwasan ang tingin niya, pero tila ba may sariling isip ang mga mata ko at nanatiling nakatitig sa kaniya. Singapore? Ibig sabihin, doon na siya? Eh, malayo ’yun, ah? Paano ang kumpanya niya rito? At bakit parang pinoproblema ko pa ang bagay na ito? Hindi ba’t ito naman ang gusto ko? Ang hindi na siya makita? Mukhang dining… pero bakit parang… "Hindi ko alam," mahina kong sagot sa tanong niya. "Ang tagal na n'un, Alistair. Sinunod ko naman ang gusto mo, 'di ba? Sabi mo huwag na kitang gustuhin, kaya ginawa ko. At… wala naman akong rason para magalit sa’yo." "And you did a great job," aniya. “Ang galing mo nga, e. You've built your walls so high that even I can't see what's behind them anymore.” Humigpit ang hawak ko sa grading sheet na bigay niya. Ang papel na dapat sana ay simbolo ng tagumpay ko sa araw na ito ay parang naging pabigat pa sa kamay ko. Ano bang ibig niyang sabihin? “Bata pa po ako n'un…” sabi ko pa. “I was just a girl who had a crush on her mentor, and y
Última atualização : 2026-03-15 Ler mais